Chapter 37

5.6K 131 4
                                    

"M-Madie?!"

"Good evening, Eri." bati ni Madison sa kaniyang kaibigan nang makasalubing niya ito sa lobby ng ospital.

Sa ospital siya mismo nagpahatid sa driver ng kaniyang mga biyenan nang makarating siya sa Manila.

Nagmadali siyang pumunta sa kaniyang opisina upang ayusin ang sarili at agad lumabas para tignan ang kaniyang mga pasyente.

"Akala ko ba five days ang kinuha mong leave?" nagtatakang tanong ng kaniyang kaibigan na sinabayan siya sa paglalakad.

"Jeremy called me this morning. Medyo hindi daw maganda ang lagay ng isa sa mga pasyente ko. That's why I immediately come here. Did you see him?" tanong niya dito na bahagya niyang tinignan. Nakaangat naman ang mga kilay nito tanda na hindi niya alam kung sino ang tinutukoy niya. "Jeremy. Did you see him? Where is he?" sunod-sunod niyang tanong.

"I didn't see him yet. Why don't you call him?"

"My phone's drained. Can you please do it for me?"

"Ok." Agad nitong kinuha ang sariling cellphone at nag-dial doon. Sinenyasan niya kaniyang kaibigan na ibigay nito sa kaniya ang telepono.

Ilang ring pa ay sinagot na ng kaniyang pakay ang tawag.

"Hi, baby! Miss me?"

B-baby?! What the heck?!

Literal na nanlaki ang kaniyang mga mata nang marinig ang mga sinabing iyon ng lalaki. Dahan-dahan naman siyang bumaling sa gawi ng kaniyang kaibigan nang may nagtatanong na tingin. At base sa hitsura nito ay alam na niya ang sagot sa tanong na nasa kaniyang isipan.

"This is Madison, you asshole!" Hindi na niya napigilan ang kaniyang inis dito. Pero bigla rin niyang pinalis ang damdaming iyon at sinabi ang kaniyang pakay sa lalaki. "Where are you? Nasa ospital na 'ko ngayon. I need you to come at Mrs. Baltazar's room. ASAP! Kelangan ko ang report mo sa case niya ngayon. I'll wait for you there." Iyon lang at pinutol na niya ang tawag.

"Baby, huh?!" nanunudyo niyang saad sa kaniyang kaibigan nang iabot niya rito ang cellphone. Nahihiya naman itong inabot ang sariling cellphone sa kaniya. "We will talk later, Eri."

Agad niyang tinungo ang kwarto ng kaniyang pasyente at bahagya pa siyang nagulat ng madatnan doon ang kaibigan niyang doctor.

"Welcome back, doc." nakangisi nitong bungad sa kaniya. Inirapan na man niya ito bago itinutok sa kaniyang pasyente ang kaniyang atensyon. Kumpara noong bago niya ito iwan ay halata sa mukha nito ang panghihina. Inaasahan na niya iyon. Pero hindi parin niya maiwasang magulat at maawa sa sitwasyon ng naturang pasyente.

"She's always asking me about you." Maya-maya ay narinig niyang saad ni Jeremy. "Lagi niyang tinatanong sa'kin kung kelan ang balik mo. Sinunod ko lahat ng bilin mo. I took special care also for her. Pero hindi na talaga maiiwasan ang ganito. She's too weak already." Narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito bago ito muling magsalita. "It's amazing how can she get this far. Dahil sa sitwasyon niya at estado ng katawan niya, it's a miracle na umabot pa siya ng ganito katagal."

"I know. Maski ako ay hindi makapaniwala. Kaya humahanga ako sa tatag niya." Malungkot niyang pinakatitigan ang naturang pasyente. "She's alone for many years. But she survived. Napapaisip ako kung saan siya humuhugot ng lakas sa mga panahong wala siyang malapitang pamilya niya."

Humugot siya ng malalim na paghinga at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa maikling panahon na nakasama ko siya, madami akong natutunan sa kaniya. Sa mga panahon na nakakaramdam ako ng pag-iisa, lagi niyang ipinapaalala sakin na marami parin akong dapat na ipagpasalamat. Lagi niyang ipinapaalala sakin kung gaano kaganda at kasarap mabuhay sa kabila ng hindi magandang nangyari sa buhay ko. Hanggang ngayon, hindi ko parin tanggap ang pagkawala ng mga magulang ko. Hanggang ngayon nandidito parin yong sakit." Marahan siyang napatikhim upang pigilan ang paggaralgal ng kaniyang boses.

The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon