Chapter 17

3.3K 101 13
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

"Arayyyyy!! A-ate masakit aahhh..Shi—huhu ang sakiiittt" ang sigaw ko ng walang kaawa-awa akong binubunutan ng kilay ni ate..Kailangan raw ito para maging pantay ang kilay ko..Hindi ko siya gusto dahil aside sa masakit ay hindi ko alam anong magiging mukha ko pagkatapos niyang pag eksperimentuhan to...Sana lang talaga maging maayos ang kinalalabasan

"Ayan! Done. And now let's proceed to waxing" ang sabi nito sabay ngisi na parang demonyo, napalunok ako habang mahigpit na napahawak sa upuang kinararatayan ko...Ano raw? Wax? Sabi ng mga kakilala ko masakit daw ito, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pinaggagagawa ni ate sakin...

"P-pero ate baka masakit po yun" ang kinakabahan kong sabi...


"Don't worry Rin, ate will be gentle" ang sabi nito sabay bigay ng matamis na ngiti...Hinawakan ako ng ilan sa kasama ni ate Mari sa magkabilang kamay, habang ang ilan naman ay sa paa ko na siyang ikinakaba ko lalo...

"Now be steady, ayaw mo naman sigurong magkaron ng complications diba?" Ang sabi ni ate

"Pero kailangan ba talaga na hawakan ako ng ganto ate? Mas lalo lang akong kinakabahan e" sabi ko dito

"No more talking, just follow my commands ok?" Sabi ni ate, naramdaman kong may kung anong bagay siyang pinahid sa paa ko, malamig ito hanggang sa may parang isang tape siyang dinikit dito..


"Now I want you to make a very deep deep breath, on the count of three tatanggalin ko tong nakadikit sa paa mo and I want you to stay calm as you can" ang sabi ni ate, napapikit nalang ako dahil sa kaba, this is it! Gusto ko sanang bumangon nalang at umalis pero andito nako, I need to bear this, it's now or never....


"One..." ayan na..Huminga ako ng malalim gaya ng sabi ni Ate..Sunod sunod ito

"Two" ayan na talaga....



"Theree/Ahhhhhhhhhhh shii-" kasabay ng pagbilang ni ate ang malakas kong sigaw pero agad ding nahinto ng wala akong maramdamang kahit anong sakit, napamulat ako ng aking mata at tumingin sa binti ko, hindi ko man lang namalayan na natanggal na pala ang kung anumang bagay ang nakadikit dito, I look at ate Mari's face and I saw her containing her laughter..
Napatingin ako sa mga kasama ni ate at gaya niya ay nakita kong nagpipigil din sila ng tawa...

"Masakit ba?" Ang tanong ni ate sakin...Marahan akong umiling dito bilang sagot


"Of course hindi, I was just teasing you earlier, actually hindi mo talaga mafefeel ang sakit ng paraffin wax lalo pat kung wala ka namang kabala-balahibo sa katawan, my gahd Rin, evey single bit of your feet is as flawless as porcelain..Grabe ka dinaig mo pa kaming lahat dito" napanganga ako sa sinabi niya, I don't know if I would take thas as a compliment pero thanks anyways...


"Grabe ka ate pinakaba moko dun" ang sagot ko habang napahawak sa didbdib kong grabe ang kabog, at dun na kami isa-isang nagsitawanan...



"Were done fixing all the ugly hairs in your body kaya now let's proceed to the hair and make up" ang sabi ni ate, napakunot ang noo ko sa sinabi nito...Hair? Make up? Seryoso?


"Is it necessary to-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit na si ate


"Of course it's not, kasi kahit wala kang make up you look fantastic, natural features mo pa lang pang Vogue and Elle na, pero since gusto kong gawin kang extra tonight, we'll add some extra slice on you, and that includes some of make up and hair     metamorphosis" ang sabi niya...Umoo nalang ako dito dahil wala talaga akong laban..

Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon