MBS 03: School

651 35 30
                                    


[Miyarain]

Nagising ako na inaakala kong nasa kwarto pa ako ng mansyon namin. Hayst! Akala ko panaginip lang ang nangyaring nakilala ko ang lalaking yun at tumira ako sa condo unit. Totoo pala ang lahat ng to!

Miyarain...wake up, okay!? If you think you're in dreamland pa, wala na gaga ka!

Sabi ko sa sarili ko. Bumangon na ako sa kama at inayos muna yun pagkatapos ay pumuntang banyo para maligo, i think its a quick shower instead kasi tiningnan ko ang wall clock ko ay malapit ng mag-six thirty. Seven thirty pa naman ang first period namin which is History kay Sir Pagadian! Napaka-terror pa naman nun!

Pero wag lang niya akong subukan no!? May malaki kaya na share ang pamilya namin sa school kung saan kami nag-aaral ng mga kapatid ko.

(After twenty minutes)

Pagkatapos kong naligo ay kinuha ko muna sa isang maleta ko ang tatlong pair ng uniform ko. Color black siya na long sleeve, hanggang hita ang skirt at may black socks kami na hanggang tuhod ang taas. Sinuot ko na yun at naglagay lang ako ng light make-up tapos nilugay ko lang ang buhok ko na balikat lang ang katamtaman.

Lumabas na ako sa kwarto kong yun, at naglakad papunta sa kusina and napa-isip ako!

Hindi ako marunong magluto?!

How can i supposed to do that!?

Tsssss!!!!

Naputol ang iniisip ko ng narinig ko ang ang doorbell ko na tumunog, agad naman akong tumalima at naglakad papunta sa pinto. Sinilip ko muna ang peep hole nun at tiningnan kung sino ba tong poncio pilato ang nasa labas ngayon!

Gasp!!

Si Timothy!? Anong ginagawa niya dito?

Agad kong binuksan ang pinto pagkatapos ay dinamba niya ako ng yakap pagkatapos ay pinapasok ko siya. We're also classmates din kasi.

"Ang gara talaga ateng! Biruin mo, nakatira kana ngayon dito sa isang sikat na condo-minium! Pak, ganern!" kahit kailan talaga ang bunganga nitong si Timothy parang maok, putak ng putak eh!

"Timmy, i don't know how to cook! Letche kasing yung lalaki na yun!" nagtaka naman siya sa sinabi ko. Tapos biglang tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Oh my gosh! Ang isang Miyarain Shingella Alcantara ay hindi pala marunong magluto! But of course i know that, para san pa at naging mag-bestfriend tayo no! Pero dahil nandito nalang rin naman ako, i would like to suggest na makiki-kain ako sayo ngayon kasi ako na magluluto babaita ka!" sabi niya lang at nagsimula nang maglakad papunta sa refrigerator at naghanap na pwedeng lulutuin.

Habang ako naman ay naka-tanga lang dito sa mesa habang hinihintay siyang matapos.

"Ay, ateng! Grabe ka, ito lang pala ang laman ng ref mo? Anong gagawin ko dito sa ampalayang to? Meron namang isda pero magpa-paksiw ka ba ngayon? Bakit wala man lang hotdog tsaka bacon dito?" pagre-reklamo ni bakla, eh pano ba naman kasi nagtalo pa kami ng Allure na yun sa kung anong bibilhin naming pagkain ko dito sa unit ko. Meron naman akong junk foods, cup noodles, pancit canton at iba pa pero ang sabi niya healthy foods kaya ang ginawa kumuha din ako ng kung anong gulay ang makuha ko, kaya ganun ang naging resulta.

"Eh kasi nagmadali na kami ng mukhang unggoy na yun na umuwi dito sa condo kaya---" tumingin ako sa kanya pero ang gaga laglag-pangang naka-tingin sakin.

May sinabi ba akong masama?

"May kasama kang lalaki kahapon? At hindi me menleng eke eseneme eh, gege ke telege?!" sigaw niya sa kung anong language ang sinabi niya sakin.

My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon