Chapter 16

3.2K 86 19
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

It's been 3 days since nangyari ang enkwentrong yon, after nun ay parang biglang nagbago ang lahat..
He changed..


Yung tipong kahit hindi niya sinasabi pero ramdam ko sa sarili ko ang pagbabago niya, He became really hot headed, he gradually loses his temper which is not his usual self,
Napapansin ko din na lagi niya akong iniiwasan, everytime nagkakasalubong kami ay nilalagpasan niya lang ako, as if I did not exist..Hindi narin niya ko kinakausap, last talk namin was nung pinasukatan kami ng suit na sususotin para sa birthday party niya at alam niyo kung anong sinabi niya?

"You should invite your boyfriend at my party, ipakilala mo sya kina mama, hindi yung ITATAGO mo lang siya at kami pa ang hihintayin mong makaalam na MAY BOYFRIEND KA NA PALA" and after that he scoffed....Sa sobrang sakit hindi nalang ako sumagot..alam ko ang iniisip niya, na all this time ay nagsisinungaling ako na May boyfriend ako pero kung alam mo lang ang totoo kuya..Kung alam mo lang...Alam ko namang pwede kong itama yung iniisip niya samin ni Ivan pero ewan ko ba at hindi ko sinabi..
What for? Ok narin siguro yon, dahil dun natauhan ako na wala talaga siyang nararamdaman sakin...I'm hopeless...

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at bakit niya ginagawa yon pero all I know is masakit...Nasasaktan ako..

Hindi kasi ako sanay na ganun yung treatment niya sakin, he's always gentle and sweet, and thoughtful towards me, he always approach me and asks me every second every minute if I'm doing ok or not, he would check me in my room and have a small talk with me, he would fetch me to school while were both happy talking some random stuffs, we would have dinner if may spare time kaming dalawa, we would bond like we always do....But now?
He changed.....


"Ahm Rin? Let's gora na, We should go early sa hotel dahil aayusan ka pa namin" ang sabi ni Ate Mari, short for Mariposa...Babae siya pero mas bakla pa siyang kumilos at magsalita minsan sakin..

Ngumit at tumango lang ako dito...Ako nalang ang naiwan sa bahay dahil nauna naraw sila Tita at Tito sa hotel kung san gaganapin ang  venue para sa grand 22th birthday ni Kuya....And speaking of him? Nasa bahay daw ito nila Isabelle, well ano pa nga ba? Syempre susunduin niya yon dahil yun ang date niya sa espesyal na araw ng buhay niya..
How romantic...*rolled eyes with an ampalaya smile


Yes tama kayo ng nabasa, It's Kuya Den's birthday today, pero kung noon excited ako para sa kanya at masaya, hindi ko alam kung bakit hindi ko mahapuhap sa loob ko yon, masaya ako dahil dinagdagan pa ni Lord ng another year ang buhay niya pero hindi ko alam kung kasing genuine ito ng dati..Hindi ako excited dahil ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon..

Pumasok na kami sa pinadalang kotse ni Tita kasama ang glam team na mag-aayos sakin..charot glam team talaga? Aish basta, kanya kanyang trip to walang basagan..

After 30 minutes ay narating nadin namin ang malaking hotel, as in sobrang laki, mga nasa 40+ floor yata to sa tantiya ko..Kung hindi pa sinabi sakin ni ate Mari na isa ito sa pagmamay-aring hotel nila Tita hindi ko pa malalaman...I have no Idea na ganto pala sila kayaman...

Pumasok na kami sa loob ng hotel at kataka-takang binati din kami ng mga staffs, well alam kong guests kami pero kakaiba kasi yung approach nila samin, napaka friendly and sweet..nginitian ko naman ang mga ito

Pumasok kami sa isang elevator at may pinindot na floor si ate, pagkatapos ng ilang minuto ay nakalabas nadin kami sa elevator, napalingon lingon ako sa paligid and I can't help but to feel wow dahil ang ganda ng interior..Napaka detailed and sa tingin ko isa ito sa mga sikat na 5 star hotels dito sa Pilipinas..


Narating na namin ang lobby at nakita kong pumasok si ate Mari sa kwartong may kulay pink na pintuan kaya sumunod naman ako dito..Pagpasok ko ay nagulat ako ng makitang ang ganda sa loob...Pink, gold, and white ang motif kaya napakaaliwalas ng view..May mini living area pa, may cushion na kulay white sa gitna with throw pillows covered in pink pillow cases na may fur...Nakita ko sa isang tabi ang napakalaking salamin, yung parang sa mga celebrity, may ilaw sa gilid and everything..Hindi ako yung tipong bakla na mahilig sa make up, swear to god kahit simpleng brand wala ako ni isang alam..Kaya diko maiwasang ma-igno ng makita ang mga kagamitang inilalabas ni ate, may kinuha siyang malaking metal attache chase at ng buksan niya ito ay Wow! Isang complete makeup set..

"Welcome to my sweet little haven Rin" ang rinig kong sabi ni Ate Mari..Ngayon ko lang naappreciate ang kulay pink, among the colors ito kasi yung least favorite ko, kung sa ibang beks in love sila sa kulay pink dahil it signifies beauty, sophistication and elegance kasi nga parang barbie ka pag naka pink ka diba? Pero para sakin hindi ko talaga  siya gusto, usually black and white lover ako...Gothic pero classic...


"S-sa inyo po lahat to ate?" Ang mangha kong sabi...

"Yaz nemen! Haha ganda diba?" Sagot ni ate Mari

"Opo" ang nakangiti kong sagot..


"Oh siya upo ka na dito dahil ikaw naman ang pagagandahin ko" ang sabi nito sa maligalig na boses, nahihiya naman akong tumawa dito

"Ahm hehe nagbibiro lang kayo ate diba?" Sagot ko, hindi ko maimagine yung adjective na maganda ang gamitin sakin..Lalaki ako for pete's sake, baliko nga lang...Pero logically speaking, I still have kcid (dick) as what other males have kaya yah! Lalaki padin ako...^_^

"Ikaw lang talaga yung kilala kong bading na maganda pero hindi alam na maganda siya" ang sabi nito, hala ako? Maganda? Pft...


"Ate naman e, kahit bakla po ako hindi ko naman bet magpaka feminine" no offense to others tho' mahal ko ang kahit anong uri ng third sex, mapafeminine man yan to masculine ok na ok ako diyan, support ko kayo as long as wala kayong tinatapakang tao

"Oh sya sya, pero hindi moko mapipigilan sa gagawin ko sayo, maganda ka talaga Rin, hindi bagay sayo tawaging gwapo, kyut pwede pa pero majority ng features mo nabibilang sa maganda" ang sabi ni ate Mari habang hawak hawak na ang mukha ko at marahang sinisipat...

"Diba guys maganda si Rin?" Ang tanong ni ate sa glam team niya..Isa isa naman itong nagsitanguan..


Ewan ko nalang...Hays


"Shall we start?" Ang sabi ni ate Mari...


Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ko at tiningnan ang mukha ko dito..palihim na hinahanap ang gandang sinasabi nila pero diko talaga mapansin e, ahaha


"Kayo napong bahala sakin ate, simplehan niyo lang po a?" Ang sabi ko dito....naniniwala kasi akong simplicity is elegance, natutunan ko yan kay Laine, isang character dun sa binasa kong story sa wattpad na ang title ay His Androgynous Bestfriend...kaasar nga yung author e, ang tagal tagal mag-update nakakapunyeta haha..


"Oh no dear! You will not order me what to do! Akong bahala sayo kaya all you need to do is sit back, relax and be amazed" she said habang sini-sway niya ang kamay niya sa ere, after that she squeaked.

Kinakabahan man ay napatango nalang ako dito, Oh lord kayo napong bahala sakin....





-----------------------------------------
End of Chapter 16


A/n; Sabi sa isang fun fact na nabasa ko sa internet, bobo raw sa pag-ibig yung mga matatalinong tao, kung anong kinagaling nila sa anong bagay ay ang ikinabobo naman nila pagdating sa larangan ng love..
No wonder ganun si Rin...

Anyways pissss po tayo sa previous chap ahaha..Apakapabebe nila no? Bat kaya di nalang sila
mag-aminan nalang para tapos na? Pero since gusto ko pa kayong makasama ng matagal, pahahabain ko muna....Charoot..

Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon