JANELLA'S POINT OF VIEW
Wahhh. Siguro curious kayo kung bakit kami sumigaw. Kasi may pinadalang picture sa amin si Sasha and ang picture na yon ay yon nakapatong ako kay sky.
Wahhh its a nightmare. Pakigising naman please.
*****
Nagpaalam ako kay Sky na babantayan ko muna sina Jennelyn at di mo na ako makakasama sa kanya and thankfully pinayagan niya ako.
Papunta na ako sa classroom nina Jennelyn para sunduin sila. Kasama ko rin ngayon si Zia.
"Oh. my. god!" Sambit ni Zia at ako naman ay umuusok na sa galit.
Sino ba ang di magagalit kung makita mo ang kapatid mo na pinagtutulungang bugbugin. May dalawang babaeng humawak sa braso ni Jennelyn pati na rin kay Selena. Isa silang grupo na nasa mga 10 sila lahat. Ang mas ikinagalit ko pa ay nakita kong duguan na silang dalawa.
Kinuha ko ang dagger at medallion ko sa likod ko. Alam ng lahat kung sino at ano ako dito. Alam din nila kung kaano-ano ko sina Jennelyn. They are waking up my demon side.
"Bitawan niyo sila!" Galit na sigaw ko. Tumingin naman sa akin ang mga bruha at lumapit sa akin ang leader nila.
Ngumisi ito sa akin at ngumisi din ako sa kanya. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at di ko na alam kong ano ang ginagawa ko pero isa lang ang alam ko gusto kong makita na maligo sila sa sarili nilang dugo.
ZIA'S POINT OF VIEW
Sinugod nila si Janella ngunit lahat sila agad na tumba at ang lider na lang ang hindi pa sumusugod sa kanya. Tumayo ang mga ito at sumugod ulit.
"You messed with the wrong girl bitches." Sabi ni Janella at pinagbubugbog sila. Base sa nakikita ko ngayon ay gigil na gigil itong patayin ang nanakit kina Jennelyn. Kahit naman ako ganyan din ang gagawin ko kung sakaling may manakit sa kapatid ko pero di naman ganyan kalala.
Halos maligo na ng dugo ang mga sumugod sa kanya pero di niya pa rin tinitigilan ang mga ito. Nilapitan ko sina Selena para tignan ang mga pasa at sugat na nakuha nila. Kung hindi ako nagkakamali si Jennelyn talaga ang target nila.
Si Jennelyn ay may sugat sa kanang braso at namumula din ang magkabilang pisngi nito. Samantalang si Selena at namumula lang ang kanang pisngi niya.
Tinignan nila si Janella na kasalukuyang nakikipaglaban ngayon. Nakita ko ang reaksyon nila ay takot. Kahit sino matatakot pag nakita mo siya sa sitwasyon niya ngayon matatakot ka talaga.
Now, she looks like a demon. Yung tipong kung sino ang makita papatayin niya.
"Inaatake na naman siya ng phobia niya." Takot na sambit ni Jennelyn. Napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
"Inaatake siya ng phobia niya tuwing nakikita niya ang dugo namin ni ate Jessica. Nangyari na rin ito noon. Tuwing inaatake si Ate ay para itong demonyong nakawala sa kulungan niya. Kung sino ang nakita o nalaman niya na nanakit sa amin ay bubugbugin niya kahit sino pa ito." Napabuntong hininga ito.
Napatingin naman ako ulit dito. Naliligo na ng dugo ang babaeng pinagsusuntok nito pero parang wala itong balak na tigilan ito. Nilingon ko ang paligid at nakita ko si president na papunta dito.
Di ko alam kong ikakatuwa ko ba ito o ikakatakot. Nilapitan niya si Janella at pilit na inilalayo sa babaeng binubugbog niya pero si Janella ay kumakawala pa rin hanggang sa mawalan siya ng malay.
SKY'S POINT OF VIEW
Nadito ako sa office ngayon dahil may tinitignan ang mga informations ng may biglang pumasok sa na hingal na hingal.
"P-president Sky may kaguluhan pong *hingal hingal hingal* nangyayaring kaguluhan sa labas *hingal hingal hingal*" Sabi ng babaeng pumasok.
"Hell week ngayon kaya legal ang pagpatay ng kahit sino." Cold na sabi ko.
"Si Secretary Janella po kasi---" Di ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil agad na akong lumabas para hanapin si Janella. Ewan ko kung bakit ko ginagawa ito. Alam kong legal ang pagpatay ngayon kasi nga hell week pero ng marinig ko ang pangalan niya agad akong kinabahan na ewan.
May napansin na kumpulan kaya tinignan ko kung ano ang nangyayari doon.
(0____0)- yan ang naging reaksyon ko sa nakita ko.
Para siyang demonyo na nagising. Halos naliligo na ng dugo ang kalaban niya pero di pa rin siya tumitigil. Walang nagtangkang lumapit sa kanila siguro takot madamay sa away.
Nilapitan ko siya para tumigil na siya pero nagkamali ako. Hinawakan ko ang braso niya para sana tignan niya ako at tigilan na ang ginagawa noya pero nagkamali ako. Inalis niya lang ang kamay ko sa braso niya at hindi man lang ako tinignan.
Inilayo ko na siya sa babae na ngayon ay wala ng buhay. Pilit siyang kumakawala at inaamin ko na nahihirapan ako dahil sobrang lakas niya pero di ako nagpadaig kaya nalayo ko na siya ng tuluyan.
Kinuha ko ang dagger at medallion niya. May dugo
ang dagger at medallion niya siguro dugo ito ng mga nakalaban niya." Tama na baby please." Bulong ko sa kanya
Tinignan niya ako at may tumulo na luha sa mata niya kaya pinunasan ko ito.
"Shhh dont cry" sabi ko
"S-sky" huling salita na lumabas sa bibig niya bago siya nawalan ng malay. Binuhat ko siya in a bridal way at dinala ko siya sa dorm ko.
Ngayong hell week ay closed ang clinic dahil ang panahon na ito ay patayan. Sa dorm ko ay may first aid at mga gamot doon. Pagkarating namin doon agad ko siyang inihiga sa kama ko para makapagpahinga siya.
Ginamot ko rin ang sugat niya sa braso at hinayaan mo na siyang magpahinga. I never thought na gagawin ko ito sa isang babae. Ewan ko kung bakit ko ginagawa ito. Ang alam ko lang ay gusto kong protektahan ang babaeng to.
JANELLA'S POINT OF VIEW
Nagising ako ng hindi ko alam kung nasaan ako.
"Nasan ako?" Tanong ko. May gumalaw sa kanan ko kaya napatingin ako doon.
"Mabuti naman at gising ka na." Masayang sambit niya.
Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari. Ay, oo nga pala hell week ngayon tapos nakita namin na binubugbog sina Jennelyn kaya nagalit ako tapos di ko na alam ang sunod na nangyari.
"Anong nangyari?" Tanong ko
"Hindi mo ba alam?" Tanong niya
"Magtatanong ba ako kung alam ko huh Sky?"
"Easy, easy lang mahina ang kalaban." Sabi niya
"Sasabihin mo o sasabihin mo." Sabi ko
" Oo na. As if namang may choice akong iba noh." Bumuntong hininga muna siya bago muling magsalita. "May binugbug ka kahapon. Natalo mo silang lahat, patay na nga lahat eh ni isa walang natira." Sabi niya at tumawa pa ang mahina.
Inatake na naman ba ako ng sakit ko? Baka nga kasi nawalan na ako ng kontrol sa sarili eh.
"Ito na pala ang dagger at medallion mo." Kinuha niya mula sa bulsa niya. May dugo na ang dagger at medallion ko. Kinuha ko ito at nilagay sa bulsa ng palda ko. Oo nakauniform pa ako.
*****
Nandito ulit kami sa hall kasi may program na naman. Sa pagkakaalam ko, closing program ito. Ngayon na nagtatapos ang hell week. Masaya ako dahil walang nasaktan at napahamak sa aming apat sa loob ng hell week.
Ang mga dagger at medallion ay kinolekta na kanina lang.
"Ngayon na nagtatapos ang hell week. Congatulations, sa inyong lahat na buhay pa hanggang ngayon. Para naman makabawi sa inyo, magkakaroon ng celebration party next week." Sabi ni Maam Lucia. Nasiyahan at naexcite ang mga estudyante dahil sa sinabi ni Maam Lucia
"Thats all thank you." Sabi niya at umalis na sa stage. Nagsialisan na rin ang mga estudyante.
VOTE...
COMMENT...
BE A FAN...
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
AcakA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"