Chapter 13

6.3K 157 4
                                    

"Do you really need to do that?"tanong ni Madison sa asawa nang makasakay sila sa kotse nito.

"Do what?" wika nito.

"Ang istorbohin ang mga kaibigan mo."tukoy niya sa pagpapasundo ng asawa nito sa dala niyang sasakyan.

"Sanay na kami sa isa't isa."sagot nito at nagulat siya nang bigla itong maghubad ng damit.

"W-What are you doing?!"nanlalaki ang kaniyang mga matang tanong dito.

Sa mahigit isang buwan na magkasama sila ay ngayon niya lang nakita ang upper body ng asawa. And he's one heck of a macho man dahil sa nagmamayabang na mga abs nito.

"Basa na 'ko sa pawis, Mrs. Lacsamana."bumaling ito sa kaniya at pumihit paharap na may pilyong ngiti sa mga labi. "Ikaw hindi ka ba maghuhubad?"

Napamulagat siya sa sinabi nito at wala sa loob na ipinagkrus niya ang mga braso sa bandang dibdib niya.

"Why the hell would I do that?!"histerikal niyang saad dito.

"Hindi ka ba pinagpawisan?"

"No! And even if I do, bakit ko kelangang maghubad?!"

Humagalpak ito ng tawa dahil sa reaksiyon niya. Alam niyang pulang-pula na siya ng sandaling iyon.

"You really amazed me, Madison. Doctor ka pero kung makatingin ka sa katawan ko parang hindi mo pinag-aralan ang human anatomy. Tell me,"anito at inilapit pa ang mukha nito sa kaniya kaya siya napasandal sa gawing pinto ng kotse nito. "Do you find your husband attractive?"

"S-Sanay akong m-makakita ng k-katawan ng l-lalaki, Mr. Lacsamana."

"Why are you stammering, my dear wife?"mas lalo pa nitong inilapit ang mukha nito sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang kanilang labi sa lapit nito.

Hindi na niya nagugustuhan ang nararamdaman niya. She's starting to feel hot kahit nakabukas ang aircon ng kotse nito.

Dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa ay naaamoy niya ang mabangong hininga ng asawa na pumapaypay sa kaniyang mukha.

"E-Elmer,"wala sa loob na napalunok siya ng masuyong humaplos sa kaniyang mukha ang mainit na palad ng kaniyang asawa.

"Hmmm?"

"Y-You need to w-wear your s-shirt n-now."aniya na hindi alam kung saan ibabaling ang tingin.

"Why?"

Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. She doesn't even know where to look at. Hanggang sa mapadako sa mga labi ng asawa ang paningin niya.

"Don't stare at my lips as if you're inviting them to taste yours."

Without thinking their distance ay bigla siyang nag-angat ng mukha dahilan upang kusang maglapat ang mga labi nila sa isa't isa.

Her husband immediately move his lips to kiss her deeply and passionately. Habang siya naman ay hindi malaman kung pipikit ba o tititigan na lang ang guwapong mukha ng kaniyang asawa.

And before she chooses what to do, ay kusang tumigil ang kaniyang asawa sa ginagawang paghalik sa kaniya.

"Hindi ka ba talaga marunong humalik, Mrs. Lacsamana?"natatawa nitong saad sa kaniya.

Namula siya sa hiya dahil sa pagiging prangka nito.

"Kung gusto mo naman pala ng babaeng marunong humalik, eh 'di sana hindi mo iniwan 'yong babae mo kanina!"pagsusuplada niya para takpan ang hiyang nararamdaman.

Before she realized what she just said ay sumilay ang makahulugang ngiti ng kaniyang l asawa na tumingin sa kaniya.

"Did I hear jealousy on your voice, Mrs. Lacsamana?"amused nitong tanong.

Ibinuka niya ang kaniyang mga labi para sana kontrahin ang sinabi nito. Pero wala siyang makapatang kahit anong salita para sabihin. Tanging masamang tingin na lang ang naisagot niya dito.

"Walang masama kung paminsan-minsan, eh, magpakita ka ng emosyon, Madison."

"I am not jealous, ok?! Wala akong pakialam kung ilang babae pa ang kahalikan mo! So don't question me kung hindi ako marunong humalik. Understood?!"naiinis na saad niya sa lalaki. "At puwede ba? Magdamit ka nga!"

"Wala ka nga ba talagang pakialam?"wika nito sa nagdududang tinig. May inabot itong bag sa backseat at kinuha ang extra shirt nito doon at nagbihis.

"Wala!"

"Eh, ba't ka nag-walk-out kanina no'ng nakita mo 'yong babae na hinalikan ako?"

Bahagya siyang natigilan sa tanong nito. Pero agad din siyang nakabawi.

Bakit nga ba?! tudyo ng isip niya.

"I didn't walk out!"singhal niya dito. "D-Dinala ko lang naman talaga 'yong mga documents na naiwan mo."

"I see..."anito at umayos na ito ng upo. Pero agad ding bumaling ito sa kaniya nang may maalala. "Why did you cry then?"

"I-I d-didn't!" ibinaling niya sa labas ng bintana ang kaniyang tingin. "Napuwing lang ako kanina."pagsisinungaling niya.

As if he would buy that alibi.

"Sabi mo, eh."

Alam niyang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Pero alangan namang umamin siya dito na umiyak siya dahil sa nakitang eksena kanina sa opisina nito? Ano'ng idadahilan niya kung magtanong ito kung bakit siya nag-react ng ganoon? Would she tell him?

Of course not! hiyaw niya sa isip.

She will never let herself caught red-handed by him. Baka pagtawanan lang siya nito.

Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na ito muling humirit pa.

******
Hindi magawang makatulog ni Elmer ng gabing iyon dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa tulog niyang asawa.

Habang patagal ng patagal niyang nakakasama ito, ay palalim ng palalim naman ang ginagawa nitong puwang sa kaniyang puso.

Hindi niya alam kung kailan nagsimulang mabigyan niya ng kahulugan ang mga damdaming biglang sumulpot simula nang makita at makilala niya ang kaniyang asawa. Kung gaano ito kabilis na dumating sa buhay niya, ay ganoon din nito kabilis na inukupa ang puso niya.

Sa lahat ng babaeng nagdaan sa buhay niya, hindi niya kailangan man naramdaman sa mga iyon ang ibayong kasiyahan na tulad ng nararamdaman niya sa asawa niya sa tuwing nakikita niya ito.

They got married unexpectedly without any feelings involved. Pero ngayon, para sa kaniya ay meron na.

He never thought that falling in love to a stranger is possible. And him, falling in love to his stranger wife is the living proof.



The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon