MBS 26: Disappear

197 7 8
                                    

A/N: 4 chapters to go before the epilogue!😊🎉🎊

P.S. kung may napansin kayo sa pangalan ni Sky sa mga previous chapters at sa pangalan niya dito, please don't hesitate to let me know kasi nakalimutan ko kung saan nailagay ang complete name niya sa previous chapters eh, hindi ko mahanap at natatamad narin akong hanapin iyon😩✌
This will be a short update only.
-

[Miyarain's dream]

***

"There, umupo ka." Sabi niya nang hinawakan niya ang balikat ko at tahimik na pinapaupo niya ako sa blanket, umupo naman siya sa tapat ko.

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ka ba ganyan? Parang nakakalimutan mo yata ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa iyo- oops!" natampal ko ang sariling bibig dahil sa lahat pa ng sasabihin ay 'yun pa talaga? Hindi ka nag-iisip, Miyarain!

Nabuko tuloy ako.

Nilingon niya ako, "I just want to protect you from anything, Miyarain. Hindi mo kasi ako naiintindihan. This is not the right time for you to know the truth, ulan. Baka ilayo ka lang nila sa'kin." Nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya, pero hindi ko makuha ang mga sinasabi niya!

Nakakunot lang aking noo at salubong ang aking kilay ngayon panigurado.

"A-Anong sinasabi mo? Ikaw ang hindi ko maintindihan Allure sa mga pinagsasabi mo, nalilito ako at naguguluhan dahil sa'yo eh," ani ko.

"..."

"Bakit hindi mo sabihin ang dahilan mo sa akin ngayon, dahil may connection ba ito  kung bakit bigla ka nalang lumitaw noon sa bar at maging bantay ko, iyon ba?" Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya, pero wala akong nakuha kahit ni isang salita man lang.

"Fine, kung ayaw mong sabihin hindi naman kita pipilitin." Nanahimik na ako pagkatapos kong sabihin 'yun sa kanya.

Panaka-naka niya akong sinusulyapan pero tahimik lang akong ngumunguya ng pagkain na nakatungo ang ulo.

Katahimikan ang namayani sa amin pareho at tanging ang ingay lang ng hangin ang naririnig namin, expected na kapag nandito ka sa rooftop ay malakas talaga ang hangin lalo na tuwing gabi. Ilang beses ko rin tiningala ang langit at pinagmamasdan ang mga bituin at buwan, nagagandahan lang ako.

"Have you ever loss your memory, Miyarain?" Natigilan ako sa tanong niya.

Nagdadalawang-isip ako na may kasamang mahinang pag-iling.

"Hindi ko alam," maikli kong sagot.

Ibinaba niya ang pizza na kanina niya pa hawak, mataman siyang humarap at tumingin sa mga mata ko.

***

[Gerardo]

"Tingnan niyo ang bangkay ng lalaki at kayong dalawa, tulungan niyo akong dalhin si Miss Alcantara sa pinakamalapit na ospital! Ang dami nang dugong nawala sa kanya!" utos ko kina Fred at Iñigo, nauna kaming tatlo na lumabas habang akay-akay nila sa magkabilang braso si Miyarain. Pinagsabihan ko muna ang mga naiwan dito na sumunod na lang sa kung saang ospital kami pupunta.

Sumakay na ako sa sasakyan at agad naman ito pinsibad ng driver ko, nag-aalala ako sa lagay ng magiging future daughter-in-law ko. Pero higit sa lahat ay nag-aalala rin ako kung nasaan ang anak ko!

Alam kong buhay siya! Hindi ko matatanggap kung pati ang anak ko ay mawala sa akin. Pinahid ko ang isang butil ng luha na naglandas sa kanang mata ko. Pinatatag ko ang sarili at hinugot ang cellphone sa bulsa ng coat ko, sinimulan kong diniall ang numero ni Nickendry Alcantara, ang pinaka-matalik kong kaibigan.

"Hello? Gerardo? Bakit napatawag ka?"

"Nahanap ko na si Miyarain, Nick at...hindi maganda ang lagay niya. Binaril siya ng anak nang mag-asawang Porter. For now, dadalhin namin sa Baguio Medical Hospital si Miyarain dahil ang daming dugong nawala sa kanya. And you need to get here faster!"

Pagkatapos ng tawag na iyon ay binilisan ng driver ko ang pagd-drive sa ospital na binanggit ko kanina.

Ilang minuto lang rin ay narating namin ang nasabing ospital at pinagmamadali ko si Iñigo na tumawag ng nurse habang nasa mga bisig ko si Miyarain na halos hindi na humihinga at namumutla na ito. No! You can't leave right now, Miyarain. Paano na ang anak ko? Alam kong buhay siya, kaya sana huwag kang bumitiw, please!

"Sir! Andito na po ang mga nurse at stretcher," pukaw ni Iñigo sa atensyon ko at agad kong inilapag si Miyarain sa stretcher nang patalikod dahil sa likuran siya tinamaan ng bala dala ng pagbaril sa kanya ng Sky na 'yun . Isinugod namin siya sa emergency facility pero kinailangan siyang ilipat kaagad sa operating room dahil maraming dugo ang nawala sa kanya.

Sumunod kami papunta sa operating room pero hindi na kami pinapasok ng isang nurse at ang doctor na mag-aasikaso sa operation ni Miyarain, nasa labas lang kami at naghihintay.

Ilang sandali pa ang lumipas nang tingnan ko ang ang aking relo at alas-otso na ng gabi! Ang tagal naman nila! Why did they are not here yet? Nagpabalik-balik ako sa paglalakad dito habang naiisip ko rin ang kalagayan ng anak ko. Pilit kong sinasabi sa sarili, na sana ay nasa mabuting kalagayan siya ngayon.

"Gerardo!/Tito!" rinig ko na may tumatawag sa akin kaya nilingon ko ang mga bagong dating, si Nickendry, Erika at ang mga kapatid ni Miyarain.

Tumatakbo itong patungo sa kung nasaan kami kaya sinalubong ko silang lahat na laylay ang mga balikat ko.

"I'm very sorry! Patawarin niyo ako dahil nahuli kaming dumating at iligtas ang anak niyo, patawarin niyo ako!"

"It's not your fault, Gerardo. Ginawa niyo ang lahat para matagpuan ang anak namin, kung saan man siya dinala ng hayop na 'yun!" pagtitimpi niya at alam kong galit na galit siya ngayon dahil napahamak na ang niya noon, napahamak parin ito ngayon dahil sa kabaliwan ng pamilyang iyon!

"Pero si Allure? Nasaan na siya? Bakit wala siya dito?" tanong ni Erika na nag-aalala, maging ang tatlong dalaga na nag-iiyakan habang niyayakap nila ang isa't-isa.

"Nalaman namin kanina kung nasaan siya, iyon nga lang...ibinalita ng mga tauhan kong bigla nalang raw nawala ang location niya sa tracking device nila kaya hindi na nila ito nasundan pa," malungkot kong sambit pero nagulat na lang ako nang tapikin ako balikat ng mag-asawa...malungkot rin sila sa binalita ko tungkol kay Allure.

I didn't know that he'd just disappear like this!

To be continued...

My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon