UNEDITED VERSION OF ILYS1897 CHAPTER 1

298 5 0
                                    

(center, bold) CHAPTER 1
Weng Tiempo POV
(June 06, 2022. Monday)
Pagka-tapos naming kumain ay pumunta na kami ni kigs sa univ. Nasa harap kami ngayon sa "Estanton Library-Museum. " Oorientin ang lahat ng Grade 11 kaya lahat ng mga grade 11 old and new sa kahit anong Strand ay nandito.

"Bago kayo pumasok ilagay niyo muna ang baggages niyo sa counter and strictly no eating and drinking and please observe silence. You know this is a museum and a library at the same time at yung mga kuya at ate niyo na college ay nandito to do their research. " ani nung prof na si Miss Solar, Solar Moon charot—siya ang prof sa specialized subject namin na " Historio de Estanton" pinag-aaralan dito ang history ng mga Stantons at yung mga achievements at mga churvaeks nila. Sumang-ayon naman kami at nag-comply sa sinabi niya dahil sa classroom ay may batas.

Pagpasok mo ay agad mong makikita ang mga libro at computers na naka-arrange ng maganda kahit saan at may pa-second-second floor pa ito katulad ng sa Beauty and the Beast at yung room ay modern at ang cool ng ambiance at yung mga college ay busy sa mga ginagawa nila na para bang hangin lang kami at ang tahimik, ito yung first portion ng room ang library at sa bandang dulo ay may makikita kang doorway at pagpasok mo dito ay ito na yung Museum.

Pagpasok namin dito ay as in mapanganga ka talaga sa ganda. Yung walls ay halatang renovated at yung style nung room ay pang-espanyol. Maraming mga sinaunang paintings at portraits na nakasabit sa mga walls. Hinablot ko ang braso ni kigs para matignan ito ng malapitan. At wow, mga original paintings ito at may red cloth pa na barrier para di kami masyadong maka-lapit dito. Obvious na protected ang mga ito.

"Ang ganda dito, naka-punta kana dito dati?!" tanong ko kay kigs.

"Grade 7, pero wala akong time gumala dito" sagot niya habang ang atensyon ko ay nasa ilang kagamitan na nasa loob ng glass box.

"Hmmm... Kung ako sayo gagala talaga ako dito everytime." ani ko at pinisil lang niya ang ilong ko at ngumisi.

"As you can see everyone. Everything here is original the heirlooms and everything at lahat ng ito ay pagmamay-ari ng mga Stantons kaya walang karapatan ang Philippine Government na angkinin ito dahil this is is a hereditary possessions na minana ng mga Stanton, generations to generations. " ani Miss Solar.

Di ko namalayan na napunta na pala kami sa isang hall kung saan si Miss Solar ay naka-tayo sa mini stage at may something sa likod niya na tinakpan ng pulang makapal na tela. Ito na pala yung dead-end nag museum at may magandang-sinaunang chandelier na naka-sabit sa taas na siyang nagpapa-ilaw ng hall.

"I'll give you the time to discover everything but first let me show you one thing, —the important one" ani Miss Solar.

Tumalikod siya at dahan-dahang tinanggal ang pulang tela. Nang nasa sahig na ang tela ay namangha kami sa nakikita namin. Isa itong pure gold na statue ng isang babae na naka-Maria Clara at kahit statue ito halatang mahinhin ito at napaka-ganda. Natalo ang fess ko besh.

"She was the daughter of Don Anecito Estanton and Doña Rosalinda Estanton. She was known to be the most beautiful, most brilliant, most graceful, and every praises and titles ay pasok siya. The binibini of all binibini's, she is Binibining Kathrina Victoria Angela Estanton famously called as  Kath or Kathrina Estanton in her time. And she is the first heiress of the Stanton possessions... "

"...and in your research paper. I want you to discover her life and cite out the vital things that happened during her days. Specially when she was known for being the Mysterious Señorita in her time. Group yourselves into three regardless of strand. " ani Miss Solar, yung iba dismaya dahil may research paper agad pero mabuti at may freedom kaming pumili ng makasasama sa research.

Hinawakan ni kigs ang kamay ko at ngumisi. Alam ko kung anong ibig sabihin niya. At of course, gusto ko rin siyang maging groupmate lalo na at ang talino ng mokong nato mahina nga lang ang common sense.

Tatlong Erfo and Me [BXB/BL] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon