Her twin

1 0 0
                                    

JANELLA'S POINT OF VIEW


Ngayon na ako papasok sa klase ko kasi nga hapon na ako nakarating dito at obviously tapos na ang klase.

Nakabihis na ako at lahat-lahat kaya papasok na ako.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay tinawag ako ni Kezzia kaya tumingin ako sa kanya.

"Ahmm... anong room mo?" Tanong niya na parang nahihiya pa.

"Room 112 section black rose." Sagot ko na nagpangiti sa kanya at parang nagningning ang kanyang mga mata sa saya. Anyare teh?

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako at tinaasan ng kilay.

"Classmates tayo ahhhh!" Napatakip ako ng tenga ng tumili siya bigla. Ok, what's going on?

"Tara na baka malate pa tayo at mahuli ni Mr. President." Masayang sambit nito. Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad ako hanggang makarating kami sa room namin.

Nagtataka ako dahil nang dumating kami doon ay natigilan at nagulat sila ng makita kami, or should I say nakita ako. May ibang napatakip ng bibig, yung iba ay napanganga, may iba ring tulala at may ibang yumuko.

Tanong ko lang. May saltik ba ang mga tao dito? They are so weird.

"What's happening here?" Biglang tanong ng teacher na kararating lang. Lumingon ako sa kanya na ikinatigil niya. Nilingon ko si Zia na ngayon ay nakangiti na para bang expected na niyang mangyayari 'to.

"J-Jessica di ba patay ka na?" Nauutal na tanong niya sa akin. Hmmm matripan nga.

"Yes, its me. Surprise? Nandito ako para maghigante are you ready for it?" Pananakot ko sa kanila. Lahat sila ay nagulat at namutla dahil sa sinabi ko maliban na lang kay Zia na alam na hindi ako si Jessica.

By the way, Jessica is my twin. We are identical twins. Ate ang tawag ko sa kanya dahil nauna siyang lumabas kay sa akin.

Tumawa ako at si Zia na ikinatingin ng lahat sa amin.

"Im not Jessica. Im Janella her twin." Sabi ko na ikinahinga nila ng maluwag pero may nagtataka pa rin. Nagtataka ako kung bakit ganon sila katakot sa akin nong nagpanggap akong si Ate. Bakit kaya?

Nagdiscuss na si Ma'am Ammy...

Discuss...

Discuss...

Discuss...

Kringggg...

Recess na kaya inilagay ko na ang mga gamit ko sa bag ko ganon din ang ginawa ni Zia. Nang matapos ay sabay na kaming pumunta ni Zia sa Cafeteria.

"Zia bakit ganon ang reaksyon nila ng makita ako kanina?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang Cafeteria. Curiousity is killing me now.

"Jessica is the Powerful 5. Isa siya sa pinakakinatatakutan dito dahil sa lakas at ranggo niya. Maraming napamahal sa kanya dahil sa kabaitan niya. Kaya siya napunta sa ranko niya dahil hinamon at natalo niya ang dating nasa pwesto nito dahil inapi nito ang isang babaeng nerd."

Napatango ako sa sinabi niya. Gangster princess si Ate pero mabait yon.

"Napalapit siya sa mga tao dito lalo na sa mga inaapi. Napamahal ang mga estudyante dito sa kanya at ganon din siya. Pero isang pangyayari ang nagpaiyak sa amin. Nabalitaan namin na namatay si Jessica. Walang may alam kung bakit, paano at sino ang may gawa basta ang alam ng lahat ay patay na siya."

"Wala din kaming nakitang bangkay niya"

Napatingin ako sa kanya. So, walang nakakita at nakaalam kung nasaan ang bangkay niya. Ibig sabihin ay talagang pinagplanuhan niya ang pagpatay sa kanya.

"Huwag lang magpapakita sa akin ang may gawa non sa kanya dahil sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya sa kambal ko." Nanggigigil ns sabi  ko.

"Nakita nyo ba ang bangkay niya?" Tanong ni Zia sa akin.

"Puso niya lang ang pinadala sa amin at sulat na nagsasabing puso niya yon at patay na siya." Sabi ko na nakatingin pa rin sa kawalan.

"Kaya ka ba nandito?" Tanong niya

"Oo" tipid na sagot ko

"Janella anong order mo?" Tanong niya

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa cafeteria.

"Salad and orange juice na lang." Sabi ko

"Ok. 2 salad and 2 orange juice please." Sabi niya.

Nang ibinigay na ang order namin ay naghanap na kami ng mauupuan. Nang makahanap na kami ay agad kami umupo at kumain at nagkekwentuhan din kami paminsan-minsan.







Third person's point of view

May isang lalaki na lihim na sumisilip sa bintana ng classroom nila Janella. Pati ito ay di makapaniwala na may kambal pala si Jessica. Maraming ideya ang naglalaro sa isipan nito.

"Welcome to hell, Janella." Bulong nito sa sarili at ngumisi.

______________________________________________________________________________________________________________________

Salamat sa pagbasa ng kwentong ginawa ko. Sana suportahan niyo ang story na ito. Never to forget to VOTE, COMMENT AND BE A FAN.

The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell SchoolWhere stories live. Discover now