Chapter 11

4.5K 127 15
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

Araw ng linggo kaya napagdesisyunan kong magsimba, hindi dahil para mabawasan ang mga kasalanan ko kundi para magpasalamat sa Panginoon, nakasanayan ko na talaga ang magsimba tuwing linggo dahil nung buhay pa si mama ay ito yung laging bonding namin, linggo din kasi ang off niya kaya malaya naming gawin ang mga bagay na gusto namin, andiyan yung pagkatapos magsimba ay kakain kami sa isang fastfood chain, pupunta sa park tapos bibilhan niya ko ng paborito kong cotton candy at buko juice..Ipapasyal sa mall tsaka bibilhan ng kung ano ano, yung mga simpleng bagay lang pero para sakin ay napakahalaga nito..

Kung sana naging mapagmasid lang ako, di sana maaga kong nalaman na may dinaramdam na pala siyang sakit, edi sana buhay pa siya ngayon..Haisstt mama, miss na miss ko na po kayo...Kung nasan man kayo sana lagi niyo po akong bantayan parati...


Lumabas nako ng kwarto tsaka bumaba, naabutan ko ang magpamilya na kumakain ng breakfast, including him na ngayon ay matamang nakatitig sakin.
Hindi ko siya magawang titigan dahil ewan ko ba, nahihiya? Siguro...
kaya kina tita nalang ako tumitig

"Oh dear andiyan ka na pala, Come join us for breakfast" ang aya ni Tita

"Oo nga Rin, halika na" ang nakangiti namang bungad ni tito dudes..Marahan lang akong tumango tsaka tumabi sa upuan ni Kuya Den, yun lang din kasi ang malapit sa pwesto ko, alangan naman lumipat pako ng mas malayo eh may malapit naman, baka ano pang isipin nila tita...

"Oh nakabihis ka ata? Magsisimba ka?" Ang tanong ni Tita

"Ah eh opo Ta" ang sagot ko dito

"Hay ang bilis nga talaga ng panahon, nung una kalong kalong ka pa lang ni Ate sa tuwing magsisimba kami pero now, kaya munang pumunta ng simbahan mag-isa, I'm sorry Rin ah? As much as Tita would like to go with you pero I can't....for now..Andami ko pa kasing papers na kailangan e-sign" ang sabi ni Tita Monette showing her apologetic look

"Okay lang po Ta, I fully understand naman po" ang sabi ko tsaka nagpatuloy nalang sa pagkain..

Naramdaman kong tumayo na si Kuya Den tsaka nagpaalam na aakyat na siya dahil tapos na raw itong kumain

"You didn't finished your food son" ang sabi ni Tita na hindi pinansin ni Kuya Den tsaka mabilis na umakyat ng kanyang kwarto..Anong nangyari Dun?

Pansin ko lang nitong umaga parang may iba sa kanya, actually kahapon pa, simula nung nangyari yung kahapon ay parang naging awkward na siya sakin, hindi niya ako kinakausap which is really weird, knowing Kuya Den alam kong masyadong clingy yan tsaka pag nagkakasalubong kami sa bahay ay kinakausap niya talaga ako pero kahapon ay wala..ni ha ni ho wala..
Tas ngayong umaga di man lang niya ko binati ng Good Morning na araw araw niyang ginagawa, pag nahuhuli ko naman siyang nakatingin sakin ay agad din niyang iniiwas ang tingin niya...

Hays ano nga kayang Problema?

Baka......baka naman alam na niya?
Hindi ko alam pero bigla nalang kumabog ng napakalakas ang dibdib ko..hindi! Hindi dapat!! Hindi pwede!!


"Rin dear ok ka lang? You look pale ijo" ang sabi ni Tita na siyang nagpabalik sakin sa wisyo

"Aah-"


Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon