JANELLA'S POINT OF VIEW
Nagising ako ng hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Pero kung titignan mo talaga ang lugar na ito ay para itong hospital.
Sa pagkakaalam ko walang oxygen tank sa clinic. Ang mga gamit na nakikita ko dito ay makikita lang sa hospital at wala namang hospital dito sa Maple University.
"Mabuti naman at gising ka na"
Napatingin ako sa taong nagsalita.
"Nasan ako?" Tanong ko.
"Nasa clinic ka." Sabi niya.
"Walang ganitong gamit sa clinic." Sabi ko
Tumawa ito ng mahina. Hala baliw ata to eh, tumatawa wala namang nakakatawa.
"Nahawaan ka na ata ni Miss author, Sky" Bulong ko
"May sinasabi ka?" Tanong niya
(A/N: Lahh, bakit ako nadamay dyan?)
Totoo naman eh.
"W-wala hehe" tanggi ko. Tumango lang ito na ikinaluwag ng hininga ko.
"Pero nasan ba talaga ako at bakit ako nandito ako?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Nasa clinic ka. Sa katunayan, secret clinic ito at para lang sa mga V.I.P. to. At sa tanong mo kung bakit ka nandito. Well, may pumalo sa ulo mo na naging dahilan para mawalan ka ng malay. Sinabi sa akin ni Sasha kaya pinuntahan kita doon at dinala dito para gamutin ka."
Tumango na lang ako at hinawakan ang ulo ko. Ngayon ko lang napansin na may bandage sa ulo ko.
*****
Lumabas na ako sa clinic na yon dahil nabobored na ako don. Totoo nga, sa clinic nga niya ako dinala. Ngayon ko lang nalaman na may V.I.P. room pala ang clinic dito.
Habang naglalakad ako ay may nahagip ang mata ko. Hindi alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko sa nakita ko. Di ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanila.
Nakita ko sina Maxine na nagpupulot ng mga dahon at basura sa ground. Siguro iniisip niyo kung ano ang nakakaawa sa kanila. Well, nakakaawa ang mga itsura nila dahil ang dumi talaga nila. Imbes na kulay puti ang kulay ng mga uniform, ngayon halos naging kulay brown na.
Nilapitan ko sila. Nang makita nila ako na papunta sa deriksyon nila ay tumigil sila sa mga ginagawa nila.
"Ohh, naghihirap na kami masaya ka na?" Sarcastic na sabi niya. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang pumalo sa akin ng bakal.
"Wala akong alam at tsaka bakit niyo ginagawa yan diba may janitor naman dito at obviously its they're job." Sabi ko
"Kahit kailan talaga nagmamalinis ka." Sabi niya pa.
"No, wala siyang kasalanan, Faye. Tayo ang may kasalanan." Sita ni Maxine sa alipores niya. Tumingin naman ito ngayon sa akin." Janella, sorry. Sorry sa lahat ng ginawa namin sayo and thank you."
Kumunot ang mga noo namin sa sinabi niya. Ano naman ang pinagpapasalamat niya?
"Thank you for what?" Takang tanong ko
"Thank you dahil ginising mo ako sa kahibangan ko. Thank you dahil pinarealize mo sa akin ang bagay na dapat dati ko pa tinanggap." Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik.
I dont expect this. Akala ko magagalit siya dahil sa sinabi ko. Alam ko na masakit ang mga nasabi ko kaya di ko iniexpect to.
Lumapit sa akin at akmang yayakapin ako pero tumigil siya.
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
RandomA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"