Kabanata XXII: Sagot sa Suliranin

73 3 33
                                    

Nagpalaam si Fina sa kanyang ina na uuwi na muna sa kanilang bahay pagkatapos ay dederetso kina Gracia upang gumawa ng kanilang proyekto sa paaralan. Wala na siyang maisip na ipaalam na siguradong papayag ang kanyang ina kaya wala na siyang nagawa. Kasama niya pabalik sa kanilang bahay si Rina dahil naiinip na rin ito sa ospital.

Lumabas na sila. Nagtaka si Lucas dahil kasama niya ang kanyang kapatid.

“Lucas, uuwi muna kami. Bukas na lang tayo magkita,” palabas niya sabay kindat sa binata. Hiling niya sana’y naintindihan nito ang ibig sabihin ng kindat na iyon.

Nakanganga lang si Lucas sa kanyang kinatatayuan. Napansin niya ang pagkindat ng dalaga. Hindi siya sigurado sa ibig sabihin nito, pero nakisakay na lang siya. “Ah gano’n ba? Hatid ko na kayo. Baka mamaya tangayin na naman kayo mga lalaki kanina eh.”

Napatulala siya sa sinabi nito. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa loob ng kotse. Baka roon pa lang ay mag-init na naman ito sa kanya at painitin din ang kanyang pakiramdam.

“Sige na ate. Pumayag ka na. Mukhang sa kotse tayo isasakay eh. Hindi ko pa nararanasang sumakay nang libre na may aircon,” bulong ni Rina sa kanyang tabi.

Napakunot ang kanyang noo at napatingin kay Rina. “Ikaw talaga! Ano ka ba, nakakahiya naman kay Lucas.”

Pinalit-palit niya ang tingin kay Lucas at sa kanyang kapatid habang nililiitan niya ang kanyang mga mata. Napansin niyang nakangisi ito at kumagat-labi pa habang nakatingin sa kanya.

“Lucas, ‘wag ka munang mag-init! Alalahanin mo, kasama ko ang kapatid ko!” wika niya sa isip lamang habang pinanlilisikan ito ng tingin.

“Ano? Tara?” tanong ni Lucas nang nakangiti sabay lahad ng kanyang kamay sa dalaga.

Inabot niya naman ang kamay nito. “Sige.”

“Sumakay na kayo. Magpapaalam lang ako kina Enzo.” Naglakad na si Lucas patungo sa sasakyan habang nakasunod sina Fina at Rina.

Binuksan ni Lucas ang pinto ng sasakyan at pinaandar ang makina upang bumukas din ang aircon. Pinagbuksan niya si Fina ng pinto sa upuang katabi ng driver’s seat.

“Sakay na,” nakangiting sabi nito.

Sumakay na siya sa loob at sinara nito ang pinto. Binuksan naman ni Lucas ang pinto sa backseat at pinasakay doon ang kanyang kapatid na si Rina.

“Hintayin n’yo ko rito ha. ‘Wag kayong aalis baka may magtangka na naman sa inyo habang wala ako,” bilin ni Lucas. Sinara niya ang pinto ng sasakyan, sinigurong walang ibang makakabukas nito kundi ang susing kanyang hawak at ang magkapatid, kung lalabas man ang mga ito.

“Ate. Saan mo nakikilala si kuya Lucas? Ang gwapo niya ah. Tingin ko may gusto siya sa’yo. Bagay na bagay kayo ate!” magiliw na pagwiwika ni Rina sa kanyang likuran.

Napaharap siya rito matapos ikabit ang kanyang seatbelt. “Alam mo ikaw, kanina mo pa ‘ko inaasar nang ganyan ha. Akala mo hindi ko nahalata kanina na parang binubugaw mo ‘ko sa kanya. Hindi mo pa naman siya lubos na kilala.”

“Mukha naman siyang mabait eh. Niligtas niya nga tayo sa kidnapper kanina ‘di ba?”

“Baka hindi ka maniwala kapag sinabi ko sa’yo kung saan kami nagkakilala.”

Napakunot ang noo ni Rina. Mula sa maaliwalas na ekspresyon ng kanyang mukha ay nabalutan ito ng pagtataka. “Bakit ate? Saan ba kayo nagkakilala?”

“Basta. ‘wag na nating pag-usapan.”

“Ow-kay. Sabi mo eh.”

Maya maya’y bumukas na ang pinto ng driver’s seat at pumasok na si Lucas.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon