JANELLA'S POINT OF VIEW
Thankfully walang napahamak ni isa sa amin noong party pero palaisipan pa rin sa akin kung bakit binalak niya na lasunin kami. Buong gabi ko na yan iniisip kahit alam ko na hindi ko talaga masasagot ang sarili kong tanong.
Lutang akong naglalakad papunta sa office. Twice a week lang pumupasok sa klase ang mga officers kaya ito ako ngayon. Habang naglalakad ako ay may nabangga ako.
"Sorry." Sabi ko habang di tinitignan ang nakabangga ko dahil pinupulot ko ang hawak ko na mga papel. Tumayo na ako para sana umalis na pero bigla niya akong niyakap.
"Sorry, please come back." Sabi niya.
Agad akong nasemento sa narinig ko. Kumalas na ito sa yakap at tumingin sa akin.
"A-aaron anong gunagawa mo dito?" Tanong ko
"Im sorry. Please come back." May tumulong luha sa mata nito. He is my first ex-boyfriend.
"Hindi ganon kadali na hinihiling mo Aaron." Sabi ko sabay iwas ng tingin. I admit it. Minahal ko siya but he broke my heart. He cheated on me.
At ito pa ang mas masakit. Sa lahat ng pwede niyang ipalit sa akin ay ang bestfriend ko pa. Like, what the hell? Out of billion girls in the world, bestfriend ko pa talaga ang kabit niya.
They betrayed me. Pinagtaksilan ako ng mga tao na pinagkatiwalaan ko.
"I cant live without you, so please." Pagmamakaawa niya
"Sana naisip mo yan before you broke my heart." Sabi ko at di ko na napigilan ang luha ko.
"Please, I cant lose you again. I just cant."
"Hindi na pwede." Sabi ko
"May iba ka na ba?"
"Oo"
Napatingin kami sa sumagot. Napangiti ako sa nakita ko. He save me. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"Oo, may iba na ako." Sabi ko at tumingin kay Sky.
Nakangisi ito ngayon."Mauna na kami." Sabi niya.
"Thank you." Sabi ko sa kanya ng makalayo-layo na kami. Ngumiti lang ito sa akin at pinunasan ang luha ko.
//0// wahhh nakakahiya to.
"I just dont want to see you cry." Sabi niya. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Pero may bigla akong naalala.
"Wait, may nakakita at nakarinig sa sinabi mo kanina. Paano na yan?" Tanong ko
"Then, let's pretend na totoong may relasyon tayo." Sabi niya
Ay sayang pretend lang.😯😯😯 Pero ok na at least may kami pa rin.
(A/N:Wow ambisyosa lang teh?)
Wag ka ngang bitter miss author. Palibhasa single eh.
(A/N: Hindi ako bitter, nagsasabi lang ng totoo)
Hindi bitter kasi denial lang. Hmmppp
*****
Nandito na kami sa office ngayon. Grabe kanina nakakailang ang mga tingin ng mga estudyante sa amin or should I say sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ang tigok dito.
Well, alam ko naman na naiinggit sila sa akin. Maging boyfriend ba naman ang super hot at gwapong Sky Freniere sinong hindi kaiinggitan di ba?
(A/N: Wow feel na feel lang teh noh.)
Minsan lang to miss author kaya lulubos-lubusin ko na.
(A/N: Oo nga noh sige pakasaya ka ngayon kasi wala na yan bukas hahaha)
Ang KJ mo miss author. Huwag ka ng kumain ng ampalaya miss author kasi sorbang bitter mo na.
Tinigilan ko muna ang pagdadaydream ko kasi may naalala ako.
"President, pwede bang magtanong?"
"Nagtatanong ka na." Wow pilosopo lang ang peg ni kuya ohh.
"May alam ka ba kung ano talaga ang Maple University?" Tumigil ito sa kanyang ginagawa at tumingin ng deritso sa akin.
"Maple University is hell." Simpleng sagot niya.
"Lahat alam yan. I mean, I know there's more behind that at yon ang gusto kong malaman." Sagot ko.
"Huwag mo ng alamin, mapapahamak ka lang."
"What do you mean?"
"Wala akong alam sa sekreto na iyon. Ang alam ko lang once you know the secret, they will chase you to death. Kaya huwag mo ng alamin." Sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa niya.
Argghh my curiousity is killing me now. Feeling ko may kailangan akong malaman para matahimik ang kaluluwa ko. Argghh di ko na alam ang gagawin.
Lahat ng tanong ko nadadagdagan pero ni isang sagot wala akong nakukuha.
Lumabas muna ako sa office at pumunta sa cafeteria. Nagtake-out ako ng mga pagkain at pumunta sa garden para magpahangin.
Umupo ako sa ilalim ng puno at kumain. Nagbabakasakali ako na kahit sandali mawala ang mga iniisip at gumugulo sa isipan ko ngayon. Kahit ngayon lang.
"Gusto mo bang malaman ang sagot sa mga katanungan mo?"
Napatingin ako sa gilid ko. May nakatayong babae doon na nakaharap sa akin. Bigla ko na lang naalala ang mga gumugulo sa utak ko. Argghh kaya nga ako pumunta dito para magrelax ehh. Naman ohh tang*na.
"Oo"
Naglakad na siya palayo kaya sumunod na lang ako sa kanya. Sana naman ay makatulong siya sa akin.
Sana lang.
VOTE...
COMMENT...
BE A FAN...
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
RandomA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"