Hindi pumasok sa trabaho si Madison dahil naka-schedule ang appointment niya kay Atty. Santos sa araw na 'yon.
Habang nag-aayos ng sarili ay iniisip niya ang inakto niya kay Elmer kaninang umaga.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng inis sa kaniyang asawa kanina. Pati ang ginawa niyang pagsusungit sa harap nito ay hindi rin niya napigilang gawin.
Inalala niya sa isip kung paano unti-unting namula ang mukha ni Elmer kanina habang pinagsusungitan niya ito. Alam niyang napikon ito sa naging trato niya bigla sa asawa kanina. Iniisip din niya na baka nagalit din ito dahil d'on.
Ano na kayang iniisip niya ngayon sa'kin? nag-aalaalang tanong niya sa isip.
After lunch ang usapan nila ng kanilang abogado. Pero maaga siyang lumabas ng bahay para makapamasyal saglit. Matagal-tagal na din n'ong huling nagawa niya ang bagay na 'yon. Ngayon niya na-isip kung gaano siya kasubsob sa trabaho at sa pagkakadalubhasa upang maging ganap na surgeon balang araw.
Nang maisip ang bagay na iyon ay agad bumalong ang lungkot sa puso ni Madison.
Para saan pa ba ang lahat ng 'to? sa isip ay natanong niya.
Kung noon ay nagpupursige siyang makapagtapos para sa mga magulang niya, ngayon ay hindi na niya malaman kung para saan pa nga ba ang lahat ng ginagawa niya ngayon?
I'm alone now...
I miss you, Mom... I miss you, Dad...
Dahil sa hindi maipaliwanag na lungkot na kaniyang nararamdaman, ay hindi na namalayan pa ni Madison na kanina pa pala siya lumuluha.
Kung hindi pa dahil sa babaeng nagsalita sa kaniyang tabi ay hindi pa niya malalaman na kanina pa pala siya pinagtitinginan ng mga taong nakakakita sa kaniya habang tahimik na umiiyak na nakaupo sa isang bench.
She look at the lady beside her. Simpleng ripped jeans at puting t-shirt lang ang suot nito, pero hindi iyon nakabawas sa angking ganda nito. Her shoulder length hair matches her small face. Inosente ang dating sa kaniya ng mukha nito. Ito ang tipo ng ganda na hindi intimidating at hindi maarteng tignan. Bagay na sabihing angelic- innocent face ang ganda nito.
"Miss, are you ok?" pukaw ng babae sa pag-lalayag ng isip niya. May bahid ng pag-aalala sa tono na tanong nito sa kaniya. Ramdam din niya ang masuyong paghagod nito sa kaniyang likod na para bang inaalo siya.
Nahihiya man sa kaniyang sitwasyon ay pinilit parin ni Madison na tumugon sa tanong ng katabi.
"I-I'm fine." aniya habang nakayuko at nagmadaling punasan ang kaniyang mga luha.
"Just let it out." anito pa. At muling hinagod ang kaniyang likod. "Sasamahan kita dito para huwag mong maramdaman na nag-iisa ka."
Marahan siyang nagbaling ng tingin sa katabing babae. Matamis ang ngiting nakatingin din ito sa kaniya.
"Oh! Please don't think that I'm crazy or what." anito na inilayo pa ng kunti ang katawan sa kaniya. Hindi naman ito mukhang na-offend dahil may bahid ng tawa ang tono nito nang sabihin ang mga salitang 'yon.
"I'm sorry." tipid na aniya sa babae.
Inosente naman itong ngumiti ulit sa kaniya bago nag-iwas ng tingin at parang wala sa sariling tumingin sa harap nila.
"Nagawa ko na din 'yan kasi dati. Kaya...alam ko ang pakiramdam ng ganyan." Muli itong lumingon sa kaniya. At dun ay nakita niya ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Muli itong tumingin sa lawak ng karagatan sa harapan nila.
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )
Romance"I want my woman to be submissive and passionate in bed."bulong ni Elmer sa asawang si Madison. "And you are the opposite of what I want for a bed partner." Ramdam niya ang kaba at tensyon ng babae sa ginagawa niyang paghaplos sa braso nito. He can...