Kabanata II: Kasiyahang Dulot ng Kapahamakan

183 10 36
                                    

Dumalo ang magkakaibigang Serafina, Janelle, Carina at Gracia sa debu ng kanilang kaklase. Kaswal lamang ang suot nila, ngunit hindi naman gano’n kasimple. Suot niya ngayon ang kulay rosas na bestidang sukat na sukat sa kanya na ang manggas nito ay nakalitaw ang kanyang balikat, ang saya nito’y pabilog na may mga tupi-tuping patayo. Suot din niya ang kulay puting sandals na medyo may kataasan ang takong.

May kaya ang debutanteng kaklase nila kaya naman dito ginanap sa isang resto bar ang kaarawan niyon. Pag-aari ito ng magulang ng kanilang kamag-aral kaya dito na lang naisipang ganapin ang piging.

“Sigurado ka bang dito ‘yon?” tanong ni Carina sa mga kaibigan.

Napatingin-tingin sila sa paligid. Walang gaanong tao ngayon dito. Medyo malayo na kasi ito sa mga pangunahing dinadaanan ng mga sasakyan. Sumakay lang sila ng tricycle upang makarating dito. Wala ring gaanong mga bahay sa paligid. Marami pang mga bakanteng lote. Kaya naman hindi nila maiwasan ang matakot sa lugar na ito.

“Oo. Ito na ‘yong resto bar. Tara pasok na tayo,” pagyaya ni Janelle at hinila ang kamay ni Fina.

“Teka!” pinigilan niya ito sa paglalakad dahilan upang muli itong mapatingin sa kanya.

“Kinakabahan ako. First time ko pa lang kasing makakapasok sa bar eh,” dugtong niya na may halong pag-aalinlangan.

“Ano ka ba. Closed ang bar ngayon dahil birthday ng classmate natin. Saka isa pa, eighteen ka na rin kaya kahit open for customers ‘to, pwede ka nang pumasok.”

“Baka kasi kung anong mangyari sa loob eh. Hindi natin kilala ‘yong ibang invited guests.”

“‘Wag kang mag-alala, akong bahala sa inyo. Mangako kayo na walang iinom ng alak sa atin para makasigurong safe talaga tayo,” paalala ni Gracia.

“Wow! Sa’yo pa talaga nanggaling ‘yan Gracia ha. Ikaw nga ang panay-panay ang tagay sa’tin eh,” banat ni Carina.

“Tara na. Baka maubusan tayo ng pwesto.” Tuluyan nang hinila ni Janelle ang kanyang mga kaibigan papasok sa bar na iyon.

Marami nang mga tao sa loob. ‘Di tulad ng ibang bar ay bukas ang maliliwanag na puting ilaw dito. Wala pang mga nag-iinuman sapagkat pormal ang ginaganap na piging ngayon. May oras para sa inuman at iyon ay ang pagkatapos ng mga seremonyas ng debu.

Kulay itim ang mga upuan. Ang tema ng kaarawan ng kanilang kamag-aral ay pawang pang rakista dahil mahilig ito sa musikang rock. Ang mga disenyo ng entablado, kung saan uupo ang may kaarawan, ay punung-puno ng iba’t ibang kulay ng electric guitar at mikropono.

“Ibang klase siya. Kahit sa debu niya, glamrock ang tema. Babae ba talaga siya?” ani Janelle dahilan upang sikuhin siya ni Fina.

“Ano ka ba! Baka may makarinig sa’yo. Tandaan mo, gabi niya ‘to,” bulong niya sa kaibigan. Nakadikit ang kanyang ulo rito upang marinig ang kanyang mahinang pagkakasabi.

Maingay ang paligid sa mga musikang rock na tila sinasabayan pa ng ibang mga bisita. Hininaan naman ito pagkasimula ng programa.

Naroon din sa nasabing piging si Lucas at ang mga kasamahan niyang sindikato. Naghahanda na sila sa maramihang pagkuha ng mga kababaihang narito upang maihain sa kanilang mga kliyenteng hayok sa pakikipagtalik.

Nagkunwari silang mga gwardyang nakauniporme ng itim na polo shirt upang makapuslit sa loob. Nagkalat na rin ang kani-kanilang mga dalang van kung saan isasakay ang makukuha nilang mga kababaihan. Hindi lang ito halata sa labas dahil hiwa-hiwalay ang pagkaparada ng mga ito.

“Hintayin n’yo ang go signal ko,” bilin ni Lucas at naglakad na siya upang hanapin si Fina.

Naghiwa-hiwalay din ang kanyang mga kasama upang maikalat ang hawak nilang tear gas sa paligid. Ito’y upang walang mangyaring gulo sa pagitan nila at ng mga sibilyan. Wala ring tatawag ng pulis sapagkat sigurado silang mawawalan lahat ng malay ang mga tao rito.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon