JANELLA POV
Hi Im Janella Shanen Tyler. That's it.
"Sigurado ka na ba dito, Janella?" Tanong sa akin ni Mommy.
"Yes mom." Tipid na sagot ko habang nag-eempake
"Its too dangerous baby." Nag-aalalang sabi ni mommy.
"Im not a gangster queen for nothing mom." Sabi ko
"But---"
"Ate Jessica died there at di ko papalampasin yon." Sabi ko kay mom at tumingin sa kanya. May tumulong luha sa mata ko nang makita kong umiiyak na din si mommy.
"Ayokong mawala ka din katulad niya." Umiiyak na sabi ni mom. Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong mangungulila siya sa aming dalawa ni ate pero kailangan kong gawin ito.
"Babalik ako." Bulong ko sa tenga niya at humiwalay na ng yakap at nagpatuloy sa pag-eempake. Sinabi ng headmistress ng Maple University na patay na si ate pero ang pinagtataka ko ay walang bangkay na nakarating sa amin tanging puso lang niya ang pinadala sa amin.
"Bumalik ka huh. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawala sa akin." I just nod at her.
Nagalit ako ng sobra dahil doon. Puso lang ang pinadala na may sulat na nagsasabing 'yan ang puso ni Jessica Shane Tyler patay na siya condolence' sa halip na buong katawan niya. Kaya napagdesisyunan kong pumunta doon para malaman kung sino ang pumatay sa kanya at pagbayarin ito.
*****
Nandito na ako sa harap ng gate ng Maple University. Nagpahatid ako sa family driver namin papunta dito kasi masyadong malayo ang lugar na ito.
Halatang luma at matagal na ang gate na ito kasi kinakalawang na pero di na itatanggi na matibay ang bakal na ito. Sobrang taas ng gate at pader ng lugar na ito. Ang taas nito ay parang bahay na di maaakyat ng kahit sino.
"Anong ginagawa mo dito?"
May biglang sumulpot na matandang lalaki sa gilid ko. Siguro nasa mga mid 40 na siya.
"Magsiswimming. Malamang mag-aaral." Pamimilosopo ko sa kanya. Tanga eh ano bang gagawin ng isang estudyante sa paaralan, magsiswimming? Malamang mag-aaral. Tss
Tumawa lang ito ng mahina bago muling magsalita.
"Pwede naman may pool naman dito eh." Sabi niya at tumawa ulit ng mahina.
GOSH! Alam niya ba ang salitang COMMON SENSE? parang hindi eh.
... kahit kunting common sense na manggagaling sayo, ay labis ko ng ligaya dahil may saltik ang ulo mo...
HAHA KANTA KO SA ISIP KO, MEDYO AKO NATAWA SA IDEYA NA IYON AHH HAHAHA
"Ahh hindi po kaya nga po ako nandito eh." Pamimilosopo ko ulit.
"Ok. Matapang ka I like that sana di mo ito pagsisihan. Sumunod ka sa akin." Lumapit siya sa gate at may kung anong ginawa dito at bumukas ito. Naglakad siya papasok at sumunod na lang ako sa kanya. As if namang may choice ako noh.
Pumasok kami sa Principal's office. May babaeng nakaupo sa swivel chair at nagbabasa ng mga papeles. Tumingin ito sa amin at ngumisi.
"Take a sit. Im Lucia Quintos, the headmistress of Maple University." sabi pa niya.
"So, mag-eenroll ka dito?" Tanong niya sa akin.
'Hindi, hindi ako mag-eenroll. Magsiswimming ako' sabi ng isip ko. Hay! Ganito ba ang mga tao dito? Mag walang COMMON SENSE?
Tumango na lang ako baka ano pang masabi ko sa isang ' to.
Tumawa ito ng mahina kagaya ng ginawa kanina ng lalaking nagpapasok sa akin dito. Tanong ko lang may saltik ba sila? Tumatawa ng walang dahilan, naku malala na sila.
"Ok, ito ang dorm number mo may ka roommate ka dyan si Kezzia Fernando. Tapos ito ang section mo schedule at ito ang uniform mo." Sabay bigay sa akin ng susi ng dorm, papel na may nakasulat ng dorm number at section ko at uniform na gagamitin ko dito.
Tumayo na ako at hahakbang na sana nang magsalita siya ulit.
"Nga pala, we have rules here. First, 8 PM to 4 AM ang curfew dito. Kung gusto mo pang mabuhay huwag kang lalabas sa mga oras na yan. Second, Huwag kang magtatangkang tumakas dito kasi theres no way out. Enjoy your stay." Paalala nito sa akin at muling tumawa. May saltik nga siya.
Lumabas na ako sa office na yon baka mahawaan pa ako ng kabaliwan nila, mahirap na. Naglalakad ako sa hallway ng school with a cold emotion in my face. Lahat ng nakakakita sa akin ay may nagulat, nag-aalala, nakangisi at may balewala lang.
May nilapitan akong isang nerd at nagtanong kung nasaan ang dorms at tinuro naman nito sa akin. Naglakad ako papuntang girls dormitory. Separated kasi ang dorms ng girls at boys.
Kumatok ako at mabilis naman itong binuksan ng isang babae. I guess siya si Kezzia. Tinignan niya ako at ngumiti.
"Pasok ka" mas nilakihan niya ang bukas sa pinto kaya pumasok na ako. Siguro nainform na siya na kadormmate niya ako.
"Anong pangalan mo?"
"Janella" tipid na sabi ko. Nilibot niya ako sa dorm namin para daw makabisado ko ito. Nagkwento din siya ng mga bagay na tungkol sa kanya.
Bigla siyang tumayo at mabilis na isinarado ang mga bintana dito sa kwarto at pumunta sa sala at nilock ang pinto. Naguguluhan ako sa kinikilos niya ngayon. Parang takot na takot siya na ewan.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanya. Di ko na napigilang magtanong.
Tumingin ito sa wall clock kaya napatingin na rin ako. 8 PM.
"8 PM TO 4 AM ang curfew dito. Kung gusto mo pang mabuhay huwag kang lalabas sa mga oras na yon"
Biglang nagflashback ang sinabi sa akin ng headmistress ng school na ito.
Kaya ba?
"Curfew na. Sa mga oras na ito ay lumalabas ang mga gang."
Oo nga pala, this school is a school of gangsters, mafias at killers. So hindi na nakakapagtaka kung may mga gang din dito.
Ngayong nandito na ako. Kung sino ka mang pumatay sa kapatid ko, magtago ka na kasi nandito na ang demonyong magdadala ng impyerno sa harap mo.
VOTE...
COMMENT...
BE A FAN ...
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
DiversosA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"