JANELLA'S POINT OF VIEW
Napagdesisyunan ko na na tanggapin ang posisyon. Kasi...
(Flashback...)
Nandito ulit ako sa garden na tinatambayan ko tuwing gabi. Dito ako laging pumupunta tuwing gusto kong magpahangin at makapag-isip.
Umupo ako sa ilalim ng puno at tumingin sa kawalan. Inisip ko kung tatanggapin ko ba yon o hindi.
Siguro kung ibang posisyon ang iaalok sa akin tatanggapin ko kaagad pero hindi eh. Pinakaayaw ko sa lahat yong inuutusan ako lalo na pag wala sa ako sa mood.
Natigil na lang ako sa pag-iisip ng may biglang lumapit sa akin at umupo din sa tabi ko. Pero this time hindi na si Vice President pero hindi ko din ito makilala dahil nakamaskara ito ng pula.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko
"Alam ko ang iniisip mo." Sagot niya
Wow mind reader lang ang peg ni kuya. Idol...
"Paano mo nasabi?" Tanong ko naman.
Tumingin ito sa mga mata ko na para bang may sinasabi ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata ko.
"Tanggapin mo na."
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang nasa isip ko?
"Pati ba naman ikaw gusto ding gawin ko iyon." Sabi ko sa kanya
"Isipin mo na lang na kapag nasa posisyon ka mapoprotektahan mo ang mga taong mahalaga sayo, katulad ng kapatid mo."
Paano niya nalaman na nandito ang kapatid ko?
Naku kuya huh stalker siguro kita noh?
(A/N: Assuming mats?)
Ewan ko sayo miss author.
(-____-)"Sige maiwan na muna kita." Sabi niya at umalis na din.
Siguro nga ito na ang sign na kailangan ko para tanggapin ang posisyon. Lahat gagawin ko para protektahan ang mga mahal ko.
*****
Nagmadali akong pumunta sa SSG office para ipaalam ang desisyon ko.
Pagkarating ko doon ay agad kong binuksan ang pinto at pumasok nacsa loob.
"I think nakapagdesisyon ka na Miss Janella kaya ka naririto." Sabi ni Vice
"Oo." Tipid na sagot ko.
"So may we know what your decision is?" Tanong ni President.
"Tinatanggap ko na ang posisyon pero sa dalawang kondisyon."
"Dalawa talaga?" Tanong ni Vice at tinaasan ko lang siya ng isang kilay.
"What is it?" Tanong ni President
"First, dapat may magbantay sa kapatid at pinsan ko para masiguro ko na ligtas sila dahil hindi ko na magagawa iyon dahil alam kong magiging busy ako sa magiging trabaho ko. Second kung magiging assistant ko si Sasha." Sabi ko
"That's all?" Tanong ulit ni Pres
"Gusto mo pati ang posisyon mo kunin ko?" Sabi ko na ikinagulat ng lahat maliban sa akin. Ngumisi lang ito sa akin.
"Ok, ipapakilala ka na bilang bagong secretary ngayon din." Sabi niya. Nag-alisan na ang iba at kaming tatlo na lang ang natira.
"At bakit mo naman naisipan na gawin akong assistant mo aber?" Tanong niya
YOU ARE READING
The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell School
RandomA place where you can find a living hell. "ONCE YOU KNOW THE SECRET, THEY'LL CHASE YOU TO DEATH"