Kabanata XVII: Nabuksang Kulungan

58 4 44
                                    

Pagkatapos siyang gahasain ngayong gabi ng lalaking nakabili sa kanya, pinilit bumangon ni Carina sa kamang kanyang hinihigaan kahit pa hinang-hina na ang kanyang katawan. Hindi na naman ito nag-atubiling pakawalan ang semilya sa kanyang pagkababae. Nangangamba siyang baka mabuntis siya nang wala sa oras.

“Sana naman hindi magbunga ang ginawa sa’kin ng rapist na ‘to,” aniya sa kanyang isipan habang nakatingin nang masama sa lalaking masarap ang tulog dulot ng kanilang pagtatalik.

Amerikano ang bumili sa kanya mula sa Puercio Flamma. Walang araw na hindi siya nito sinipingan at halos kain at tulog lang ang kanilang pahinga. Hindi ito nakayakap sa kanya kaya madali siyang nakaalis sa kanilang hinihigaan, nang marahan upang hindi ito magising.

Hinanap niya ang gawa sa sedang bistida niyang suot kanina bago siya piliting makipagtalik ng lalaki. Sinuot niya itong muli. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pinto ng silid. Matagumpay siyang nakalabas kaya madali siyang bumaba sa hagdan.

Sa tagal na niyang nilagi sa malaking bahay na ito, kabisado na niya ang mga seguridad na nakaimplanta rito liban sa isang bagay. Hindi niya batid kung bakit sa tuwing tatangkain niyang tumakas ay nahuhuli pa rin siya ng lalaki. May mga CCTV camera sa paligid na kapag may nakitang gumalaw ay tutunog ang alarma ng bahay. Nalulusutan na niya ito subalit nahuhuli pa rin siya. Ngayong gabi ay susubukan niyang muling tumakas sa bahay na ito.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagwika sa pamamagitan lamang ng kanyang isip. “Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Sana po makatakas na talaga ‘ko. Ayoko na po rito, pagod na pagod na ako sa ginagawa ng kanong ‘yon sa’kin.”

Dumilat siyang muli. Naramdaman niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi kaya pinunasan niya ito gamit ang kanyang palad. Dumapa siya sa sahig at gumapang upang hindi makita ng CCTV.

“Kailangan ko nang makaalis dito bago niya ako madala sa amerika,” aniya sa kanyang isip.

Pinagpatuloy niya ang paggapang sa sahig hanggang sa makarating siya sa pintuan sa may kusina. Batid niyang maraming CCTV camera sa pinaka-entrada ng bahay kaya rito siya dumaan. Dahan-dahan siyang tumayo at binuksan ang pinto, nagtagumpay siya.

Lumingon muna siya sa paligid bago siya lumabas sa pinto at sa screen door. Walang tumunog na alarma, ibig sabihin ay ligtas siyang nakalabas. Subalit paglabas niya’y mataas na bakod ang bumungad sa kanya.

“Paano ako makakaalis dito?” tanong niya sa kanyang isipan habang tinitignan ang mataas na bakod sa kanyang harapan.

Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng pwedeng gamitin upang makatawid sa kabila. Nakakita siya ng malaking puno na pwede niyang akyatin. Nakangiti niyang pinuntahan ito.

“Yes! Makakatakas na ako!” mahina niyang pagkakasabi.

Umakyat na siya sa punong iyon kahit takot siya sa mataas. Wala siyang ibang pagpipiliian kundi harapin ang takot na iyon, sapagkat kung hindi niya ito gagawin ay hindi siya makakabalik sa kanyang pamilya at habang buhay na gagahasain ng banyagang kinuha ang kanyang pagkabini.

Nadulas ang kanyang paa nang ihakbang niya ito sa isang sanga. Napasigaw siya at natahimik ulit. Mabuti na lamang ay napakapit siya sa isa pang sanga sa kanyang ulunan. Pinagpatuloy niya ang pag-akyat hanggang sa marating niya ang dulo ng bakod. Tumingin siya sa baba, napakataas nito.

“Inay ko po! Ang taas!” kinakabahan niyang tinuran. Ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib.

“Carina? Carina, where are you?” dinig niyang sabi ng lalaking gumahasa sa kanya nang paulit-ulit.

Napalingon siya sa likod nang marinig ang tinig na iyon. Hindi na siya nag-alinlangang tumalon upang makatakas. Matagumpay siyang nakababa at naitapak ang paa sa lupa. Huminga siya nang malalim nang magawa niya iyon. Tumakbo na siya palayo sa malaking bahay na nagsilbi niyang kulungan sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon