Hindi na nadatnan ni Madison ang asawa pagkagising niya kinaumagahan.
Late siya nagising dahil late na din naman siya nakatulog kagabi. She can't sleep knowing na may isang estrangherong lalaki sa tabi niya kahit pa sabihing asawa niya ito.
She went straight to the bathroom ng makabangon siya at naligo. Pagkakain ng almusal ay agad siyang nagpa-alam kay Jasmin at manang Melly na tutungo siya sa ospital. Ayaw niyang gambalain ang mga tao sa bahay ng asawa niya kaya nag-taxi na lang siya. Dadaanan na lang niya pag-uwi ang sasakyan niya sa bahay nila bago siya umuwi sa bahay ng asawa niya.
Sa opisina ng kaniyang Tito David siya nagtuloy nang makarating sa ospital si Madison. Si Dr. David Velasco ay pinsan ng kaniyang yumaong ina. Malapit siya dito dahil parang anak na ang turing nito sa kaniya. Wala kasi itong anak na babae. Ang tatlong lalaking anak naman nito ay walang hilig sa pagdo-doctor. Si Dr. Velasco ngayon ang acting director ng ospital pagkatapos mamayapa ng kaniyang ina a year ago.
"Madison?!"mulagat na turan ng matandang lalaki pagkakita nito sa kaniya.
"Good morning, Tito David?" masiglang bati ni Madison sa matandang doctor. Agad niya itong niyakap ng mahigpit ng makalapit siya dito.
"It's really you!"Hindi parin makapaniwalang saad nito pagkatapos siyang titigan ng matagal.
"Opo."natatawa niyang saad sa matandang doctor.
"I thought you're still in America, anak?"
Nakagawian na nitong tawagin siyang anak ng matanda.
"Tinapos ko lang po 'yong natitirang tatlong buwan sa unang taon ng internship ko doon. Because, I decided to continue my internship dito mismo sa ospital natin."
"Seriously?!"
"Opo, Tito."
"Then I am happy to hear that, anak!" Muli siya nitong niyakap kapagkuwan.
Noon pa siya kinukumbinsi nito kasama ng kaniyang ina, na sa mismong ospital na lang nila gawin ang residency training niya. Pero tinanggihan niya ang gusto ng mga ito dahil ayaw niyang mabigyan siya ng espesyal na trato ng mga supervising physicians nila.
"Can I ask you a favor, Tito?"tanong niya sa tiyuhin ng maka-upo siya sa visitor's chair sa harap ng mesa nito.
"Anything, hija. Basta ba kaya ko."
"I'm planning to start my internship training next week sana. If you'll allow me. I have all my documents with me already."
"Walang kaso 'yon, hija."agad namang saad ng tiyuhin niya. "Para namang hindi sa'yo ang ospital na 'to.
"Thank you, Tito."aniya. "But, I still have one more favor to ask."
"Before that,"saad ng tiyuhin. Napansin niyang nangunot ng bahagya ang noo nito. "Can I ask you something, Madison?"
Kinabahan siya sa tinurang iyon ng kaharap. Kapag kasi tinawag na siya nito sa kaniyang pangalan ay may ibig sabihin na iyon.
"W-What is it, Tito?"
"Is that a wedding ring you're wearing?"
Agad niyang tinignan ang daliring may suot ng naturang bagay at dahan-dahang tumango sa kaniyang tiyuhin bilang sagot sa tanong nito.
"You're married?! When?! With whom?!"sunod-sunod na tanong sa kaniya ng matandang doctor.
"I got married bago ako bumalik ng America three months ago, Tito."
"You've been married for three months already?! And you didn't even bother to tell me?!" May halong biro sa boses ng kaharap pero alam niyang totoo iyon sa matanda.
"I'm sorry, Tito. Biglaan din kasi ang lahat."
"So, who's the lucky man?" Maaliwalas na ang mukha nitong nagtanong ulit.
"Elmer, Tito. Elmer Lacsamana."
Sa pagbanggit niya ng pangalan ng asawa ay parang may kung anong bumundol na kaba sa dibdib niya.
She's been like this since she met him. Noong makita niya ang lalaki sa unang pagkakataon sa opisina ng bahay nila three months ago, nakaramdam na siya ng kakaiba para rito. And God knows how many sleepless nights she's been through after that stolen kiss he gave her noong pinuntahan niya ito sa opisina nito noon.
May mga emosyong binubuhay ang kaniyang asawa sa kaloob-looban niya na hindi niya matukoy. Emosyong hindi niya mapangalanan hanggang sa ngayon.
"Elmer Lacsamana?! The engineer?!"
Nagulat siya sa nalaman. Hindi niya alam na engineer pala ang asawa niya.
"Y-You know him, Tito?"
"Of course, hija. He's not just popular in business world. Sikat din siya sa mga babae."
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabing iyon ng tiyuhin.
"But, he's a good man. That's I'm certain about. So, don't worry about those woman trying to catch your husband."
That's fine, Tito. Maghihiwalay din naman kami. wika niya isip.
Hindi niya alam kung bakit parang nalungkot siya sa isiping iyon.
"So, what's your other favor, anak?"
"Ahm, pwede po bang night shift ang ibigay ninyo sa'kin, Tito?"
Kaysa sa mapuyat siya sa kakaisip na may katabi siyang lalaki sa pagtulog, mas mabuti nang gugulin niya ang oras niya sa ospital.
*******
"Shit!"
Kanina pa panay mura sa loob ng kaniyang opisina si Elmer.
Hindi kasi mawala-wala sa isip niya ang eksena nilang mag-asawa kagabi. Pero mas tumatak sa utak niya ang hitsura ng asawa, no'ng lumabas ito ng banyo na nakatapis lang ng maliit na tuwalya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa loob ng banyo kagabi. Her porcelain like skin. Her pinkish lips na gusto niya ulit halikan. And those well sculptured legs. Sino ang hindi mag-iinit kung ganoon ang bubungad sa'yo?
Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon ng kaniyang katawan nang makita ang asawa sa ganoong ayos. Never in his wildest imagination na agad siyang makakaramdan ng init sa isang babae ng ganoon kabilis.
"Damn!"muli niyang mura.
Akala niya ay magiging madali sa kaniya ang ganoong set up nilang mag-asawa. Pero nagkamali siya.
Marahang katok sa pinto ng opisina ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Elmer.
"Busy ba ,pare?" Agad na bungad ng kaibigan ni Elmer na si Albert pagpasok nito sa loob ng kaniyang opisina.
"Not really."aniya at parang nahahapong pabagsak na isinandal ang likod sa backrest ng kaniyang swivel chair.
"Not busy pero pagod." Makahulugan ang ngiting ibinigay ng kaibigan sa kaniya.
"I don't like the way you smile, pare."
"Nagka-puyatan ba kayo ng misis mo kagabi, pare?" Nakakalokong kumindat-kindat pa ito ng sabihin iyon.
"Gago!"aniya. "Alam mong hindi ko puwedeng galawin 'yon."
"Ano'ng kaso doon, pare, eh asawa mo naman."
"Alam mo ang dahilan kung bakit kami nagpakasal, pare."
Nagkibit-balikat ito.
"Well, maraming puwedeng mangyari sa loob ng isang taon, Engr. Lacsamana."
"I'll make sure na walang mangyayari, Arch. Montelibano."
"That's too soon for you to say."
Napailing na lang siya sa sinabi ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 4: Elmer Lacsamana ( The Marriage Contract )
Romance"I want my woman to be submissive and passionate in bed."bulong ni Elmer sa asawang si Madison. "And you are the opposite of what I want for a bed partner." Ramdam niya ang kaba at tensyon ng babae sa ginagawa niyang paghaplos sa braso nito. He can...