Hell week

0 0 0
                                    

JANELLA' S POINT OF VIEW

Magdadalawang linggo na pala ako dito sa Maple University. Napakamaraming nangyari sa akin sa loob ng napakaikling panahon na yan. Binugbog, hinamon ng away, naging secretary ng SSG at nagkaroon ng mga kaibigan pero yong talagang pakay ko dito wala pa rin akong nagagawa.

Oo nga pala ngayon na magsisimula ang hell week. Magkakaroon ngayon ng program para sa pormal na pagsisimula ng hell week. Yan lang ang alam ko sa ngayon.

"Announcement, all students proceed to hall now. Again, all students proceed to hall now."

"Tara na?" Tanong ni Sasha sa akin. Yes, magkasama kami ngayon. Lagi kaming magsama lalo na pag may inuutos si Pres sa amin. Minsan na nga lang kami nagkakasama nina Zia, Selena, at Jennelyn ehh dahil dito.

Gustuhin ko man o hindi wala akong choice dahil kung hindi dahil sa posisyon ko pwedeng malagay sa panganib ang mga buhay nila.

Nakarating na kami sa hall at agad na umupo. Ilang sandali ay nakarating na lahat ng SSG officers at mukang nandito na rin ang lahat ng estudyante pero nagtataka ako kung bakit di pa nagsisimula.

"Nandito na ang lahat bakit di pa nagsisimula?" Tanong ko kay Sasha.

"Hindi pa kompleto, wala pa ang headmistress." Sagot niya

Ahh siya pala ang hinihintay. Alam niyo ang creepy ng pagmumuka niya kasi laging nagsusuot ng itim na damit tapos ang color ng lipstick niya ay kung hindi itim ay purple. Siguro minsan napapagkamalan siyang black lady dahil sa itsura niya.

Ewan ko sa kanya parang laging may lamay na pinupuntahan. Ohh speaking of the black lady, kararating lang niya and as always naka all black outfit pa rin siya.

Nagsimula na nga ang program. Blahh blahh blahh wala ako sa mood para makinig sa mga greetings at iba pang walang kwentang pinagsasabi nila. Tinawag ng emcee si Maam Lucia para magbigay ng instructions and rules para sa hell week na magsisimula ngayong araw.

"Hell week, ito ang panahon kung saan legal ang pagpatay anytime and anywhere but let's do it bloodier this time." Panimula niya.

Halos ang reaksyon ng lahat ay kaba at pagkabahala. Pati nga ako kinakabahan rin hindi para sa kaligtasan ko kundi para sa kaligtasan nina Jennelyn.

"May nilagay kami sa mga locker ninyo. Yon ay isang dagger at isang medallion." Kumunot ang mga noo nqmin sa sinabi niya. Lahat nagtataka kung saan gagamitin ang medallion. But I know may pinaplano siyang masama.

"Kung noon pwede kayong pumatay ng kahit sino sa kahit anong patalim ngayon hindi na. Ngayon ang pwede niyo lang gamitin ay ang dagger na nilagay namin sa mga locker niyo. Ang gamit naman ng medallion na nilagay namin ay doon niyo ilalagay ang dugo ng pinatay niyo. Pagkatapos ng hell week ay kailangan niyong ibigay sa amin ang mga dagger at mga medallion. That's all thank you." Dagdag niya.

Oh they want it to be bloodier game huh. Tss simula pa lang pinaglalaruan na nila kami at tanga lang ang di makakapansin non.

Nagsialisan na ang mga tao sa hall pati na rin kami. Pumunta kami sa locker area and as expected nandoon halos lahat ng estudyante. Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang dagger at medallion. Ilang sandali ay lumapit sa akin si Sasha na dala na rin ang dagger at medallion niya.

Umalis na kami doon at pumunta na sa office. Napansin ko na iba ang disenyo ng dagger at medallion ng mga SSG officers. Ang dagger ng mga ordinary students ay kulay silver  ang blade na itim ang hawakan samantala ang sa amin ay kulay ginto ang blade pati ang hawakan nito.

Ang medallion naman ng ordinary students ay kulay puti na may  kung anong marka na nakalagay sa gitna at yong sa amin naman ay kulay ginto din na may kung ano ding guhit sa gitna.

Dahil sa curiousity ko kung ano ang guhit na iyon ay sinugatan ko ang braso ko at nilagay ang dugo ko sa medallion. Ngayon ay nakikita ko na ng malinaw ang nakaguhit sa medallion. It is a lion

"Janella, ano--- hoy magpapakamatay ka ba?" Biglang kinuha ni Sky ang dagger at medallion sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Akin na nga yan. Tsaka anong pinagsasabi mo na magpapakamatay ako, hoy ka rin di ko gagawin yon noh." Sagot ko at kinuha ang medallion ko. Medallion lang ang nakuha ko kasi itinaas niya ang kamay niya na may hawak ng dagger pero pilit ko itong inaabot.

"Ano ba! Akin na nga yan." Sabi ko habang inaabot ko ang dagger ko.

Tawa lang siya ng tawa. Tss pasalamat ka at gwapo ka tuwing tumatawa ka.

Mas lalo niya itong itinaas kaya tumalon na lang ako para maabot yon pero in the second time pinagsisihan ko na ginawa ko yon.

Na out balance na naman kami and nakapatong ako sa kanya. Nagtitigan kami ng ilang sandali agad akong umiwas. Dahil nakahiga kami mas madali kong nakuha ang dagger ko. Tumayo na ako baka may pumasok ulit at makakita sa amin na ganon ang posisyon at kung ano pang isipin mahirap na.

SASHA'S POINT OF VIEW

Di niyo ako maiisahan hahaha. Malapit na ako sa pinto ng SSG office nang makarinig ako ng maingay.

"Ano ba! Akin na nga yan."

Alam kong kay Janella ang boses na yon. Wala na akong narinig na nagsalita pero may naririnig pa akong tumatalon at may tumatawa. I guess si Sky yong tumatawa.

Hindi muna ako pumasok at naghihintay pa kung anong sunod na maririnig ko. Ilang sandali may narinig akong malaking kalabog. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at hindi nila namalayan iyon. Maliit lang ang bukas ng pinto na sapat lang para makasilip ako.

(0 o 0)

Yan ang reaksyon ko sa nakita ko. Walang kung ano-ano kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila.

*click click click click click click click click click*

(A/N: Dami ahh. Paparazzi lang ang peg teh?)

Dapat lang once in a blue moon lang mangyari  to noh.

(A/N: Paano naging once in a blue moon yan eh araw ngayon hindi gabi?)

Ewan ko sayo miss author ( >_>)

Kinuha niya ang dagger sa kamay ni Sky at tumayo na. Pumunta siya sa table niya na dating table ni Sky at umupo na doon. Tumayo na din si Sky at pumunta sa table niya at kumain ng prutas.

Well, sa table niya ay may nakadisplay na mga prutas.

Pumasok na ako na may ngiti sa akin mga labi. Ang dating masungit at cold na Sky ay napalitan na ng masayahin at palangiti dito nga lang sa loob at kung kami-kami lang.

"Oh nandyan ka na pala Sasha. Kanina ka pa?" Tanong ni Janella

Yes, my dear hehehe

"Ahmm no nararating ko lang." Sabi ko. Medyo nakahinga ito ng maluwag sa sinabi ko. Hahaha ganyan nga maniwala kayo para  pag nalaman niyo talagang masusurprise kayo hahaha.

Umupo ako sa upuan ko at kinulikot ang cellphone ko. Ilang sandali ay nagpaalam na ako sa kanila na lalabas ako.

"Ahh guys, labas lang ako huh. Pupunta lang akong cafeteria." Paalam ko  at tumango lang sila.

*door close*

We are shouting in 3...

2...

1...

"What the heck ?!/ What the fuck?!"

I told you. (~__^)

♡♡♡♡♡

VOTE...

COMMENT...

BE A FAN...





The Darkest Secret of Maple University- The Living Hell SchoolWhere stories live. Discover now