Kabanata X: Katapatan sa Kinalakihan

68 5 20
                                    

Nabulabog ang pamilya Lerios nang dumating ang kanilang kapitbahay na pulis. Kinatok nito ang tahimik nilang bahay. Nasa kusina si Sarah, ang kanyang asawang si Roman ay namasada na at ang kanilang bunsong anak na si Rina ay pumasok sa eskwela.

“Aling Sarah, aling Sarah!” pagkatok ng pulis sa labas.

“Sandali!” sigaw niya mula sa kusina ng kanilang bahay. Hinugasan na muna niya ang kanyang kamay na may sabong panghugas ng pinggan saka pumunta sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok.

“Ano ‘yon. May kailangan ka ba sa’kin, Lester?” tanong niya sa batang pulis na kumatok sa kanilang pinto.

“Narinig ko po ang pinag-uusapan ng mga kasamahan kong pulis kagabi. May nakakita po kay Fina.”

“Talaga?” Nabuhayan siya ng loob sa ibinalita sa kanya ng kapitbahay na pulis. Dinapuan ng ngiti ang kaninang nakasimangot niyang mga labi.

“Opo. Kaya nga po bago ako umuwi dumeretso po ako sa inyo. Kakatapos lang po ng shift ko.”

“Salamat ha. Malaking bagay sa’min ‘yong sinabi mo.”

“Sige po, aling Sarah. Uuwi na po ako,” pagpapaalam nito at umalis na sa harap ng maliit na bahay ng mga Lerios.

Sinara na niya ang pinto at napasandal sa dingding na katabi nito habang iniisip ang magandang balita.

“Sana makauwi ka na anak. Miss na miss na kita,” wika niya habang titignan ang larawan ng anak na nakasabit sa dingding katapat ng kanyang tinatayuan.

Nilapitan niya ang larawan at hinawakan ito. Hindi niya namalayang tumulo na ang mga luha sa kanyang mata. Labis ang kanyang pangungulila sa kanyang panganay na anak. Walang araw na hindi niya inisip ang kalagayan nito. Sabik na sabik na siyang mayakap itong muli.

*****

Nagulat si Fina nang makitang muli si Lucas sa kanyang tabi. Nakahiga sila sa kama ng silid kung saan nila laging nilalabas ang init ng kanilang katawan. Nakayakap ang binata sa kanya, kapwa silang walang saplot at nakatabon ang katawan sa loob ng kumot. Naramdaman niya ring nakapasok ang pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae na labis na nagbibigay sa kanya ng sensasyon kapag siya’y gumagalaw.

“Lucas? Lucas, gising.” Niyugyog-yugyog niya ang braso nitong nakapulupot sa kanyang katawan. Ngunit malalim pa rin ang tulog ng binata. Sa pakiwari niya’y nagpapanggap lang itong tulog kaya mahirap gisingin.

Nakita niya ang mga pasa nito sa mukha dulot ng pagkabugbog nito kagabi laban sa ibang myembro ng sindikato. Hinawi niya ang mukha ng binata. Maya maya’y bigla na lang itong dumilat at napangiti sa kanya. Binitawan niya ito at inalis ang kanyang tingin.

“Panget na ba ako?” nakangisi nitong tanong. Ginalaw-galaw nito ang kanyang katawan dahilan upang maglabas-pasok ang kanyang ari sa dalaga.

Sinilay niyang muli ang kanyang tingin kay Lucas. Patuloy ang paggalaw ng katawan nito sa kanyang tabi. “Hindi. Gano’n pa rin naman ang itsura mo.”

Ngumisi ito at nilapit ang mukha sa kanya. Mapang-akit na naman ang tinig na pinakawalan nito. “Gwapo pa rin?”

Nanlisik ang kanyang mga mata. “Oo na, sige na, gwapo ka na!”

“Hindi nga?” Ginalaw-galaw ni Lucas ang kanyang katawan. Pabilis siya nang pabilis sa paggalaw at dahan-dahang hinalikan ang dalaga sa labi nito.

“Uhmmm, Lucas...”

Napahawak siya sa buhok nito habang patuloy ang paggalaw ng binata sa kanyang pagkababae. Habang tumatagal ay pabilis ito nang pabilis na nagdulot ng kanilang sunud-sunod na pag-ungol.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon