Kabanata XXXIV: Pagsugod

45 1 0
                                    

Mag-isang nagtungo si Lucas sa Safegrand Hotel. Pinuntahan niya ang opisina ni Gordon Esguerra, ang kanyang ama, kung saan nagsimula ang lahat.

Tinarangka niya ang pinto bago lumapit sa kinauupuan nito. Nilapag niya ang kanyang palad sa lamesa nito, dinikit ang kanyang mukha sa dyaryong tumatakip sa mukha ni Great Gordel. “Tantanan mo na si Fina at ang pamilya niya!”

Binaba ni Great Gordel ang dyaryong binabasa. “Lucas, anak, nandito ka pala. Babalik ka na ba sa Puercio Flamma?”

Umupo siya sa silyang nakatagilid sa lamesa ng kausap. “Hindi na ako babalik sa impyernong lugar na ‘to, Great Gordel! Pwede ba, patahimikin mo na kami, kung talagang anak ang turing mo sa’kin!”

Tumayo si Great Gordel sa kanyang kinauupuan. “Parang hindi mo naman alam ang batas ng Puercio Flamma. Masyado nang maraming nalalaman ‘yong girlfriend mo. Syempre ginawa ko lang ang paraan para patihimikin siya.”

Tumayo na rin siya at hinarap si Great Gordel. “Hindi mo ba naisip na mas marami ang nalalaman ko sa Puercio Flamma kaysa sa girlfriend ko? Pwede ko kayong isuplong kung gugustuhin ko.”

“Edi isuplong mo! Oh bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ginagawa? Natatakot ka ring makulong ano? Ipapaalala ko lang sa’yo, kung nasaan ka ngayon, utang mo lahat ng ‘yon sa Puercio Flamma! Hindi mo makukuha si Fina kung hindi dahil sa sindikato! And let me remind you, niligtas lang naman kita sa muntik na pagkuha ng organs mo no’ng bata ka pa!”

Natawa si Lucas sa mga sinabi ni Great Gordel. Kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa. Pinakita niya ito sa kausap. “Lahat ng sinabi mo ngayon ay recorded. Ano kayang mangyayari kapag nilabas ko ‘to? Mababaliktad mo pa kaya ‘to, Gordon Esguerra?”

Mabilis na dinukot ni Great Gordel ang baril sa kaloob-looban ng kanyang bewang at tinutok ito kay Lucas. Gano’n din naman si Lucas. Halos sabay silang nagtutukan ng baril.

“Talaga bang kakalabanin mo ko anak? Kailangan ba talagang humantong sa ganito?”

“Kailangan nang matapos ang kasamaan mo, para wala ka nang mabiktima pa!”

Hihilahin na sana niya ang gatilyo nang may biglang tumawag sa kanyang teleponong hawak niya sa isang kamay. Agad namang hinablot ni Great Gordel ang kanyang baril at tinutok ang dalawang baril sa kanya.

“Ano ba ‘yan, hindi ka pa rin pala natututo. Senyales lang ‘yan na kailangan mong bumalik sa Puercio Flamma! Bumalik ka na sa akin anak.” Binalandra ni Great Gordel ang palad sa kanyang kanyang anak at tinaas-baa ang mga daliri nito.

Mabilis na sinipa ni Lucas ang isang upuan dahilan upang mabitawan ni Great Gordel ang dalawang baril. Dinampot niya ang nahulog na mga baril at pinaputok nang isang beses sa hita si Great Gordel.

“Marami akong natutunan dito. Pero mas lamang ako sa inyong lahat. Dahil natutunan kong maging mabuting tao.” Tumakbo na siya palabas ng Safegrand hotel. Sinuot niyang muli ang kanyang shades at sumbrero upang walang makakilala sa kanya.

*****

Mag-isa na lang si Carina na pumapasok at umuuwi sa eskwela. Hindi na niya kasabay ang dalawa niyang kaibigang sina Gracia at Fina. Sumasabay naman siya sa kanyang kaibigang si Nathan sa unibersidad upang masiguro ang kanyang kaligtasan.

Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na malayo sa mga matalik na kaibigan, subalit naiintindihan naman niyang may pagbabanta sa buhay ng mga ito ngayon.

Pagkatapos ng kanyang klase ay nagtungo sila ni Nathan sa sementeryo kung saan nilibing ang kanyang kaibigang si Janelle. Nagtirik sila ng kandila rito.

“Siguro hanggang ngayon hindi ka pa rin matahimik. Kahit ako hindi matahimik. Gusto kong pagbayarin ‘yong mga taong nambaboy sa’ting dalawa. Sa’kin sa matandang amerikanong ‘yon! Sa’yo naman ‘yong nambaboy at pumatay sa’yo. Janelle, ako na lang mag-isa rito. Sana, nakikita mo ako ngayon, binabantayan.” Hinawak-hawakan niya ang puntod ng kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon