Kabanata XXIII: Paghahanap sa Nawalay na Pamilya

68 3 17
                                    

Madaling araw na nang iuwi ni Lucas si Fina sa bahay nito. Tulog ito nang isakay niya sa sasakyan. Siya mismo ang nagsuot ng hinubad niyang mga kasuotan ng dalaga. Mas mainam nang ibalik niya ito sa kanyang tahanan upang lagi nitong ibigay sa kanya ang kanyang katawan.

“Fina. Fina. Gumising ka na. Nandito na tayo sa inyo. Umuwi ka na.” Tinapik-tapik niya ang braso nito.

Hindi nagtagal ay nagising na si Fina. Kinusut-kusot nito ang kanyang mga mata at napatingin sa labas bago ibaling sa kanya ang pansin.

“Salamat sa paghatid,” nakangiti nitong tinuran.

“Syempre. Ako ang nagdala sa’yo sa bahay ko. Dapat lang naman talaga na ako rin ang maghatid sa’yo,” tugon niya.

“Sige na. Baka nag-aalala na sa’yo ang parents mo,” dugtong pa niya.

Bumaba na siya upang ihatid si Fina sa labas ng bahay nito. Pinagbuksan niya ito ng pinto.

“Kaya ko na, Lucas.”

“I insist. Madilim pa. Depressed area pa naman ang tinitirhan n’yo. Kaya sasamahan na kita. Tara.”

Naglakad sila patungo sa bahay ni Fina. Nang makarating ay hinalikan niya ang dalaga sa ulo nito.

“Good bye for now, baby. See you later,” mapang-akit niyang pagkakasabi na nagpalingon nito sa pagkakatalikod sa kanya.

“May pasok ako mamaya. Anong later ka riyan!”

“Ihahatid ulit kita pauwi galing school.”

“‘Wag na! Kaya ko naman ang sarili ko eh. Baka kapag hinatid mo na naman ako, imbes na rito ay sa bahay mo ako iuwi.”

“Ayaw mo ba?”

Napakamot si Fina sa ulo matapos ipadyak ang kanyang kanang paa. “Ayokong mag-alala ang pamilya ko sa’kin.”

“Promise. Hindi kita iuuwi sa bahay ko. Basta, susunduin kita.”

“Sige. Good night kahit madalaing araw na.”

Umalis na siya nang masigurong nakapasok ang dalaga sa bahay nito. Bumalik siya sa ospital kung saan nagpapagaling si Enzo.

Tulog pa nang madatnan niya sina Enzo at Eman. Nakahiga ang batang si Eman sa sofa na matatagpuan sa tabi ng pinto ng silid na ito. Napansin niyang nakabaluktot itong nakahiga, marahil ay nilalamig. Hinubad niya ang suot niyang varsity jacket at ikinumot ito sa bata.

Pinunthan niya ang kaibigan at umupo sa silyang katabi ng higaan nito. Habang pinagmamasdan niya ito’y naalala niya ang kanilang nakaraan, ang mga panahong nagsisimula pa lang silang magtrabaho sa Puercio Flamma.

*****

Matapos silang akuin noon ni Great Gordel sa tiyak na pagkuha ng kanilang mga laman loob, pinadala sila ng mga tao nito sa bulwagan ng kuta ng sindikato.

Sa bulwagang ito ginaganap ang mga malalaking transaksyon tulad ng bentahan ng laman loob ng mga malulusog na bata; na siyang katatapos lang maganap at kaaalis lang ng mga kliyente, bentahan ng mga birheng babae; tulad ng ginawa sa dalawang kaibigan ni Fina na sina Janelle at Carina, at bentahan sa mga malalaking dealer ng mga ilegal na droga; tulad ng shabu, ecstacy, marijuana at iba pa.

Kung wala namang transaksyo’y ginagamit nila ang bulwagang ito sa mga pagtitipon katulad ng nangyayari ngayon.

“Ladies and gentlemen, let’s welcome the two new members of Puercio Flamma who will be trained as drug pushers for small time buyers. Lucas and Enzo,” pagpapakilala ng isa sa mga lalaking kumaladkad sa kanila rito bilang pagsunod sa utos ng kanilang pinuno.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon