JANELLA'S POINT OF VIEW
"BALITA KO NANDITO NA DAW ANG KAMBAL NI JESSICA. ANONG PLANO NATIN DOON?"
"WALA AS LONG AS DI SIYA MAKIKIALAM KATULAD NG GINAWA NG KAMBAL NIYA."
"KUNG PATAYIN NA LANG NATIN SIYA PARA SIGURADONG DI NA SIYA MAKIKIALAM?"
"PWEDE RIN."
Napatakip ako ng bibig sa nakinig ko. Hayop sila. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang ginawa nila sa kambal ko.
Habang naglalakad ako ay naramdaman kong tumutulo na pala ang mga luha ko. Habang patagal nang patagal nararamdaman kong nanghihina na ako. Parang anytime pwede na akong bumagsak.
Napatingin ako sa tiyan ko. Nasaksak pala ako pero hindi ko nararamdaman yon dahil mas nangingibaw pa rin ngayon ang sakit at galit ko sa ginawa nila sa kambal ko.
Nanghihina na ako siguro dahil na rin sa saksak na natamo ko. And all went black.
*****
Nagising akong di ko alam kung saan ako.
"Nasan ako?" Tanong ko.
"Gising ka na pala. Nandito ka ngayon sa clinic." Sabi ni Zia.
Naguguluhan ako. Paano ako napunta dito diba nandoon ako sa gubat dahil kinidnap ako at binugbog pero nakatakas ako tapos may narinig akong usapan tapos di ko namalayang nasaksak pala ako at hinimatay ak--. Wait...
"Dont tell ikaw ang nagdala sa akin dito?"
Ngumiti siya sa akin na parang kinikilig pa.
"Actually ganito ang nangyari kagabi..."(Flashback. Zia's POV)
Gabi na pero wala pa rin si Janella sa dorm namin. Nag-aalala na ako kasi 8 PM na its means curfew na. Kung curfew na ay marami ng patayan sa labas at kahit di ka kasali ay idadamay ka nila. Kaya takot ang karamihang lumabas sa ganitong oras.
May kumatok sa dorm. Mabilis ko itong pinagbuksan dahil akala ko ay si Janella na iyon. Pero mali ako dahil ang kumatok ay isang lalaking nakamaskara ng pula na buhat-buhat si Janella.
"A-anong n-nangyari sa kanya?" Nauutal na tanong ko. Isa siya sa membro ng Lightning strike gang, ang rank 1 gang dito sa school.
"May first aid ba kayo dito?" Tanong nito at umiling lang ako. Bigla siyang tumalikod at nagsimulang humakbang na buhat pa rin si Janella.
"Saan mo siya dadalhin?" Takang tanong ko. Humirap ito sa akin at tinanggal ang maskara sa muka niya na labis kong ikinagulat.
"Pr-president Sky." Agad akong yumuko. Pagpapakita ng galang. Siya si President Jerico Sky Freniere. Siya ang leader ng Lightning Strike Gang. Siya ang pinakamalakas at pinakaginagalang dito sa school.
"Dadalhin ko siya sa clinic dahil nasaksak siya. Kung gusto mong sumama sumunod ka na lang at tumahimik." Sabi nito at iniwan ako.
(End of flashback)
BACK TO JANELLA'S POINT OF VIEW
Sinabi na sa akin ni Zia ang lahat ng nangyari at pati ako di makapaniwala sa nangyari. Ano kaya ang dahilan niya para iligtas ako?
"Legal ba ang pagpatay dito?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"Oo, tuwing hell week at tuwing gabi. Pero kung isa ka sa mga SSG officers pwede kang pumatay anytime and everywhere."
" ano at Kailan magaganap ang hell week?"
"Tuwing hell week ang pagpatay ay legal gabi at araw. Kung sino ang nabunot mong pangalan iyon ang papatayin mo. Pag di mo nagawa iyon ikaw ang papatayin." Huminto siya saglit at bumuntong hininga.
"Nangyayari ito tuwing 2nd week ng October."
Kaya pala. October 1 na kasi ngayon.
"At paano naman makakasali sa powerful 10?" Tanong ko ulit.
"Hamunin at talunin mo ang nasa posisyon na iyon."
Naku malapit na pala ang hell week tapos once a year lang kung mangyari. Bago lang ako dito at kunti lang ang panahon ko para hanapin at patayin ang pumatay kay ate.
****
Pumasok na ako. Half day lang ako ngayon dahil nga nasa clinic ako kanina tapos nong pumunta si Zia doon ay reccess time na pala iyon.
Nagsimula at nagtapos ang klase na tahimik at walang gulo na parang normal lang ang lahat. Nagmadali akong lumabas dahil sinisimulan ko na ang plano ko.
But again, may nakabangga na naman ako.
"You bitch, alam mo ba kung sino ang binangga mo?" Galit na sigaw ng nakabangga ko. Tinulungan siyang makatayo ng kanyang mga alipores.
"Miss sorry." Sagot ko. Marami ng estudyante na ang atensyon ay nasa amin. Iiwas mo na ako sa gulo ngayon.
"Sorry? Haha I dont accept sorry. Hinahamon kita Next week sa Sunday maglaban tayo sa battle field 5 PM."
"And why should I?" Tanong ko
"Kung mananalo ka sayo na ang posisyon ko, pero pag natalo ka you'll die at pag di ka sumipot you also die." Sabi niya at iniwan ako.
I think mas pinadali niya ang mga plano ko.
Sisiguraduhin kong tataluhin kita bitch.VOTE...
COMMENT...
BE A FAN...
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
RandomA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"