Chapter 34

2.2K 72 0
                                    

Dann Alexander's POV

"Okay ka lang?!" tanong ni Chen.

"Oo naman, bakit naman hindi?!" sagot ko.

"Yung nakaraang mga araw kasi lutang na lutang ka!" ani niya.

"Ganun? Hahaha" ako.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari sakin, yung tagpuan namin ni Kyle sa camping, yung nalaman ko tungkol kina Gloelsa. Ang saya naman ng buhay ko. 🖤

"Minsan hindi maganda ang nauuna pero alam kong sa huli mas maganda pa ang mangyayari kaysa sa inaakala natin" ani chen.

"Ganun?!" ani ko at tumawa.

Bigla namang tumunog yung bell at pumunta na ako sa classroom namin. Nagpaalam na ako kay Chen at siya rin.

As usual, discuss discuss, kain sa caf. balik klase tapos uwian.

Papunta na ako ng gate ngayon kasi nga uuwi na ako. Mag jejeep nalang ako, wala pa kasi sina Seth. Sanay pa naman akong hantid-sundo nila hays. Iba talaga yung pakiramdam pag nasanay kana sa isang bagay. 😔

Habang naglalakad ako biglang bumuhos ang ulan. Sheeetttt huhuhu ☔

Basang-basa na ako ngayon, wala pa namang masisilungan dito. Wala na akong magawa kundi ang magpatuloy sa paglakad sa boulevard.

Maya-maya may naramdaman ako sa may likod ko na tumatakbo pero diko to nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap mula sa may likuran ko, nakagapos ngayon ang mga braso niya sa may tiyan ko. Napatigil naman ako sa paglalakad at bigla siyang nagsalita.

"I Love You, sabon" biglang lumaki ang paningin ko at bigla ko siyang tinulak.

"Ho-hoyy anong pinagsasabi mo?!" tanong ko sa kanya.

"Sabi ko I love you!" ani niya. Totoo ba to? Ang bilis ng tibok ng puso ko, di ako makahinga.

Imbis na mag salita ako, tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Lols, biro lang yun hay naku. Wag ka ng umasa.

I don't get boys, hindi bola ang Love. Hindi nilalaro ang love.

"Iiwan moko? Well, basa rin naman ako. Sasabay nalang ako sayo!" sigaw niya.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko pabalik ng hindi siya tinitignan.

Bigla naman siyang lumapit at kinuha ang braso ko at ginapos sa braso niya. Pilit kong tanggalin ang mga braso ko pero ang lakas niya kaya pinabayaan ko nalang siya.

"Arch, ang daming naka-tingin satin. Nakakahiya!" bulong ko sa kanya.

"I don't care, ang importante hawak ko ngayon ang mahal ko" ani niya na nagpa-kilig sakin. It makes me blush. ☺️

"Loooool, lalaki parin ako Arch. Wala kang makukuha sakin" aniko. 

"Ano naman ngayon? Wala naman akong kukunin sayo kundi yang puso mo!" sagot niya.

"Ulol, wag ganon" ani ko at nag fake laugh.

"Seriously, hindi naman ako ganito sabon. Pero nung dumating ka ang daming nagbago sakin, nung nawala ka I felt like there's something missing sa buhay ko" ani niya.

"Hahaha, ang kyuutt. Otot mo Arch, wag ako!" ani ko.

"I bet you know na ganun din ang nararamdaman nung dalawa kong pinsan. I won't rush you pero I will show you how much I love you." ani niya.

Napatahimik ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. They have the mutual feelings para sakin at ako rin sa kanila. Pero pano? Tatlo sila, isa lang ako. Gulong-gulo na ako. Dumagdag pato hayss.

" Gulong-gulo na ako sa buhay ko Arch. Pero I think it wasn't love but sympathy" Kumiwalas na ako sa braso niya at umuna ng lumabas sa gate.

VOTE❤️

Tatlong Erfo and Me [BXB/BL] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon