MBS 27: Pendant, Ghost!

214 12 15
                                    

A/N: Three chapters more to go before the epilogue!🎉🎊

P.S. I might think of a special chapter to this story, uulitin ko po...pag-iisipan ko pa po muna😊💛

[Miyarain]

Nasaan ako? Bakit ganun? Ang sakit-sakit ng dibdib ko! Hindi ko matanggap ang nangyari sa kanya. Those memories we had for each other, always here inside of me. I bend my knees, however I couldn't control my emotions. Nakaupo ako hanggang sa ang mahinang iyak ay hagulhol na ngayon. My hands are on my face, ang mga balikat ko nag taas-baba sa kakaiyak.

Pinahiran ko ng kaliwang daliri ang mga mata ko sa naglandas na luha sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung bakit pero...parang may naramdaman ako na kung anong gumulong sa tuhod ko.

"W-What's this?" tanong ko sa sarili.

Kinuha ko ito at...

***

[Erika]

"Anong oras na? Hindi pa ba lumalabas ang doctor na nag-aasikaso sa anak natin, Nick?"

"Hindi pa, Ika. Ipagdasal natin na sana ay bumuti ang operasyon niya," sagot niya sa akin. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng operating room pero tama ang asawa ko. Kung anu-ano na ang ginagawa ko, sumusilip sa pinto at nagbabaka-sakaling may lumabas na doctor at ibabalitang success ang operation niya.

Nagitla kaming lahat nang may bumukas ng pintuan at sinalubong kami ng isang doctor. "Sino ang mga magulang ng pasyente?"

"K-Kami po, doctor! Kumusta na po ang lagay ng anak namin?"

"For the operation, it is successful but I have to show you something that burried on the clothes of the patient. Aside sa nakuha na namin ang bala sa likuran niya... Ay may nakuha rin kaming ibang bagay sa kanya. I suppose after cleaning it, you can give this thing back it to her. Mamaya-maya lang ay maaari niyo na siyang makita sa kanyang kwarto kapag nailipat na namin siya sa private room. So if you'll excuse me, aalis muna ako saglit dahil aasikasuhin pa ako sa naging operation niya." Mahabang paliwanag ng doctor. At hindi nga nagtagal ay nasilayan ulit namin ang mukha ng aming anak, naaawa ako sa sinapit niya ngayon!

"Gerardo, buhay pa ba ang gumawa nito sa anak ko? Gusto kong magkaroon ng hustisya ngayon din ang sinapit ng anak ko!" Umiiyak kong sambit, dinaluhan naman ako ni Nick pati na ang tatlo pang anak namin na hindi kami iniwan dito lalo na si Layla. Kahit hindi sila masyadong magkasundo ng ate niya ay alam kong mahal na mahal niya ito. Wala namang kapatid na hindi mahal ang sariling kadugo mo diba?

"Shhh! Makakamit rin natin ang hustisya dahil nahuli naman nila ang Sky na 'yun! Magbabayad siya sa ginawa niya sa anak natin, Erika. Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa bilangguan." Napatango na lang ako saka ginawaran niya ako ng isang mahigpit na yakap.

Natigilan kaming lahat nang agad naman na bumukas ang pintuan ng operating room saka nilabas ng mga nurse kung saan nakahiga ngayon ang anak namin.

Kasalukuyan na kaming papunta sa kanyang kwarto nang nagpaalam saglit si Gerardo dahil aasikasuhin niya rin kung ano na lagay ng Sky na 'yon! Nabaril kasi ng mga tauhan ni Gerardo ang batang iyon, and I'm sure they will be here any minute to conduct an operation for him.

"Tita!/Tito!" sigaw nina Arcy at Timothy na humahangos sa kakatakbo dito sa gawi namin.

Papasakay palang kami ng elevator nang bigla nalang silang sumulpot. Nagtaka pa ako bago ko nakuhang magsalita. "Anong ginagawa niyo dito? Diba may pasok pa kayo?" sabi ko.

My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon