JANELLA'S POINT OF VIEW
Nandito ako ngayon sa garden. Nag-iisip pa rin kung tatanggalin ko ba ang posisyon o hindi. Gabi na rin pala ngayon. Sa katunayan nga 9 PM na ngayon.
Habang nagmumuni-muni ako ay may biglang lumapit sa akin.
"Vice pres bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba talaga tatanggapin ang posisyon?"
Nanatili lang akong tahimik at naghihintay lang sa susunod na sasabihin niya.
"Alam mo, lahat ng estudyante dito sa Maple University hinahangad na makakuha ng posisyon dito pero ikaw pinapakawalan mo lang ang pagkakataon."
Napatingin ako sa kanya.
"Ano naman ang mapapala ko kung tanggapin ko iyon?" Tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina
"Marami. Katatakutan ka, rerespetuhin ka, at may malalaman kang di mo malalaman kung ordinaryong estudyante ka lang dito."
Siguro nga tama siya.
"Yan lang muna sa ngayon ang pwede mong malaman pero marami ka pang malalaman kung nasa pwesto ka na."
Tumayo na siya at nagsimulang maglakad pero bigla itong tumigil pero di ito lumingon.
"At nga pala, napakaswerte mo dahil tinulungan ka niya." Sabi niya at muling naglakad.
"Sino siya?" Tanong ko pero hindi na siya huminto.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon." Huling katagang binitawan niya bago siya nawala sa paningin ko.
*****
Umaga na ngayon. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin yong sinabi sa akin ni vice president sa akin. At hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung sino ang tinutukoy niyang tumulong sa akin.
"Janella, tara na malalate na tayo."
"Oo na."
Lumabas na kami sa dorm namin at nagsimula ng maglakad. Habang naglalakad kami may nakita akong dalawang pamilyar na muka kaya natigilan ako.
Hindi pwede ito. Sabi ng utak ko.
Lumapit ito sa amin na nakangiti.
"J-jennelyn anong ginagawa mo dito?" Alam kong bakas na bakas sa muka ko ang pagkagulat
"Wala lang."
What the heck?
"For pete sake Jennelyn. What are you doing here?"
Biglang nag-iba ang muka niya. Kung kanina ay masaya ang muka niya, ngayon ay biglang naging sersoyo.
"We are here to help you ate Jan." Sabi ni Selena.
Jennelyn is my younger sister and Selena is our cousin.
"Help? Eh mas pinalala niyo pa ang sitwasyon eh. Look, napakadelikado dito. This place is hell. And entering this place is like chasing your death." Galit na sabi ko.
Siguro napalakas ata ang boses ko dahil pinagtitinginan na pala kami ngayon.
"Ate, alam naman namin yon eh. Our point is, di mo kakayanin 'to kung mag-isa ka lang. Kaya kami pumunta dito." Paliwanag pa ni Jennelyn.
Napabuntong-hininga na lang ako. I have no choice, nandito na sila and once you enter , there's no turning back.
"Okay fine, I have no choice kasi nandito na naman kayo." Pagsuko ko na nagpangiti sa kanila.
"... But promise me one thing. Di kayo gagawa ng kahit anong ikakapahamak niyo." Sabi ko at tumango naman sila.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang classroom. Di ko maiwasang kabahan ngayon lalo na pumapasok na sina Jennelyn dito. Alam ko naman na kaya nilang protektahan ang mga sarili nila kasi gangster din sila but in this place lahat walang ligtas.
I promise gagawin ko ang lahat para protektahan sila.
VOTE...
COMMENT...
BE A FAN...
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
RandomA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"