"I hope hindi ako sinisiraan ng mga 'to sa'yo."nakangiting turan ni Elmer sa asawa niyang si Madison ng mailapag niya sa mesang kinaroroonan nito ang pagkaing kinuha niya para rito.
Nakita niya ang pag-awang ng magaganda nitong labi upang sana ay magsalita. Pero naagaw ang atensyon nilang mag-asawa, pati na ng kaniyang tatlong kaibigan, nang marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan ng isang pamilyar na tinig ng isang babae mula sa kaniyang likuran.
At bago pa man din siya makalingon ng maayos sa babae ay halos matumba siya sa kaniyang kinatatayuan nang bigla itong yumakap sa kaniya at siilin siya nito ng halik sa kaniyang mga labi.
Awtomatiko rin niyang naiyakap sa bewang ng babae ang kaniyang braso dahil sa biglaan nitong pagdamba ng yakap sa kaniya. Kung hindi niya kasi ginawa iyon ay talagang matutumba sila pareho.
Dahil sa kabiglaan ay hindi siya agad nakakilos dahilan upang magtagal ng ilang segundo ang halik na iyon.
Nang makabawi siya sa pagkabigla ay agad niyang inilayo sa kaniyang katawan ang babae at pigil ang galit na hinarap ito.
"What the hell?!"singhal niya sa babae.
Mahigpit ang pagkakahawak niya rito sa magkabilang braso. Na para bang pinipigilan niya itong muli siyang mahawakan.
"Is that how you welcome me now, baby?"malambing at mapang-akit na sagot ng babae sa kaniya.
Nakaramdam siya ng inis sa babae. Wala sa loob na napabaling ang ulo niya sa kanan at nagulat siya ng makita ang blangkong mukha ng kaniyang asawa habang matatamang pinaglilipat-lipat ang paningin sa kaniya at sa bagong dating niyang bisita.
Agad niyang binitawan ang mga braso ng babae at pasiring itong tiningnan ng tingin. He faced his wife na noon ay blangko parin ang mukhang nakatingin sa kaniya. He was about to speak nang sumulpot ang kaniyang ama kasama ang dalawang matandang lalaki.
"Son,"tawag ng kaniyang ama sa kaniya. Pero nanatili ang kaniyang tingin sa mukha ng kaniyang asawa. "Can you come with us for a while?"narinig niyang wika nito sa kaniya. "Elmer!"may kalakasang tawag na nito sa kaniya dahil hindi siya natitinag sa kaniyang kinatatayuan ng sandaling iyon.
"Dad, is talking to you."saad ni Madison sa kaniya. Doon niya lang nagawang tapunan ng tingin ang ama at mga kasama nito pero agad niyang ibinalik ang kaniyang paningin sa asawa.
"We'll talk later, ok?"mahina niyang wika. He raised his one hand at marahang kinabig ang batok ng asawa upang mahalikan niya ito sa noo. "Eat well."aniya at hinarap na ang mga bisita.
*******
Tinanaw ni Madison ang papalayong si Elmer bago siya humarap sa mesa. Ramdam niya ang tatlong pares ng mga matang nakatingin sa kaniya, kaya agad siyang nag-angat ng tingin sa tatlong lalaking kaharap niyang nakaupo sa mesang kinaroroonan nila."Is there something wrong?"tanong niya nang makita kung gaano siya tignan ng tatlo.
Agad namang nag-iwas ng tingin ang tatlo sa kaniya. Pero ilang sandali lang ay nagsalita ang isa sa kanila. Si Jonas.
"Aren't you mad, doc?"medyo nakangiwi pang tanong nito sa kaniya.
Nagulat siya sa tanong nito. Pero ngumiti siya rito para ipahiwatig na ok lang siya.
"Not at all."sagot niya na ikinatingin naman ng dalawa pang binatang kaharap niya.
"A-Are you sure, Maddie?"si Baste.
"Mmm."tipid niyang sagot dito. Tumingin siya sa gawi ni Albert nang makita niyang ito naman ang magsasalita.
"May we know why?"Hindi makapaniwalang tanong niya. "I mean..." Hindi nito maituloy ang sasabihin kaya kusa na siyang nagpaliwanag sa mga ito.
"Because, that isn't the first time."aniya tukoy niya sa walang babalang paghalik ng babae kanina sa kaniyang asawa.
Bahagya siyang natawa sa nakitang reaksyon ng tatlong lalaki.
"You m-mean, nangyari na 'yong ganon noon?!"si Albert.
Tumango siya bilang sagot dito.
"And you don't care at all?!"hindi makapaniwalang tanong naman ni Jonas sa kaniya.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. Isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang tatlong binata.
"It's not that I don't care."aniya. "Kaya lang naman ganito ang reaksyon ko, kasi nakita ko naman na hindi nagustuhan ni Elmer 'yong nangyari. Kagaya natin, he was also shocked."
Ilang sandaling hindi umimik ang tatlong kaibigan ng kaniyang asawa. Nanatili lang ang mga itong nakatingin sa kaniya na para bang inaanalisa ang kaniyang mga sinabi.
Maya-maya pa ay si Baste ang bumasag sa katahimikan nila.
"Kilala mo ba kung sino ang babaeng humalik sa asawa mo kanina, Maddie?"
Natigilan siya sa akmang pagsubo ng pagkain dahil sa tanong na iyon ni Baste. Hindi niya alam, pero biglang tinambol ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi naman niya ipinahalata sa mga kaharap ang kaniyang naramdaman.
"I don't know her."tipid niyang sagot dito.
Nakita niya ang makahulugang tinginan ng tatlo matapos niyang sagutin ang tanong na iyon ni Baste.
"She's Elmer's first love."walang kagatol-gatol na saad ni Albert.
She's Elmer's first love.
She's Elmer's first love.
She's Elmer's first love.
She's Elmer's first love.
She's Elmer's first love.
Ilang beses nagpa-ulit-ulit sa isip ni Madison ang mga katagang iyon.
Naramdaman ni Madison ang unti-unting paglakas ng tibok ng kaniyang puso sa sinabing iyon ni Albert. Hindi siya agad nakaimik. Nanatili ang kaniyang paningin sa kaniyang plato. Hindi niya magawang iangat ang kaniyang paningin upang tignan ang mga kaharap dahil ramdam niya ang mga tingin ng mga ito sa kaniya.
Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabing iyon ng kaharap. Pero may kung anong pining kurot sa kaniyang puso ang kaniyang naramdaman dahil sa narinig na iyon.
Ilang minuto siguro ang lumipas bago niya nagawang kalamayin ang kaniyang loob at nakangiting iangat ang kaniyang paningin sa tatlong binata.
"I don't know about that, actually."tangi niyang nasabi sa tatlo.
Pag-aalala ang nababasa niya sa mga mukha ng tatlong binata. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan at mailang dahil sa reaksyon ng mga ito.
"There's no need for you to be worry."si Jonas. "Ikaw na ang present at future niya."nakangiting saad nito.
"And besides,"si Baste. "That was before. She's Elmer's first love, noon."anito na diniinan pa ang huling salitang sinabi.
"They're right, Madz."sang-ayon naman ni Albert. "Hindi ka naman pakakasalan ni Elmer kung hindi ka niya mahal, diba?"
If only you knew....
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )
Romance"I want my woman to be submissive and passionate in bed."bulong ni Elmer sa asawang si Madison. "And you are the opposite of what I want for a bed partner." Ramdam niya ang kaba at tensyon ng babae sa ginagawa niyang paghaplos sa braso nito. He can...