"Good morning, ladies!"
Hindi kinailangang lingunin ni Madison ang lalaking masiglang bumati sa mga empleyado sa naturang shop na kaniyang kinaroroonan ng sandaling iyon upang malaman kung sino ang taong iyon. She knows kung sino ito. It's her husband.
"Good afternoon na po sir."natatawang bati naman ng isa sa dalawang babaeng empleyado na kinaiinisan niya kanina pa.
Tumaas ang isang kilay niya nang makita kung paano tumitig ang mga empleyado ng shop sa kaniyang asawa.
Muli niyang hinarap ang saleslady na kausap niya kanina.
"Do you know him?"walang emosyong tanong niya sa babaeng hindi matanggal ang ngiti sa mga labi na nakatingin sa kaniyang asawa.
"Yes."nakasimangot nitong sagot. "He's our, boss."
Lihim siyang napangiti dahil sa nalaman.
"Anak po siya ng may-ari ng boutique na 'to, ma'am."paliwanag ng staff na nag-assist sa kaniya kanina.
"Ganun ba?"aniya.
"Opo."
Maya-maya ay naramdaman niya ang pagpulupot ng isang braso sa kaniyang bewang.
"Nakapili kana ba ,hon?"tanong ng kaniyang asawa sabay halik sa kaniyang sentido ng hapitin siya palapit sa katawan nito.
Gusto niyang bumunghawit ng tawa sa nakitang reaksyon mula sa mga staff ng shop, lalong-lalo na sa dalawang babaeng nangmaliit sa kaniya kanina. Their eyes and mouth are wide-opened habang nakatingin sa kanilang mag-asawa.
Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang magandang ngiti ng staff na nag-assist sa kaniya kanina.
"Yeah. But it's too expensive for me to just use it once."
"Magkano ba?"
"Fifty thousand."
"Is that expensive to you, Mrs. Lacsamana?!"gulat namang saad ng katabing asawa.
"Of course!"mulagat niyang sagot dito. "Isang beses ko lang naman 'yang gagamitin."
"Kahit na. Bakit ba tinitipid mo ang sarili mo?"nakangiti nitong turan. "You can buy the whole mall kung gusto mo."
"Hindi ko tinitipid ang sarili ko, Mr. Lacsamana. Nasasayangan lang ako kasi mamayang gabi ko lang naman 'yan gagamitin."
"Sabagay."anito. "But I am the one who will pay for it. So, it's ok."
Pagkasabi n'yon ay bumaling ito sa mga tauhan ng shop at nakangiting ipinakilala siya sa mga ito.
"By the way, ladies."anito bago ito tumingin sa kaniya. "I want you to meet my wife, Mrs. Madison De Lara Lacsamana. She's a doctor. Hindi nga lang halata."natatawang dugtong nito sa sinabi.
Pabiro niya itong siniko at buong tamis na ngumiti sa lahat ng staff doon.
"Nice to meet you all."aniya at makahulugang tumingin sa dalawang babaeng nang-insulto sa kaniya kanina na ngayon ay halos hindi maipakita ang mga mukha sa kaniya. "Thank you for accommodating me nicely kanina, kahit na hindi ninyo kilala kung sino ako. Especially, you two."
"Mom, is great at picking a good staff, hon. So, rest assured, that they take good care of all the customers na pumapasok sa shop."
"Napansin ko nga. They're all well-mannered."aniya na binigyang diin ang mga huling sinabi habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalawang babae.
"Paki-ayos na lang 'yong napili niyang damit."utos ng kaniyang asawa sa nag-assist sa kaniya kanina.
Nang maiabot nito sa kaniya ang damit ay kinausap niya ito.
"When is your wedding?"tanong niya rito nang ma-alalang nabanggit nito ang salitang fiancé kanina.
Nagulat man sa tanong niya ay sumagot naman ito sa kaniya.
"Next month po, ma'am."
Bumaling siya sa kaniyang asawa.
"Do you have cheque there?"
Nangunot ang noo nito sa tanong niya.
"I do. Why?"
"I'll be giving her some reward for accommodating me kanina."
Hindi naman nagreklamo ang asawa niya sa sinabi niya.
Nanlaki ang mga mata ng naturang empleyado nang ibigay niya rito ang tseke. Agad din niyang niyakag ang asawa palabas ng boutique at sa isang kilalang shop ng brand ng sapatos niya ito dinala.
Nang matapos sila sa pamimili ay niyaya na niya itong umuwi na. Ayaw pa sana nito dahil nga unang beses nilang lumabas na dalawa. Pero nagpumilit parin siya at sinabing marami pa namang araw na puwede silang mamasyal na dalawa.
Sa malaking bahay sila tumuloy na dalawa. Nang maihinto nang kaniyang asawa ang kotse ay agad siyang lumabas doon at halos patakbong tinungo ang kinaroroonan ng asong si Bruno.
*******
"Never did I imagine na sa isang aso ako magkakaroon ng kakompitensya sa asawa ko."bungad ni Elmer sa kaniyang asawa nang makalapit ito sa kaniya dala ang aso nilang si Bruno."Na-miss ko siya, eh."sagot nito.
"Buti pa ang aso nami-miss."may bahid ng tampo niyang saad sa asawa.
"Sa tingin mo? Bakit ako sumunod dito?"wika nito at nilampasan siyang naglakad papasok sa kanilang bahay.
Babalewalain na sana niya ang sinabi nito nang ma-realized niya kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ng kaniyang asawa.
Unti-unting lumuwang ang pagkakangiti niya habang sinusundan ang kaniyang asawa sa paglalakad.
"Meaning, you missed me kaya ka sumunod dito?"bulong niya sa tapat ng tenga nito nang makalapit siya rito.
Pero kibit-balikat lang ang tangi nitong naisagot sa kaniya.
Muli sana niya itong kukulitin pero biglang sumulpot ang kaniyang mga magulang at sinalubong silang mag-asawa.
"It's good to see you both doing good."saad ng daddy niya nang makita silang dalawa.
"Good afternoon, dad, ma."bati ni Madison sa mga ito.
"Good afternoon, din anak."ang kaniyang mama.
"The table is ready. Let's have lunch now."
Naging maayos ang buong maghapon nilang mag-asawa. He's trying to corner his wife para makausap ito ng sarilinan pero mukhang nababasa nito ang nasa isip niya. Kaya nagpasya siyang ipagpaliban na muna ang plano niyang kausapin ito tungkol sa kanilang dalawa.
Abala ang lahat sa pag-aayos sa malawak na bakuran ng kanilang bahay. Doon kasi nila mismo gagawin ang event para sa death anniversary ng kaniyang abuelo mamayang gabi.
"Are we going to celebrate a grand, real wedding soon, hijo?"
Hindi niya namalayan ang paglapit ng kaniyang mga magulang sa kina-uupuan niyang garden set kung saan malaya niyang nakikita ang kaniyang asawang nakikipag-laro sa aso nilang si Bruno.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago niya sagutin ang tanong ng kaniyang ama. Nakangiti namang nakatingin sa kaniya ang kaniyang ina.
"I need to clear things out between the two of us first, dad."
"Hindi ka pa ba nagtatapat sa kaniya, anak?"ang kaniyang mama.
"I am trying to do it by my actions, ma. Ayukong biglain siya."
"Sabagay."anito ng kaniyang ama. "Slowly but surely, ika nga."
Sa tinuran ng kaniyang asawa kanina ay nagkaroon siya ng pag-asa sa kaniyang nararamdaman para dito. He loves her. And he will do anything para maging maayos ang lahat sa kanila ni Madison. Their wedding contract are nearly on its end. He needs to move and do something to win her.
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )
Romance"I want my woman to be submissive and passionate in bed."bulong ni Elmer sa asawang si Madison. "And you are the opposite of what I want for a bed partner." Ramdam niya ang kaba at tensyon ng babae sa ginagawa niyang paghaplos sa braso nito. He can...