Chapter 13

4.1K 119 6
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

Latang lata at wala sa sarili kong binabaybay ang pasilyo patungong classroom, araw ng lunes kaya balik eskwela na naman, halata sa mukha ko ang pagod at puyat pero hindi ito naging sagabal para umabsent...Prioridad ko parin ang studies ko kaya hanggat kaya pa ng katawan ko papasok ako..

Nagtataka ba kayo kung bakit ako puyat? Well, sino ba namang di mapupuyat kung alas 3 ka na ng umaga nakatulog, ayaw ko sanang mang-point out o mangsisi ng iba pero kasalanan to ni Kuya Den e, kung hindi niya sana ginawa yung kahapon hindi sana ako naguguluhan ngayon at mapupuyat, nakaka frustrate lang dahil kahit anong waksi ko sa isipan ko sa nangyari kahapon ay paulit ulit lang itong nagrereplay sa utak ko na parang isang sirang plaka....

Yung pagyakap niya, yung paghalik,
Lahat yun bumabagabag sa kailaliman ng isip ko.
diko na alam anong dapat mararamdaman...Sobra na akong nahihirapan at nalilito....

nalilito kung sino sa inyo oh, oh

Waley



Nakayuko lang ako habang patuloy padin sa paglalakad ng biglang


Blaaaggggggg


Napaupo ako sa sahig ng hallway ng maramdaman kong bumangga ako sa isang matigas na bagay...
Shi- ang sakit ng pang upo ko...

"Ok ka lang ba?" Ang nagpabalik sakin saking wisyo, malalim ang boses nito at ng tingnan ko ay diko maiwasang mapaisip ng makita ang kanyang mukha, is it just me o parehas kami ng kulay ng mata? Ocean blue, I thought rare yung ganitong eye color?

"Ah- o-opo, ok lang po ako" ang sagot ko dito, gaya ko, kita kong titig na titig siya sakin na para bang kinikilatis niya ang buong hilatya ng pagmumukha ko...Napatayo ako pero maagap naman niya akong inalalayan..

"I'm really sorry, It's my fault" ang sabi ng lalaki, sa tingin ko may lahi siya, ang puti niya kasi tsaka ang laking mama, parang nasa mid 40's o 50's na siya pero mababanaag padin dito ang kakisigan at kagwapuhan nito...


"H-hindi po sir I mean No sir, It's clearly my fault because I'm not looking on my way" ang paghingi ko ng paumanhin dito sabay bow...
Pag-angat ko ng tingin ay diko maiwasang maguluhan ng nakangiti ito....


"Ang bait mo naman, what's your name?" Ang tanong nito sakin...nagulat ako ng marunong naman pala itong magtagalog


"R-rin po" ang sagot ko naman dito....hindi ko alam pero naiilang na ako sa mga titig niya, tsaka parang napakapamilyar ng mukha niya, hindi ko alam pero parang may kung anong kakaiba sa kanya...


"Hi Rin, I'm Walter Farkenson, nice to meet you" ang pakilala nito sabay lahad ng kamay..Nagdadalawang isip man ay tinanggap ko ito...ng sandaling magtama ang mga kamay namin ay parang may kung anong kakaiba ang dumaloy sa sistema ko...Yung parang lukso ng dugo? Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang parehas kami ng nararamdaman...


Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon