Chapter 16

6.3K 166 12
                                    

Inilibot ni Elmer ang paningin niya sa opisina ng kaniyang asawa nang makarating sila doon. He's now sitting on the couch inside the office habang ang asawa naman niya ay agad kinuha ang medical records ng kaniyang mga pasyente na nasa ibabaw ng office desk nito.

"Will you be ok here?" tanong nito sa kaniya.

"Where are you going?"

Tanong din ang isinagot niya sa tanong ng kaniyang asawa.

"I still have five patients to attend to, Elmer."

"Lunch time na, ah."aniya nang tignan niya ang suot na relo sa kaliwang braso.

"G-Gutom ka ba? I'll ask someone to get some food for you, then."

"No. I'll wait for you. Sabay tayong kakain."

"Are you sure?"

"Opo. Kaya lumabas kana para matapos ka agad."pagtataboy nito sa asawa.

"Ok. Bye." paalam nito.

"Wait!"agad na pigil niya rito ng akma nitong bubuksan ang pinto para lumabas.

"You need anything?"tanong naman nito.

"You're forgetting something."

Kumunot ang noo nito.

"What is it?"

"Come here." blangko ang mukhang turan niya dito.

Kita niya ang pagtataka sa magandang mukha ng asawa pero tumalima din naman ito. Lumapit ito sa kaniya at huminto sa harap niya mismo.

"What?"

Sinenyasan niya itong yumuko. At dahil nagmamadali ay sumunod din ito.

Kita pa niya ang gulat sa maamong mukha ng asawa nang agad niyang kupkupin sa dalawang kamay ang mukha nito at mariing halikan ito sa mga labi.

Dahil sa ginawa niyang paghila sa asawa kaya ito nawalan ng balanse at napadagan sa kaniya. Ramdam niya ang pagtulak ng dalawang kamay nito sa bandang dibdib niya. Pero hindi niya ito tinigilang halikan.

He hugged her behind her waist using his one arm and with a swift move ay naihiga niya ang asawa sa kina-uupuan niyang pandalawahang sofa. Dahil sa ginawa niyang iyon kaya napakapit ang dalawang kamay nito sa kaniyang leeg. He's now on top of her.

Few more seconds bago niya kusang ihiniwalay ang kaniyang mga labi dito.

"Next time, kapag magpa-paalam ka sa mister mo, dapat may goodbye kiss."pilyo ang ngiting wika niya rito.

Nakita niyang bahagyang bumuka ang bibig nito pero hindi ito nagsalita. Bagkus ay sinimangutan lang siya nito.

"Gusto mo pa ng isa? Para kasing kula-."

"That's enough!"mariin nitong pigil sa kaniyang pagsasalita.

"Willing naman ako-."

"Elmer, please?!"

Natawa siya sa nakikitang reaksiyon ng kaniyang asawa. Para kasi itong maiiyak na sa inis.

Bumangon siya sa pagkakadagan dito at hinila niya pasunod ang asawa.

"Oh, sige na."aniya. "Magpapadeliver na lang ako ng lunch natin dito. Ano'ng gusto mong kainin mamaya?"

"K-Kahit ano."sagot nito nang hindi nakatingin sa kaniya at agad ng tumayo.

"Kahit ano talaga?"nangingiting makahulugang turan niya sa asawa. "Kahit ako?"

"Shut up!"

Natawa na lang siya ng makita ang pamumula nito bago siya nito marahas na tinalikuran.

The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon