Battle

0 0 0
                                    

JANELLA'S POINT OF VIEW

Naghahanda na ako para sa labanan. May mga rules sa battle namin. First, Bawal gumamit ng baril. Second, bawal makisali ang di kasali. Ibig sabihin dapat kaming dalawa lang ang maglalaban sa battle field at walang tutulong na kasama.

Tss, gusto niya ng patayan pwes pagbibigyan ko siya. Naglalakad na ako sa hallway papuntang battle field. Marami na akong narinig na bulungan.

Kagaya ng:

Tapang niya nohh kinalaban niya ang secretary...

Oo nga ehh. Im sure kagaya lang siya ng ibang kumalaban kay Sasha sa hukay ang bagsak...

Kawawa naman siya kabago bago pa lang mamatay na agad...

Tss pasikat...

Bitch...

Ewan ko sa kanila. Wala akong pakealam sa kanila.

Nandito na ako sa battle field. Hinahanda ko na ang dagger na gagamitin ko. Sa laban namin dagger lang ang pwedeng gamitin kaya gora na lang ako.

Sinulyapan ko yung Sasha na iyon. Hinahanda rin nito ang dagger na gagamitin niya at biglang lumingon sa akin at ngumisi ito.

Hmmm... I smell something fishy here. 😐😐😐

*****

Pinapunta na kami ng emcee sa gitna ng battle field. Ilang minuto lang ay tumunog na ang kampana na hudyat na simula na ng laban.

Una siyang sumugod sa akin. Sisipain niya sana ako pero nailagan ko ito. Nagpaulan siya ng suntok sa akin pero ni isa ay walang tumama sa akin.

Biglang umiba ang muka niya. Kung kanina ay nakangisi siya sa akin ngayon ay sumeryoso ito.
Kinuha niya ang dagger na nasa likod niya kaya kinuha ko na rin yong sakin. Sumugod siya sa akin at iwas lang ako ng iwas.

Hinintay kong mapagod siya sa kakasugod at di rin nagtagal narinig ko siya humihingal. Lihim akong napangiti dahil doon.

Ganyan nga, sige lang sumugod ka lang hanggang sa di mo na kaya.

Medyo bumagal ang kilos niya kaya sumugod na ako. Alam kong pagod na siya at kaya bumagal na ang kilos at atake niya sa akin dahil para di niya tuluyang manghina. Nakakailag naman siya sa ilang atake ko.

May sugat siya sa kaliwang braso, kaliwang binti at ilang pasa sa muka. Susuntukin niya sana ako nang hawakan ko ang kamay na isusuntok niya at itwist ito sa likod niya at tinutok ko ang dagger ko sa leeg niya.

"Patayin mo na ako." Sabi niya na parang naghahamon. Tss, ang yabang mga bess.

"Hindi muna sa ngayon. May kailangan pa ako sa'yo." Bulong ko sa kanya. Tumingin naman ako sa paligid. May iba na nagulat sa nangyari. May naghihintay sa susunod na mangyayari at may iba naman na walang pakialam.

"Wala kang makukuha sa akin." Sabi niya

"Pwes nagkakamali ka dahil MERON."

"Oh yes, meron pala ang posisyon ko."

"Not only your position my dear. Kailangan ko rin ng mga impormasyon na nalalaman mo."

"Hahaha wala kang makukuha sa akin dahil di ako magsasalita hahaha."

Talagang hinahamon ako ng babaeng ito. Pwes, tignan natin.😈😈😈

Kinuha ko ang dagger niya at iyon ang itinutok ko sa leeg niya. Bakas sa mula niya ang pagkabigla at takot. Gotcha! Alam kong nilagyan niya ng lason ang dagger niya kaya todo iwas ako sa atake niya kanina.

Kung hindi ako nagkakamali, its a type of poison na kapag na masugatan ka nito na kahit daplis lang ay ikakamatay mo ito.

"S-suko na ako." *smirk* sabi ko na eh. Ayan kasi masyadong kampante kaya muntik ng maprito sa sariling mantika.

"Good." Malamig na tugon ko.

Sumenyas siya na talo na siya at di na lalaban. Tumunog ulit ang kampana na hudyat na tapos na ang laban at may nanalo na.

"At ang nanalo sa labanan na ito ay ang challenger na si Janella Tyler. Dahil ikaw ang nanalo makukuha mo ang posisyon ni Sasha Ramirez na Secretary at P8 (Power 8)." Sabi ng emcee. Well, not bad bago palang naman ako dito.

Nagbow na lang ako at umalis na sa lugar na iyon. Dumiretso na ako sa dorm namin para magpahinga. Pagkarating ko doon ay agad akong pumunta sa kama ko at humiga hanggang sa makatulog ako.

*****

Ramdam kong may yumuyugyog sa akin kaya gumising  na ako.

"Bakit ba?!" Inis at antok na reklamo ko.

"Gabi na po, kakain na po tayo."  Sabi niya at naglakad na palayo. Wala na akong nagawa kundo ang sumunod sa kanya. Kahit bago ko lang nakilala at nakasama si Zia ay napakagaan na ng loob ko sa kanya.

Ano kaya ang posisyon ang napanalunan ko. Di ko pa kasi alam ehh. Aishh bukas ko na lang aalamin.

Kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay nagprisenta na si Zia na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin kaya dumiretso na ako sa kama ko at natulog na.

VOTE...

COMMENT...

BE A FAN...

"

The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell SchoolWhere stories live. Discover now