Dann Alexander's POV
Dali-daling pumasok ang mga nurses at doctor. "Saan yung pasyente dito?!" tanong ni ate Faye sa kanila.
"This is impossible, walang namang naka-schedule sa kanya. We will check the security po. Agad-agad Miss Stanton!" ani ng doctor.
"Sasama na kami!" ani ni ate Faye at sininyasan niya ako. Pumunta naman kami sa security office at tinignan ang cctv footage sa ward ni Arch.
Habang naka-tingin kami sa cctv, naka-upo lang si Arch sa kama niya habang nanonood ng tv, maya-maya ay may lalaking naka lab gown at naka-mask na may dalang wheel chair ang pumasok sa ward niya. Kinausap nung nurse si Arch at maya-maya ay tinakpan nung nurse ang bibig ni Arch ng isang panyo at agad namang nawala ang malay ni Arch. Napatakip naman ako ng bibig. Agad naman inilagay ng nurse si Arch sa wheel chair at may ipinakita pa itong papel at inilagay sa bed ni Arch at pinatungan ng unan. Lumabas na sila sa ward hanggang makalabas patungong exit at nahagip pa namin na isinakay si Arch sa isang itim na kotse at umalis na sa hospital.
Tumulo na naman yung mga luha ko at nakitang kong pulang-pula si ate Faye sa galit.
Tumawag naman agad ng Investigation yung doctor at papunta na raw ang mga pulis. "What's the purpose of your security here Dr. Lhoy, ba't ngayon pa kayo pumalya. We've entrusted this hospital for years at sa pamangkin ko pa nangyari ang ganto?!" ani ate Faye.
"Hindi namin nurse yung nurse na yun- - -" ani ng doctor pero nagsalita naman si ate Faye.
"Of course, sino ba namang tao ang nagtratrabaho dito na iaabduct si Arch sa sariling niyang workplace. It must be someone close to him or close to someone with him!" ani ni ate Faye.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at biglang napatayo. What if kung si Kyle to?! Hi-hindi to pwede, ngayon lang siyang nag paramdam ulit." Is there something wrong Dann?! " tanong ni ate Faye.
"Diba may iniligay siyang papel sa ilalim ng unan, kailangan kong makuha yun!" ani ko. "Right, sama na ako!" ani ni ate Faye at nagtungo na kami sa kwarto ulit ni Arch.
Agad kong kinuha ang papel sa ilalim ng unan at binasa ang nakasulat dito.
"If you want to see him. See me!" lumapit naman si ate Faye at nagtaka.
"Is that a riddle?!" ani niya. Nanginig naman ang tuhod ko at biglang napaluhod sa sahig at tumulo ang mga luha. Alam kong si Kyle to. Hindi to pwede bakit nang damay pa siya.
"Dann, what's happening?! May alam ka ba kung sino to?!" tanong niya at inalalayan akong tumayo.
Ngumango naman ako at humarap sa kanya. "A-ako ang tinutukoy niya!"
"So you know that nurse in disguise?!" nanginig ako sa tanong ni ate Faye. Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok suna Seth at Sean.
"Nasan na si Arch?!" biglang tanong ni Seth at lumapit samin.
"Dann!" ani naman ni Sean at yumakap sa akin. Nakita niyang tumulo na naman ang mga luha ko at pinahiran ito.
"I know na this someone ay iisa lang. I clearly remembers the guy that abduct you in the univ, sa camping, and this time ay iisa lang!" ani Sean.
"You must really tell it to us da great para matulungan ka namin. How can we help if ayaw mong magpa-tulong!" dagdag naman ni Seth.
Sasagot sana ako sa kanya ng biglang tumunog yung phone ko. Nag excuse ako para basahin ito. Pumunta ako sa gilid kung saan malayo-layo sa kanila bago ko binuksan ang message.
" Alam kong kausap mo sila ngayon, If you want your lovely boyfie to be safe. Pumunta ka sa univ dun sa pinaka-taas na building alam kong alam mo yun. Don’t ever tell them neither police. Kundi goodbye!" yun yung nabasa ko na nagpatindig balahibo ko.
Tinignan ko sila at alam kong nag-alala na sila ngayon tungkol kay Arch. Pina-trace na nila ang sasakyan sa mga police pero wala pang mga result.
Alam kong ako lang ang susi sa problemang ito dahil problema ko naman ito. Pero wala akong maisip na allibi para makatakas sa kanila.
"Okay, kalang Dann?!" tanong ni ate Faye.
Yumango naman ako at biglang nahimatay. Naramdaman kong binuhat nila ako at ihiniga sa bed. "Wag kang mag-alala da great. Kami na ang maghahanap kay Arch. Just stay safe here!" ani ni Seth at lumabas na silang tatlo.
Sorry guys, pero sasabihin ko nalang ang totoo pagna-solusyunan ko na ito. Sorry kung gagawa na naman ako ng kagaguhan ngayon. Sorry kung nagsinungalin ako. Ayokong marami pang tao ang madamay dito.
Hindi talaga ako nahimatay at inacting ko lang iyon baka gumana at gumana naman talaga. Nung mapansin kong wala na sila ay agad akong tumayo sa kama, at nag masid kung nandiyan ba sila sa tabi-tabi. Nang maramdaman kong wala na sila ay agad akong lumabas ng hospital at nag para na ng taxi.
Mabilis naman akong pumasok sa taxi at sinabihan ang driver sa distinasyon ko. Nag dalawang isip pa siya kasi wala ng tao sa mga paaralan sa mga gantong oras pero binaniwala ko lang siya at sinabihan na pakibilisan ang pagdrdrive.
Pagkarating ko sa Univ nakita ko ang guard na natutulog. Lumapit ako sa kanya at ginising ko siya pero hindi siya nagising. Napansin ko naman ang kape sa desk niya at inamoy iyon. May pampa-tulog ang hinalo sa kape niya. Napansin ko namang bukas yung gate at pumasok na dun.
Isa lang ang pinakamataas na building dito sa univ. at alam kong ang science building lang ito at may rooftop pa. Mas malaki yung chance na nandun sila sa rooftop na yun.
Binilisan ko ang pagtungo sa sci. building. Bukas nga ang main door at agad na akong umakyat sa hagdan. Hingal na hingal at napapapagod na ako pero hindi ko ito pinansin.
Arch malapit na ako. Hintayin mo ako. Mahal na mahal kita. Patawarin moko. At tumulo na naman ang mga luha ko.
VOTEE😚😚
BINABASA MO ANG
Tatlong Erfo and Me [BXB/BL] ✅COMPLETED
Fiksi RemajaLiving in the house of three arrogant boys was never easy. It may sound cliché but those three fall in love with me. Ayyyyiiieeuuutttt hahaha. Aspirant for Watty's 2020 under LGBTQ+. A teen-fiction, romantic-comedy, action, BoyXGay story. [☑️ ELIGIB...