Chapter 21

5.9K 154 20
                                    

"No matter how hard you try to escape, sa'kin parin ang bagsak mo, Mrs. Lacsamana."

Gustuhin mang kumawala ni Madison sa pagkakayakap ng kaniyang asawa ay hindi niya kaya. She pushed him by his chest, pero walang saysay ang lakas niya. Either, she's not exerting enough strength o talagang wala siyang lakas na gawin iyon.

"Will you let me go now, Elmer?"aniya na nasa bandang dibdib ng kaniyang asawa nakatuon ang kaniyang atensyon dahil kahit hindi niya ito tignan ay ramdam parin niya ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya nang mga sandaling iyon.

Napapitlag siya nang maramdaman ang isang palad nitong humaplos sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang leeg. His thumb is now giving a sweet caress to her cheek.

"E-Elme-."aniya na hindi naituloy ang sasabihin. Not because she was kissed by him. Kundi sa emosyong nakikita niya sa mga mata nito. And she can't withdraw her eyes anymore. Para siyang nahihipnotismo dahil sa mga emosyong ipinapahayag ng mga mata nito.

He's looking at her with so much passion and tenderness.

Nakita niya ang unti-unting pagbaba ng mukha nito sa kaniya. And she knows what he's up to. Pero hindi siya umiwas. She just let him do what he wants. And that is to kiss her.

Masuyo at walang pagmamadali sa paraan ng paghalik nito. He's doing it as if he's trying to tease her to respond. And she can't hold back anymore.

Kasabay ng unti-unting pag-angat ng kaniyang mga kamay papunta sa leeg nito ay ang unti-unti din niyang pagtugon sa halik nito.

Naramdaman niya ang marahang paghigpit ng yakap nito sa kaniya. At ang kaninang masusuyong mga halik na ibinibigay nito sa kaniya ay nagiging mapusok at mapaghanap.

She's not prepared sa ganoong klase ng halik sa kaniya ng kaniyang asawa. Pero wala siyang balak pigilan ito. His ways of kissing her makes her wanted for more.

Hindi niya kayang suklian ang mga halik nito sa kanya with same intensity. Pero sinabayan niya parin ito sa paraang alam niya at sa kaya niya.

Wala sa kanila ang gustong bumitaw sa paghalik. Hanggang sa bigla siyang napapitlag nang makarinig nang mararahang katok sa pinto ng resthouse. She immediately stop in kissing him. Habang wala naman itong balak na pakawalan siya. Nang iiwas niya ang kaniyang mukha ay pinigilan siya nito at muli siyang hinalikan. She hold his hands na nakahawak sa mukha niya para pahintuin na ito sa ginagawang paghalik sa kaniya. And as usual, there's no use.

"E-Elmer,"wika niya rito sa kabila ng ginagawa nitong paghalik sa kaniya. "S-Someone's at the door."

Nagpasalamat siya nang huminto ito. Pero nagulat siya ng naiinis itong sumigaw sa kung sino man ang kumakatok sa pinto.

"Walang tao!"sigaw nito.

"Elm-."naiwan sa ere ang sasabihin niya dahil muling sinakop ng mga labi nito ang kaniya.

Pero dahil patuloy parin ang pagkatok ng kung sino sa pinto ay sinikap niya paring pahintuin ito.

"Elmer, enough."aniya nang humiwalay ang labi nito sa kaniya.

Muli sana siya nitong hahalikan pero itinakip niya ang kaniyang palad sa kaniyang bibig.

"May tao nga, eh!"reklamo niya rito.

Naiinis naman itong humiwalay sa kaniya at nagdadabog na tinungo ang pinto.

Nagulat pa siya nang mapagbuksan ng kaniyang asawa ang kasam-bahay nitong Sina Beth at manang Melly.

"Naku sir, ma'am,"bungad ni Beth. "Pasensiya na sa istorbo. Dinala lang namin itong mga gamit ninyo.

Nangunot ang noo niya ng marinig ang sinabi nito.

"Why did you bring our things here, Beth?"

"Bilin po ni sir Elmer, ma'am."

"Ngayon ka lang daw niya masosolo anak. Kaya pinadala niya ang mga gamit ninyo dito."

Jesus Christ! May dalang ibang kaba sa kaniya ang tinuran ng matandang kasam-bahay.

Napamaang siyang tumingin sa kaniyang asawang nagpipigil mapangiti ng sandaling iyon.

Agad namang nagpaalam ang dalawang kasam-bahay sa kanila. Pero pinigilan niya ang mga ito.

"Baka naman puwedeng samahan ninyo kami dito manang."aniya sa matandang babae.

Alam niyang walang gagawin si Elmer sa kaniya. Pero wala siyang tiwala sa sarili niya mismo ngayon. After she responded to his kisses a while ago, hindi malayong mas lumalim pa ang puwede nilang magawa if they will stay alone together sa ganoong ka-intimate na lugar.

"Hindi mo naman siguro gugustuhing matulog sila sa sahig, hon."wika sa kaniya ng kaniyang asawa.

"What do you mean?"

"Iisa lang po kasi ang kuwarto dito, ma'am Maddie."sagot naman ni Beth sa kaniya.

Hindi siya nakahuma sa nalaman.

"How come na iisa lang ang kuwarto ng bahay mo? Sa laki nito?!"mulagat niyang turan sa asawa.

"Hindi ito ginawa for family use, my dear wife."anito na lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa kaniyang likod at biglang kinintalan ng halik sa kaniyang pisngi. "I designed this house for honeymoon purposes only."

Daig pa niya ang nabingi dahil sa mga huling sinabi nito.

Honeymoon?! Naalala niya ang petsa kung kelan nito sinimulang ipagawa ang naturang bahay. She was stunned by that realization.

Dahil para siyang natulos sa kaniyang kinatatayuan ay hindi na niya napigilan pa ang dalawang kasam-bahay nang magpa-alam na ang mga ito na aalis na.

"A-Ano'ng ibig sabihin nito, Elmer?" Kinabahan siya nang makahulugan itong ngumiti sa kaniya. "Stop smiling and looking at me that way!"

"Why?"anito habang unti-unti itong lumalapit sa kaniya."Masama ba'ng ngitian at titigan ang asawa ko?"

"S-Stay where you are!"pigil niya rito nang halos isang dipa na lang ang distansiya nito sa kaniya. Kung siya lang ay gusto niyang umatras palayo. Pero hindi niya makayang gumalaw nang sandaling iyon. "Hindi masama kung sa hindi! But I don't like the way you look at me na para ba'ng gusto mo 'kong hubaran!"tuloy-tuloy niyang Sabi without thinking her last words.

She covered her own mouth upon realizing what she had said.

Marahang natawa ang kaniyang asawa sa ginawa niyang iyon.

"I never thought, mind reader ka pala, hon."

"Elmer naman, eh!"aniya sa naiiyak na boses. She sat down at the sofa habang masamang tinitignan ang kaniyang asawang hindi na matanggal-tanggal ang ngiti nito sa mga labi.

Tumabi ito ng upo sa kaniya. Umakbay ito sa kaniya at hinapit payakap dito.

"That was the sweetest kiss I've ever tasted!"naa-amazed na saad nito sa kaniya. "Now I know how it feels like to be in heaven. How about you, Mrs. Lacsamana?"

"Wala!"

"Puwede ba 'yon?"may pagdududang tanong nito.

"Eh, sa wala nga eh!"singhal naman niya rito.

"I don't believe you. Kasi iba 'yong naramdaman ko kanina when you kiss me back. Bigay na bigay ka nga-. Awwww!"hiyaw niya nang pinanggigilan niya itong kurutin sa hita nito. "That hurts, Madison! Kapag ito nagkapasa, humanda ka sa'kin!"banta nito sa kaniya habang hinihimas ang nasaktang hita.

"Bakit?! Ano'ng gagawin mo kapag nagkapasa 'yan?!"singhal ulit niya rito.

"Sisiguraduhin kong aaray ka rin sa gagawin ko sa'yo."saad nito at tumayo. "Pero hindi lang sa sakit kundi sa sarap!"

Before she could throw the cushion beside her ay tumatawa na itong tumakbo palayo sa kaniya.

"Pervert!"pahabol niyang sigaw dito.

The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon