Epilogue

592 13 18
                                    

Epilogue

"Hahaha! Bro? Teka, ayos ka lang ba?" puna ni Tanner sa kaibigan niyang si Allure na hindi mapakali dito sa kanyang tabi na nakatayo sa unahan at mukhang may malalim na iniisip.

"I don't know what's got into me, kinakabahan ako na parang ewan. Natatakot ako na baka hindi ako siputin ni Miyarain dito dahil nag-away kaming dalawa kahapon Tanner eh," may pag-aalala sa kanyang boses na turan niya sa kaibigan.

"Bro, sa tingin mo iiwan ka ni Miyarain dito sa ere nang dahil lang sa nag-away kayo kahapon? Naku! Kung mangyayari nga, bago iyon." Natatawang usal nito na bahagya pa siyang siniko ni Allure at sinamaan ng tingin dahil sa sinabi at pinagtawanan pa siya nito.

"Bro, relax ka lang okay. Darating si Miyarain, sigurado kaming dalawa ni Flint diyan. Huwag kang maniwala sa iniisip mo okay? Hindi iyan makakatulong sa 'yo eh." Sita sa kanya ni Gian, pareho rin itong nakatayo malapit sa gawi nila dahil si Tanner ang best man nito.

Samantalang nasa groom's men naman sina Gian at Flint kasama ang iba pa'ng pinsan na mga lalaki ni Miyarain.

Hindi parin siya mapakali pero kahit papaano ay nabawasan nang konti ang kaba na nararamdaman niya. Nauna siyang dumating dito sa simbahan ng Quiapo para sa pag-iisang dibdib nilang dalawa ni Miyarain.

Kita niya ang mukha ng kanilang mga bisita na ang iba ay nakatingin sa kanya at ngumingiti sa gawi niya samantalang may iba naman ay busy sa kani-kanilang sariling mundo dito sa loob ng simbahan.

Namamawis ang kanyang kamay pero pinahid niya lang ito ng kanyang panyo na napansin nina Arcy at Timmy. Napangiti ang mga ito, napahigikhik silang dalawa na kinuhanan nila si Allure ng picture gamit ang cellphone ni Arcy.

Mga ilang minuto pa silang naghintay para sa pagdating ni Miyarain, pero napapatanong ang ibang bisita kung bakit parang natagalan yata ito?

Maging si Allure ay hindi na naiwasan na mangamba at muntik pa siyang maluha nang biglang sumigaw ang organizer ng kanilang kasal. "Nandito na ang bride! So please line up everybody!" saad nito sa mga flower girls, ring bearer, bride's maid at groom's men.

Pinili nilang sa gabi gawin ang seremonyas ng kanilang kasal, ayon narin sa gusto ni Miyarain. Naalala kasi nito ang kanta no'ng sinayaw nila sa acquaintance party nung college.

Nagsimulang tumugtug ang kantang kalawakan, ito ang napili ng bride para sa kanilang wedding march. Mga ilang sandali pa ay natapos ang kanta dahil tapos narin sa pag m-martsa ang mga nasa entourage, sumenyas ang wedding organizer kay Allure nang bigyan siya ni Tanner ng mikropono.

Now Playing: This I promise you by- NSYNC

Sa pagsisimula ng tugtog na iyon ay nagawang kantahin ito ni Allure sa pangalawang pagkakataon. Hudyat niyon ay ang pagbukas ng malaking pinto ng simabahan kung saan nakita niyo do'n sa bukana nakatayo ang babaeng nakakuha ng kanyang atensyon sa unang pagkakataon nang masilayan niya ito sa litrato noong sila ay nasa teenager pa lamang, bago pa iyon mangyari ang aksidenting sinapit ni Miyarain noon.

Nagsimula siyang kumanta at naparinig ito ng kanilang mga bisita, hindi mapigilan na hindi humanga sa taglay na magandang boses nito habang kinakanta ang paborito ni Miyarain.

~When the visions around, bring tears to your eyes.

And all that surrounds you, are secrets and lies.

I'll be your strenght, I'll give you hope.

Keeping our faith when it's gone.

The one you should call, is standing here all along~

(Allure's thought)

Oh d*mn! Why is she so beautiful on that wedding dress? Gusto ko siyang puntahan sa kinaroroonan niya ngayon at sabay kaming maglakad papunta sa altar, pero alam kong hindi pwede dahil sa tradisyon. Kasama niyang naglalakad ang kanyang mga magulang na may malaking ngiti sa kanilang labi habang nakikita nakatingin ang mga ito sa akin. Gusto kong magpasalamat sa kanila dahil sa kabila nang nagawa kong pagkakamali kay Miyarain noon ay tinanggap parin nila ako.

My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon