Kabanata IV: Si Lucas at ang Puercio Flamma

197 9 47
                                    

Sa pagkawala ni Fina at ng iba pang mga kababaihan ay patuloy ang paghahanap ng awtorridad sa kanila. Nagpatulong na rin ang pamilya ng mga nawawalang babae sa iba’t ibang estasyon ng balita sa telebisyon, radyo at dyaryo at ang napapanahong internet. Ang iba’y nag-aalok pa ng pabuya sa makapagtuturo sa mga ito.

Hindi mapakali ang ina ni Fina. Dalawang gabi nang wala ang kanilang anak sa kanilang tahanan. Hindi na rin sinasagad ng kanyang asawa ang pamamasada. Tatlong ikot lang sa kanyang ruta ay tinatapos na niya ito upang tumulong sa paghahanap sa panganay nilang anak.

Kunakain sila ngayon ng hapunan. Ibang-iba sa pagkain nila no’ng naririto pa si Fina.

“Nasaan na kaya ang anak natin? Nakakakain kaya siya nang maayos? Diyos ko! Kung alam ko lang, sana hindi natin pinayagan ang anak nating pumunta sa magarbong party na ‘yon, Roman!” sabi ni Sarah.

“Nay, ‘wag n’yo na pong sisihin ang sarili n’yo. Wala naman pong may gusto ng nangyari eh. ‘Di ba nga po pati ‘yong nag-debu, nawawala rin ngayon? Wala pong kasalanan ‘yong party,” pagpapakalma ni Sharina.

“Tama si Rina. Kailangan nating maging malakas para mahanap natin si Fina. Kaya kumain na tayo,” wika ni Roman.

Walang gana silang kumain. Ngayon lamang nila naramdaman ang kanilang pagkasalat nang mawalay si Fina sa kanilang piling. Noong nandito ito’y ‘di nila alintana ang hirap ng buhay sapagkat kumpleto silang pamilya. Ngayon ay para silang ninakawan ng isang napakahalagang yaman sa kanilang buhay.

*****

Samantala, nakarating na sina Fina at Lucas sa lugar kung saan sila mamamalagi nang sarilinan. Pagkatapos nang mahaba-habang byahe ay nakarating na rin sila sa mala-paraisong lugar na ito. Walang katau-tao rito sapagkat malayo ito sa kabihasnan. Tinayuan niya ito ng mansyon bilang bakasyunan. Nagtalaga siya ng katiwala rito, ngunit pinaalis niya muna ito sapagkat nais niyang sila lang dalawa ni Fina ang nandito. Malapit din ito sa dagat kaya naririnig nila ang paghampas ng alon sa pampang.

“Fina, gising, andito na tayo.”

Nagising siya sa pagtapik-tapik ni Lucas sa kanyang pisngi. Minulat niya ang kanyang mata at tumingin-tingin sa paligid. Palubog na ang araw ngunit napakaliwanag pa rin sa paligid.

Bumaba na sa sasakyan si Lucas. Maya maya’y tinulungan na rin siyang bumaba nito. Nakagapos kasi ang kanyang kanang kamay sa hawakan ng kotseng ito.

“Warning lang ha. Kahit takasan mo ‘ko rito, wala ka ring mapupuntahan dahil liblib na lugar ‘to. Dito natin itutuloy ‘yong naudlot na sex natin kanina.” Kumindat-kindat pa si Lucas habang nakangisi sa dalaga.

Pinanlisikan niya ito ng mata. Ngunit hindi niya alam kung anong maaari niyang gawin upang makawala sa lalaking ito.

Pagbaba niya ng sasakyan ay namangha siya laki at lawak ng bakuran ng mansyon. Maraming iba’t ibang puno at halaman ang nakatanim sa buong paligid. Tila napakalayo nito sa pinaka-gate ng mansyon na sa pakiwari niya’y kapag nilakad lang ay aabot ng mahigit-kumulang tatlumpu’t minuto. Pumasok na sila sa loob ng mansyon. Dalawa ang pinto. Pareho itong binuksan ni Lucas. Lalo siyang napanganga nang makita ang ganda ng loob nito. Gawa sa marmol ang kulay abo nitong sahig na hindi nawawala ang kintab. Malaki rin ang hagdan na para bang siya’y nasa palasyo.

“Nasaan  ba tayo?” nakangiti niya tanong.

“You like it?” kagat-labing sinabi ni Lucas.

“Oo. Ang ganda.”

“Akyat tayo sa kwarto. Sigurado akong magugustuhan mo rin ang design do’n.”

Inaabot nito ang kanyang kamay na siya namang kanyang inabot nang may ngiti sa kanyang labi. Habang umaakyat sa hagdan ay pinagmamasdan niya ang malaking chandelier sa sala. Dahil doon ay bahagya siyang natapilok.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon