Chapter 41

5.8K 128 12
                                    

"Hon."

Ang malambing na boses ni Elmer ang kanina pa naririnig ni Madison. Pero sa sobrang antok at bigat ng pakiramdam niya, hindi niya magawang tugunin ito. Ni ang i-mulat ang mga mata ay hindi niya magawa.

Ang totoo ay kanina pa siya gising. Lahat ng ginawang pagkilos ni Elmer mula kaninang magising ito ay naramdaman niya. Mula sa pagbangon nito at pagtungo sa banyo ay naramdaman.

Pati ang masuyong pagdampi ng mga labi nito sa kaniyang labi ay naramdaman din niya. At isa din iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang bumangon.

Lagi kaya niya 'yong ginagawa?

Naisip niya bigla ang tanong na iyon dahil palaging ang asawa niya ang unang nagigising sa kanilang dalawa.

"Hon..." muling tawag ni Elmer sa kaniya. Maya-maya lang ay naramdaman Niya ang pagsampa nito sa kama at ang marahang paghaplos nito sa kaniyang pisngi. "Madison, wake up."

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at agad sumalubong ang nakangiting mukha ng kaniyang asawa.

"Good morning." nakangiti nitong bati sa kaniya na sinuklian naman niya ng tipid na ngiti.

"Good morning." sagot niya. Marahan siyang bumangon at umupo sa kama.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Elmer sa kaniya habang  isinusuot ang kurbata.

Marahan siyang umiling bilang sagot dito. Marahan siyang umalis sa pagkaka-upo niya sa kama at wala sa loob na naglakad palapit sa kaniyang asawa at inako ang pag-aayos ng kurbata dito.

Napapitlag siya nang maramdaman ang palad ni Elmer sa kaniyang noo at leeg.

Biglang nangunot ang kaniyang noo at napasimangot sa asawa. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.

"Wala 'kong sakit!" masungit niyang wika na ikinabigla naman ng asawa niya. Padabog siyang umalis sa harap nito at muling sumampa sa kama at nahiga.

Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pag-upo ni Elmer sa gilid ng kama malapit sa kaniya.

"Hey..." malumanay nitong tawag sa kaniya. Pero imbes na tignan ito ay pumihit siya ng higa patalikod dito. "Are you mad?" nag-aalalang tanong nito.

"No." sagot niya pero nasa tono niya ang pagka-inis.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Bigla-bigla na lang kasi siyang nakaramdam ng inis sa lalaki. Ok Naman siya kanina. Pero habang nakatingin siya sa mukha ni Elmer kanina ay unti-unti siyang nairita. At n'ong hawakan siya nito ay nainis siya bigla.

"Then why are you acting like that?" natatawa nitong saad. "You're acting weird." dagdag pa nito!

Me?! Weird?! Gago ba siya?!

Muli na naman siyang nainis dahil sa mahinang tawa at sa sinabi nito. Padabog siyang bumangon sa kama at pinamewangan ang gulat na gulat niyang asawa.

"Ako ba talaga eh iniinis mo, huh?!" duro niya rito. "Kung may pasok ka, pwede umalis kana?! Naiirita ako sa pagmumukha mo!" mariing singhal pa niya bago niya ito talikuran at muling nagdabog sa paglalakad patungo sa banyo.








**********

Hindi makakilos sa kaniyang kinatatayuan si Elmer ng sandaling iyon dahil sa iniastang iyon ni Madison. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin habang padabog na naglakad ito papasok sa banyo at pabagsak pang isinara nito ang pinto doon.

"Ano'ng problema n'on?" mahinang usal niya sa sarili. Pero nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at muling narinig ang boses ng kaniyang asawa.

"Kapag ikaw nadatnan ko pa dito sa loob ng kwarto paglabas ko mula rito, sasamain kana sa'kin!" muli nitong singhal habang nakasilip ang ulo nito sa may pinto ng banyo. At kagaya kanina ay muli nitong pabagsak na isinara ang pinto.

"What the-!" naihilamos nito ang parehong palad sa mukha dahil sa inaakto ng asawa.

Dahil sa kahihiyang natamo ay wala ng nagawa si Elmer kundi ang duruin ang nakapinid na pinto ng banyo at padabog ding binitbit ang suitcase palabas ng kanilang kwarto.

Hanggang sa makarating siya sa kaniyang opisina ay hindi parin maipinta ang mukha nito. Naiinis din siya sa suot niyang business suit ng oras na 'yon. Kung hindi lang dahil sa mga investors na ka-meeting niya ay kanina pa niya hinubad ang kaniyang suit.

"Damn it!"

Marahang mga katok mula sa pinto ng kaniyang opisina ang nakapagpatigil sa walang katapusang pagmumura niya.

"Come in."

Agad bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iniluwa n'yon ang kaniyang secretary. Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan dahil alam niyang natatakot itong mabulyawan niya.

"I'm s-sorry to disturb you, s-sir." panimula nito habang yakap-yakap ang ilang folder sa dalawang braso. "Dumating na po ang mga ka-meeting ninyo. Nasa conference room na po sila."

"Ok. Tell them to wait. I'm coming." wika niya na hindi na pinagka-abalahang tignan ang naturang empleyado.

Hindi man naging maganda ang umaga ni Elmer ng araw na iyon ay hindi naman niya hinayaang maapektuhan nito ang kaniyang trabaho. He still managed to act professional sa harap ng mga investors nila. At sa awa ng Diyos ay nakuha naman nila ang kontrata.

Nang oras ng uwian ay nagdalawang isip siyang tawagan ang kaniyang asawa. Gustuhin man niyang tawagan ito ay nanduduon ang pag-aalinlangan sa isip niya.

Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong tawagan ito kaninang tanghalian dahil my lunch meeting din siyang pinuntahan.

Baka masigawan na naman ako ng wala sa oras nito.

Maya-maya lang ay napag-desisyonan niyang i-message na lang ito. At least 'yun hindi siya masisigawan.

[Where are you right now?] yan ang laman ng message niya para sa asawa.

Naghintay siya nang ilang segundo sa sagot nito. Pero umabot na iyon ng minuto ay wala parin siyang natatanggap na reply mula sa asawa.

Maybe she's busy. aniya sa isip.

Ilang sandali pa siyang naghintay ng reply mula sa asawa. Pero halos isang oras na ang nakalipas ay wala siyang natanggap na kahit ano.

Galit ba talaga sa'kin 'yon?

Wala naman akong maalalang nagawang ikinagalit niya, ah.

Naisip niya ang nangyari sa pagitan nila kaninang umaga.

Hindi kaya...

Napatuwid siya ng upo ng maalala ang ginawa niyang paghalik dito.

Gising na ba siya n'ong ginawa ko 'yon?

Smack lang naman 'yon, ah. Mas higit pa nga d'on ang ginawa namin.

"This is bullshit!" mariin niyang wika nang mapagtanto ang ginagawa niyang pagka-usap sa sarili mula sa isip.

Para tuloy siyang tanga na tinatanong at sinasagot ang sarili.

The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon