Chapter 11

2.7K 98 0
                                    

Dann Alexander's POV

HANGGANG ngayon di parin maka recover si Seth dahil kanina. Ayan ang napapala ng mga pakboy hahaha.

"Yan kasi eh. Ano Seth, maganda ba ako?!" tanong ko sa kanya at namula naman to. 😊

"Eew, the heck your talking about sabon?!" biglang ani ni arch.

"None of your business po!" sagot ko sa kanya. Nasa harap na kami ng gate sa University at tanaw ko best friend kong si Chen na nag aantay sakin sa labas. Umuna na akong lumabas sa kanila. Ayokong pinagtutuunan ako ng pansin lalo na't mga sikat tong mga oso na to dito sa school.

Kinawayan ko naman si Chen at nakita naman niya ako.

"Meron kabang di sinasabi sakin?!" ito agad yung pangbungad niya sakin.

"Ano?!" tanong ko.

"Ba't ka lumabas galing sa sasakyan ng mga Stanton?!" tanong niya.

Ay futa, diko pa pala shinare kay Chen na nag tratrabaho ako sa kanila. Habang nag lalakad kami, dun ko na pinaliwanag ang lahat.

"Woow? As in ang swerte mo!" yun yung salita na lumanas sa kanyang labi.

"Oo kaya, pinag titiisan ko ang mga ugali nila" sagot ko sa kanya.

"Naku, mag ingat ka lagi sa kanila Dann. May narinig kasi ako na, maraming mga binuntisan ang mga yan tas pinalaglag lang. Yung ilan nga mga maids lang nila" ani ni Chen. Inaamin ko natakot rin ako sa sinabi niya. Alam na ni Chen ang lahat sa past ko at bilang kaibigan niya kinokomfort niya ako lalo na kung ang pag uusapan ay tungkol sa sex.

"Ipagdasal moko Chen" ani ko.

"Gaga kaba? Ano ka mamatay?!" galit niyang tugon.

Hindi ko pa sinabi sa kanya na nandito si Kyle. At siguro kung malalaman niya yun di na niya ako tatakasan ng tingin. Over secured kasi sakin tong si Chen kaya mahal ko siya eh as a friend.

"Sige una nako!" pagpa paalam niya dahil sa ibang building pa siya papasok at umakyat naman ako ng hagdan dahil nga second floor payung classroom namin.

Pagpasok ko sa room normal lang naman. Walang echoss, walang ganap at umupo na ako sa silya ko.

Tumayo naman kami ng biglang pumasok ang adviser namin.

As usual we greet her. "Dahil July na next week. The faculty and staff are planning to have a one week camping!" sabi ng adviser namin, nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa. Sino ba naman kasing di matutuwa eh walang klase pag camping diba??

"This camping is about survival, there we gonna teach you how to survive in a forest, cure a wound and etc.!" dagdag paniya. Sounds exciting ah, naku gusto ko pa naman ng mga adventure.

Pagkatapos ng mga discussions namin umuwi na agad ako ng bahay. Nag jeep nalang ako kasi gusto ko ng mag handa para sa camping nayun.

Mga damit, toothbrush, sabon tuwalya at iba pa ay inihanda ko na sa bagahe ko. Hindi kasi ako nakaranas ng boyscout o redcross sa tanang buhay ko kaya I will take this opportunity.

Lumabas ako sa kwarto na may ngiti sa labi at nakita ko naman ang tatlo sa sala na naka upo sa sofa.

"May camping diba? Ano sasali kayo?!" tanong ko sa kanila.

Bagot lang yung mga mukha nila.

"Nakakatamad" ani ni Arch.

"Ewan ko" ani ni Seth.

Napatingin ako kay Sean at di siya nag sasalita.

"Bahala kayo, kayo lang matitira dito kasi ako. Sasali ako dun!" sabi ko sa kanila na nagpa-laki ng mga mata nila.

"What?! Are you fucking serious?!" galit na tugon ni Arch. Heto na naman tong gago nato.

"Hindi pwede, binayaran ka ni grandma para bantayan kami at pakainin kami. Kaya dito kalang you will stay. Walang sasali! Understood?!" sigaw niya at umakyat na sa kwarto nila.

Diko alam anong problema niya. Bad mood naman siya parati.

"Da great, matutulog na ako. Goodnight!" ani ni seth. 6pm palang naman ah?

"Di kayo kakain?!" tanong ko.

"We ate in a restaurant. Feed yourself nalang" ani ni Sean. Sa wakas nag salita na ito at umakyat sa kwarto nila.

Nag luto ako at kinain ko yun mag isa. Tama nga si Arch. Binayaran ako ng lola nila para bantayan sila. Diko dapat iniisip ang mga gusto ko.

Napahiga ako sa kama. I feel sad. Very sad ng may nadinig akong bulungan sa kabilang kwarto. Tumayo ako at idinikit ang tenga sa wall. Diko alam pero parang may pinaguusapan sila. At parang tuwang-tuwa pa yata.

"Hahaha kita niyo yung reaction niya? Nakakatawa yun." alam ko kung sino to eh. Si Arch to.

"So what's your plan bro?!" putang ina, boses to ni Sean.

"Pagtritripan mo na naman si da great? Gago! Sali ako hahahah!" boses to ni Seth.

Walang hiyang mga osong iyon. Ano na naman mga trip nila sakin?

VOTE PEOPLE! 💖

Tatlong Erfo and Me [BXB/BL] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon