Kabanata XXIX: Kinukubling Lihim

34 2 20
                                    

Hindi maiwasan ni Fina ang maluha habang siya’y naglalaba sa labas ng kanilang maliit na tahanan. Ipit na ipit na siya sa sitwasyon. Hindi na niya alam kung tama ba ang kanyang ginawang pagsuplong sa nobyong si Lucas lalo pa’t kasisimula pa lang ng kanilang relasyon bilang magkasintahan.

“Anak? Umiiyak ka ba?” tanong ng kanyang inang kauuwi lang galing sa ospital.

Agad niyang pinunasan ang kanyang pisngi gamit ang kanyang braso. “Hindi po nay, wala po ‘to. May pumasok lang po sa mata ko.”

“Kumusta na po si itay?” tanong niya sa kanyang ina. Ayaw niyang ipahalta rito ang tunay niyang nararamdaman sapagkat ayaw na niyang dagdagan pa ang suliranin ng kanilang pamilya.

“Bumubuti na. Sabi ng doktor, bukas daw pwede na siyang lumabas. Umuwi lang ako rito para magdala ng damit niya, babalik din ako ro’n mamaya.” Umupo ang kanyang ina sa maliit na silyang katapat ng kanyang kinauupuan. “Alam mo anak, laking pasasalamat ko talaga kay Lucas. Kung hindi dahil sa kanya hindi natin mapapagamot ang tatay n’yo. Kailan ba siya ulit pupunta rito?”

“Hindi ko pa po alam nay. Sa ngayon kasi kasama niya ang mama niya na matagal na niyang hindi nakikita,” nakangiti niyang tugon.

“Gano’n ba? Sana bisitahin ka niya ulit para makapagpasalamat ako ng personal sa kanya.”

“Ate tumatawag si kuya Lucas,” sigaw ni Rina. Lumabas ito at inabot sa kanya ang kanyang telepono.

“Naku, pinag-uusapan lang natin kanina tapos bigla siyang tumawag,” nakangiting winika ng kanyang ina at sinundot ang kanyang tagiliran.

“Nay,” nakangiti niyang sabi dahil sa pagkiliti nito sa kanya.

Naghugas muna siya at nagpunas ng kamay bago kunin ang kanyang telepono sa kapatid. Muling pumasok si Rina sa loob habang siya nama’y umupong muli sa maliit na silyang katapat ng kanilang palanggana kung saan siya naglalaba.

“Hello,” pambungad niya.

“Fina, libre ka ba ngayon? Yayain sana kitang lumabas,” sabi ni Lucas sa kabilang linya na nagpangiti sa kanya ng napakalapad.

“Oo naman. Hinahanap ka nga ng nanay ko eh. Gusto niya raw magpasalamat sa’yo sa pagsagot sa pang-ospital ni tatay.” Tumingin siya sa kanyang ina at napansing tila masaya ito para sa kanila ni Lucas.

“Gano’n ba? Sige. Pupunta ako riyan ngayon na.”

“Sige. Hihintayin kita. Tapusin ko lang ‘tong nilalabhan ko.”

“Okay babe. Bye, see you later. I love you.”

“I love you too,” nakangiti niyang tugon.

“Ihanda mo na ‘yang sarili mo. Mapapalaban ka nang matindi. Sabik na sabik na ako sa’yo babe. Hindi tayo nag-sex bago tayo naghiwalay eh. Hindi rin tayo nagkita kahapon kasi sinamahan ko si mama,” mapang-akit na winika ni Lucas sa kabilang linya na nagpainit sa kanyang katawan.

“Ikaw talaga. Sige na, kita na lang tayo mamaya. Bye.” Binaba na niya ang tawag.

“Ayan na nay, nag-aya na po. Makakapagpasalamat na po kayo ng personal,” aniya.

“Ipapakilala mo na rin ba siya sa tatay mo?”

Tumangu-tango siya sabay sabing “Kinakabahan po ako sa magiging reaksyon ni itay. Sigurado akong mabibigla ‘yon.”

“Sigurado ‘yon. Pero kung totoong mahal ka ni Lucas, haharapin niya ang itay mo nang maluwag sa loob niya.”

“Tama po kayo nay,” nakangiti niyang winika.

“Oh siya, Kukuha lang ako ng damit ng tatay mo. Bilisan mo nang maglaba riyan at darating na siya.”

“Si nanay talaga. Opo, ito na po.”

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon