Kabanata VI: Pagbubuklod ng Magkaibigan

127 7 22
                                    

Maagang umalis si Lucas sa silid upang magmanman sa labas at maghanap ng iba pang mga kababaihan. Siniguro niyang hindi makakalabas si Fina sa kanilang silid upang hindi ito masipingan ng ibang kalalakihang naiwan sa kuta ng Puercio Flamma.

“Tol. Kumusta bakasyon n’yo ni Fina?” tanong ni Enzo habang naglalakad sa kalsada ng isang abalang syudad.

Umaga pa lang. Hindi pa gaanong tumitirik ang araw. Masustansya pa ito sa balat kaya ‘di nila alintana ang madampian nito.

“Medyo nasasanay na siya sa ginagawa namin. Bro, gusto ko nang umalis sa kuta. Kaya lang baka isipin ni Great Gordel na tinatakasan ko ang sindikato,” tugon niya.

“Hindi nga ba? Pinagdadamot mo na nga sa iba si Fina eh. Anong balak mong gawin?”

“Pwede ko naman sigurong hilingin na mag-stay na lang kami ni Fina sa mansyon. Naka-jackpot naman ako no’ng nakaraan ‘di ba? Papayag kaya siya?”

“Parang hindi mo naman kilala ang boss natin. Alam mo naman ‘yon, walang sinasanto.”

“Bro tignan mo ‘yong babaeng ‘yon. Ang ganda.” Tinuro ni Enzo sa kaibigan nakita niyang mistisang babae na balingkinitan ang katawan.

“Mas maganda at sexy pa rin si Fina riyan,” seryoso niyang tinuran na nagpakunot ng noo sa kanyang kaibigan.

Napamewang ito at seryosong tumingin sa kanya. “Napapansin ko, simula no’ng dinala natin sa kuta ‘yong babaeng kinahuhumalingan mo, parang ayaw mo nang tumingin sa iba ah. Umamin ka nga. Mahal mo na ba siya?”

“Ano? Hindi ah!” buong pagtanggi niya sa nakanguso niyang bibig. Bumulong siya ng “Sundan na nga lang natin ‘yong babae para makakuha tayo ng impormasyon. Kung anu-ano pang sinasabi mo eh!”

Naglakad na siya patungo sa mistisang dalagang kanilang nakita sa daan. Sumunod naman sa kanya si Enzo. Naglakad sila sa likod nito. Hindi nila pinahahalatang sumusunod sila rito. Nakasuot ito ng mahabang bistidang ang saya ay may hati sa gitna na kitang-kita ang hanggang hita nito. Kaya naman agaw-pansin ito sa mga lalaki sa paligid, higit sa kanila.

Huminto ang babae at humarap sa kanilang dalawa. Tinanggal nito ang kanyang shades at nagwika nang pataray. “Sinusundan n’yo ba ‘ko?”

“Hindi ah. Pakialam namin sa’yo! Assuming ka miss ah!” buong pagtanggi ni Enzo.

Tumalikod na ulit ang babae at nagpatuloy sa paglalakad. Sila nama’y nakatayo lang habang naghihintay ng pagkakataon. Maya maya’y naglakad ulit sila para sundan ito. Pumasok ito sa isang convenient store, pumasok din sila at tumingin-tingin ng mga produkto roon upang hindi sila mahalata.

Naghiwalay sila ni Enzo ng istanteng kunyaring tinitignan. Kailangan nilang malaman ang detalye ng babaeng ito at kung may kaibigan itong magdadala sa kanila sa karangyaan tulad ng nangyari noon sa pagmamanman niya kay Fina. Dahil kay Fina ay pinasweldo sila ng sindikato ng mahigit limang milyon kada isa sa kanila sapagkat mas marami silang nakuhang birhen kaysa sa hindi na. Ibig sabihin ay mas marami ang naibenta sa subastahan kaysa sa nanatili sa kanilang kuta bilang panandaliang aliw ng mga kliyente nilang nagrerenta lamang ng babae sa kanila.

Kumuha ang babaeng iyon ng pagkain at dinala sa counter upang bayaran ito. Kumuha rin si Lucas upang hindi sila mahalata. Sabay sila ni Enzo na pumila sa likod ng babae. Ayon sa kanilang obserbasyon ay dito kakainin ng babae ang kanyang binili.

Magkasama silang umupo sa lamesa. Ang babae naman ay nasa kabila kumakain. Kinain na rin nila ang sa kanila para hindi sila paghinalaan nito.

“Maraming nakabantay. Hindi tayo makakakuha ng impormasyon dito. Mabuti pa, bumalik na lang muna sa kuta. Ako na lang ang magmamanman,” bulong ni Enzo. Hindi niya inaalis ang tingin sa babae.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon