Chapter 23

5.6K 139 6
                                    

Pagkatapos makapag-ligpit ni Elmer sa kusina ay lumabas siya para kunin ang sasakyan niya na ipinarada niya sa bukana ng kaniyang resthouse.

Habang naglalakad ay laman ng isip niya ang pinag-usapan nila ni Madison kanina. Partikular na ang pag-amin ng kaniyang asawa na mahal parin nito ang dating nobyo.

He's hurting. No one informed him how painful it is to get hurt and be rejected by someone you love. He felt like his heart is tearing apart.

Rejected?! Hindi mo pa nga sinasabi sa kaniya na mahal mo siya! sigaw ng isang bahagi ng kaniyang isip.

Natigilan siya sa isiping iyon. Advance nga lang ba siya sa pag-iisip na walang kahahantungan ang damdamin niya para sa kaniyang asawa?

Asawa ka. Ex lang siya. dagdag pang bulong ng kaniyang isip.

Nang maisip iyon ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kaniyang ama noong nag-kausap sila. He really needs to make a move before it's too late.

Malapit na siya sa kaniyang  sasakyan nang biglang namatay ang mga ilaw sa pathway ng kaniyang resthouse. Nagmadali siyang pumasok sa kaniyang kotse at agad pinasibad iyon.

Nakalimutan niyang tanggalin ang naka-set na oras sa mga ilaw niya sa loob at labas ng kaniyang bahay.

Pag-aalala ang biglang bumalot sa kaniya ng maalala si Madison. He hurriedly went to their room to check on her pero naka-lock iyon. He knocked few times while calling her wife's name.

Agad bumukas ang pinto ng kanilang kuwarto at nagulat pa siya ng umiiyak na biglang yumakap sa kaniya ang kaniyang asawa.

"Where have you been? Bakit mo 'ko iniwan na mag-isa dito?"magkasunod na tanong nito sa kaniya sa pagitan ng pag-iyak nito. "I tried to looked for you kanina kasi bigla na lang namatay lahat ng ilaw sa bahay."

Nakonsensiya siya nang maramdaman niya ang panginginig ng katawan nito sa takot.

"I'm sorry, hon."alo niya rito. "Kinuha ko lang 'yong sasakyan kasi."

"Akala ko iniwan mo 'ko dito na mag-isa."

"Tama na, ok. I'm already here."

Kinupkop ng mga palad niya ang luhaang mukha nito at mariing hinalikan ito sa mga labi habang nakayakap parin sa kaniya ang mga braso nito.

"N-natakot kasi ako, eh. Bakit hindi ka nag-paalam?"

"Hindi na kita inistorbo kasi saglit lang naman ako."

Mahigpit niya itong niyakap dahil patuloy parin ito sa pag-iyak. Iginiya niya ito papasok sa kanilang silid. Umupo sila sa bandang paanan ng kama.

He tried to comfort her. They just stayed hugging each other hanggang sa pahikbi-hikbi na lang ito. Gusto niyang kumalas sa pagkakayakap niya dito pero pinipigilan siya nito.

"Just stay here, ok?"wika niya rito.

"Don't leave me here."anito at mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kaniya.

"I won't, ok."aniya na hindi napigilang matawa. "Maliligo lang ako."paalam niya rito. Pero napamulagat siya ng marinig itong magsalita.

"I'll come with you."parang bale-walang turan nito sa kaniya.

"Are you serious?!" Bakas sa boses niya ang pagkamangha sa sinabi ng kaniyang asawa.

Nakita niya ang pag-tango nito. Hindi niya alam kung paano ito hihindian.

"You can't, ok?"

"I'll stay near the sink. May kurtina naman sa shower. Hindi ako titingin sa'yo."

The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon