Chapter 15

3.7K 102 24
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

"Hi Tita Nette, Tito Dudes, good morning" napatingin ako sa nagmamay-ari ng maarteng boses, I saw Isabelle with her plastic aura, She's widely smiling but it doesn't stop me from thinking that it's just her drama...Kunwari mabait pero ang totoo nasa loob pala ang kulo

Napatingin naman ako kay Kuya Den na ngayon ay may gulat sa mukha pero agad ding napalitan ng pangungunot ng noo, Oh LQ sila?
Wow edi mabuti...charing


"Hi babe, I missed you" ang sabi nito sabay halik sa labi ni Kuya Den, napaiwas agad ako ng tingin dito, I felt a pang of pain inside me dahil sa nakita ko, hindi parin talaga ako nasasanay everytime nakikita ko silang nagkikiss o ganyan ka intimate...Oo na, manhid na kung manhid! wala e, tonta yung bida nyo isali niyo pa ang tanga, boba stupida lahat lahat na!

"What are you doing here?!" Ang madiing tanong ni kuya Den, focus lang ako sa pagkain dahil as much as possible binibilisan ko para makaalis nako papuntang skwelahan..



"Ouch ha? Ganyan talaga pambungad mo sakin? Hindi mo bako namiss?" Ang sabi nito sabay upo sa katabing upuan ni Kuya..Ang kapal ng mukha ni hindi nga inayang umupo

"Oo nga naman son, wag ka namang ganyan sa girlfriend mo, sige ka baka maghanap yan ng iba at iwan ka haha" ang rinig kong sabi ni Tito Dudes sabay tawa

"Dad! Matagal na kaming hiw-" hindi ko masyadong naintindihan ang sasabihin sana ni Kuya ng mabilis na nagsalita si Isabelle...Epal

"Thanks tito, wag po kayong
mag-alala, hindi ko po magagawang saktan at iwan ang anak niyo, No words can express how much I love your son" gusto kong masuka sa pinagsasasabi nito pero pinigilan ko..

"That's good iha" sagot naman ni Tito Dudes...Kita kong umangat ang mga kubyertos at plato sa lamesa ng biglang itong hinampas ng napakalakas ng kung sino, nakita ko ang nakatayong si Kuya Den habang nakatingin ng masama kay Isabelle, sa uri ng tingin nito ay mukhang may balak siyang patayin ito sa sobrang talim ng kanyang mga titig..

"Denver! What are you doing? Ano bang nakain mo at bigla ka nalang nagdadabog" ang galit na sigaw ni Tita..

"Who taught you that? I did not teach you to be aggressive and disrespectful in front of the food" ang pahabol na sabi ni Tita...nakita kong nagkimpian ang mga ngipin ni kuya habang andiyan parin yung apoy at galit sa mga mata niya, wala akong ideya kung anong nararamdaman niya ngayon pero I just want to hug him so tight to make him calm down..
But again pinigilan ko! Andiyan yung legal wife e, Charoot

"I lost my appetite, I'm sorry but I have to go" ang sagot nito pero di pa sya nakakaalis ng narinig kong nagsalita si Tita

"No you don't young man! Umupo ka dito at wag mo kaming walk out(an)!!" I can sense authority on her voice, nakakatakot talagang magalit si Tita, para siyang si
Ms. Cherrie Gil kung magalit pero mabait naman siya sobra, pero kung magalit ay naku...


"Wag kang bastos Denzer Zake a? Finish your food at ihatid mo sa school si Isabelle pagkatapos" ang sabi ni tita, nanlaki ang mata ni Kuya Den at nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay

"What? Pero ihahatid ko si Rin" ang sagot nito, narinig ko namang umepal ang kalahi ni Hagorn


"No it's okay tita, wag niyo na pong abalahin si Babe dahil parang galit padin siya sakin e, tsaka nakakahiya naman po kay Rin, baka isipin niyang inaagaw ko si babe sa kanya" napatingin ako dito ng binanggit niya ang pangalan ko, walang hiya, anong pinagsasasabi mo pashnea ka! Wala akong iisiping ganun hunghang!
Hindi ko alam pero parang may iba siyang gustong ipahiwatig sa sinabi niya

Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon