Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..
Happy reading
------------------------
Rin's Pov
"Hi pres, eto nga pala yung bayad ko sa mini research" ang sabi ni Miya sabay abot ng isang libo...Alam ko masyadong malaki pero para sa kanila barya lang yan, masamang tumanggi sa grasya kaya agad ko itong tinanggap
"Thank you Miya, sabihan mo lang ako kung may projects ka uli, akong bahala" ang nakangiti kong sagot dito
"Uwaa ang kyut mo talaga pres, pwede bang ikaw nalang ang gawing project ko?" Nagulat naman ako sa sinabi niya, huh pano naman ako magiging project?
"Pano naman ako magiging project mo?" Actually maganda naman talaga tong si Miya kaso may pagka weirdo lang minsan
"Oplan project, gawin kang boyfriend Kyaahhh" ang tili nito sabay kawit ng kanyang malalanding galamay sa braso ko..Ew di tayo talo fre..
"Hoy miya, tanggalin mo nga yang kamay mo sa braso ng babylabs ko kung ayaw mong putulin ko yan at gawing pulutan" ang biglang sabat ng isang boses, nakita ko si Ivan na mayabang na naglalakad patungo sa direksyon namin...Mukha talaga siya kung sinong siga kung maglakad..
"Hi babylabs, what are you done?" Ang sabi nito sabay upo sa upuan na nasa harap ko..
"Putek, seryoso kabang second year college ka na? Correction, It's what are you did, NOT what are you done, mygahd ayban, you're gettin into my nerves" ang sagot ni miya dito..Tiningnan lang siya ni Ivan ng blangko bilang sagot tsaka ulit binalik ang tingin sakin at ngumiti..Moody amp.
"Tumahimik nga kayo! Parehas kayong mali, it's WHAT ARE YOU DOING, NOT 'what are you done or did..yung Done is past participle ng do habang yung Did naman ay past tense ng do, DOING is the right term dahil present tense ito" ang sagot ko sa kanila
"Ah eh hehe iniba na pala? Tsaka grabe ka Pres, ang witty mo talaga, inexplain mo pa samin, mygash I feel honors" ang sabi ni miya na ikinailing ko nalang..Sayang ang babaeng to
"Matalino talaga yang babylabs ko, kaya nga niya nakuha ang puso ko eh" ang sabat naman ni Ivan..putek ayan na naman po siya sa mga corny(ng) banat niya..I want to puke!!gwarrckkk
oy hindi pu-ke na ano ng babae ah? Yung puke as in pyuk na sumuka, aish vomit na nga lang..Wag niyong sabihin na kahit yun di nyo din alam?
Vomit
1: to disgorge (the contents of the stomach) through the mouth
2 : to eject violently or abundantlyAyan! Nilagay ko na yung definition..
Thanks mareng Merriam (merayam)
"Ang cheesy mo dude, alam mo Ivan, kung di kalang gwapo iisipin kong napaka jeje at old fashioned mo..My gahd ang corny mo to the max, dynamite, snow bear, white rabbit, kendi mint and everything" ang nandidiring sagot ni Miya..hindi naman halatang hate talaga nila ang isa't isa no? Ewan ko ba diyan sa dalawang yan, parehong class prince and muse pero kahit kailan diko narinig na nagkasundo sila sa isang bagay, kung diko lang kaibigan ang dalawang to baka matagal ko nang inisip na may something sa kanilang dalawa..ok lang din, bagay naman sila..Parehong gwapo at maganda
"Shit Miya, wag ka ngang sumagot kung di naman ikaw ang kinakausap, tsaka pake mo ba kung corny ako? Bahala na ang corny at least totoo naman..Diba babylabs?" Ang baling ni Ivan sakin sabay taas baba pa ng kanyang makakapal na kilay..
BINABASA MO ANG
Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)
RomanceHighest rank #5 @m2m category as of 081020 Warning *mature content ~Read at your own risk