Masuyong haplos sa kaniyang likod ang nararamdaman ni Madison ng sandaling iyon. She doesn't want to open her eyes yet dahil masarap sa kaniyang pakiramdam ang hatid ng bawat haplos na iyon sa kaniyang likuran. She move a bit dahil parang nangawit ang kaniyang katawan sa pagkakadapa habang natutulog kanina.
Pagkakadapa?!
Unti-unting rumehistro sa utak niya ang posisyon niya. Her eyes were widely opened nang maalalang nasa ibabaw siya ng kaniyang asawa. Marahas ang ginawa niyang pag-angat ng mukha upang tignan ito.
"Good evening, Mrs. Lacsamana."nakangiting bati sa kaniya ni Elmer.
Akma siyang babangon sana nang pigilan siya nito sa gagawin. Dalawang braso nito ang ngayon ay nakapulupot sa likod ng bewang niya.
"A-Ano'ng oras na?"tangi niyang nasambit dito.
Kumilos ang isang kamay nito at may dinukot itong bagay sa bulsa ng suot nitong pantalon. His own phone.
Naalala niya bigla ang sinabi ni Jasmin tungkol sa wallpaper ng cellphone ng lalaki.
"It's twenty minutes before eight."sagot nito.
Napamaang siya sa sagot nito. Sa tanda niya ay alas singko ng hapon siya dumating sa bahay kanina. And she immediately went upstairs to take a shower. Does it mean na...?
"What?!"
Napangiwi ito sa lakas ng boses niya.
"Balak mo bang basagin ang eardrums ko, Madison?"
"S-sorry. N-Nagulat lang ako."wika niya sa mahinang tinig. "Bakit hindi mo 'ko ginising?"
"Ang sarap ng tulog mo, eh."saad nito. "Puwede na pala akong maging kama ngayon."tukoy nito sa posisyon nilang iyon.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabing iyon ng asawa. Nang sinubukan niyang kumawala rito ay hinayaan na siya nito.
"N-Nagdinner na ba sila?"
"I don't know. Gutom ka naba?"
Bumangon na din ito at walang sabi-sabing pinagsalikop nito ang kanilang palad at lumabas na sa kanilang kuwarto.
"Buti naman ate Maddie gising kana."bungad ni Jasmin sa kanila nang makababa silang mag-asawa sa hagdan. "Ako ang nahihirapan para kay sir Elmer kanina."
Gulat siyang napatingin sa asawang nagpipigil ng ngiti. She looked back at Jasmin.
"W-What do you m-mean, Jas?"
"Eh, ginawa mo siyang kama kanina ate. Kinatok ko kayo sa kuwarto ninyo kanina. Nang binuksan ko ang pinto nakita kitang tulog sa ibabaw ni sir."kinikilig ang tinig nitong paliwaysa kaniya. "Pero with sir Elmer's permission kaya ko binuksan ang pinto ng kuwarto ninyo kanina."agad nitong dugtong nang makita ang nagdududa niyang tingin dito.
Hanggang sa maka-upo sila sa harap ng dining table ay hindi parin mapakali si Madison. She's still feeling the embarrassment dahil nakita ni Jasmin ang eksenang iyon sa kuwarto nilang mag-asawa.
"So, are you going to start your training next week, hon?"
Isa pa 'to. wika niya sa isip.
Hindi na nga siya magkandatuto sa kaalamang nakita ni Jasmin ang ayos nila kanina, gagamit pa ng endearment ang lalaki sa kaniya.
"O-Oo."
"What's your schedule?"tanong nito.
Napansin niyang maganda yata ang mood ng asawa. Ito kasi ang naglalagay ng pagkain sa plato niya. Hindi na din ito mukhang suplado dahil hindi na salubong ang mga kilay nito kaoag nagsasalita.
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )
Romance"I want my woman to be submissive and passionate in bed."bulong ni Elmer sa asawang si Madison. "And you are the opposite of what I want for a bed partner." Ramdam niya ang kaba at tensyon ng babae sa ginagawa niyang paghaplos sa braso nito. He can...