Chapter 8

4.7K 124 6
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

Maingay na paligid at nakakasilaw na mga ilaw ang sumalubong sakin pagpasok namin sa loob ng isang bar..Napagdesisyunan kong sumunod nalang din kina Miya pero hindi ko naman inakala na sa isang Bar pala ang pupuntahan nila...Nakasunod lang ako kay Ivan sa kanyang likod.
First time kong makapunta sa lugar na tulad nito..Okay lang naman kasi 18 naman nako tsaka isa pa nagpaalam naman ako kay tita at thankfully ay pinayagan din niya ko, diko nga inexpect na matutuwa pa siya ng sabihin kong sasama ako sa barkada, ani pa nga niya

'Of course dear pwede kang sumama, may tiwala ako sayo dahil alam kong hindi ka pabaya di tulad ng kuya Den mo haha, Eh ikaw lang naman ang hinihintay kong magsabi sakin ng ganyan, alam ko ang pakiramdam ng isang teenager na walang social life kaya gooo, mag-enjoy ka dear, basta mag-iingat ka ah? Tsaka wag masyadong magpagabi'

Speechless talaga ako sa sinabi niya, isang sentence lang ang sinabi ko pero napakahaba na ng kanyang sagot..charing haha..

"Stick with me" ang bulong ni Ivan sakin tsaka hinawakan ang bewang ko..Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib, in all fairness ang bango niya ah? Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina na nasasaktan raw siya kapag nakikita akong nasasaktan, howkey, akala ko talaga may ibang ibig siyang iparating nun pero sinabi niya na bilang kaibigan lang daw, not that disappointed ako o ano, pero mabuti na yung klaro, tsaka isa pa, hello? Si Ivan yan boi, ang Class prince ng section na andaming fanney, Straight yan at imposible pa sa pangarap kong mahalin ako ni Kuya Den ang ideyang may gusto siya sakin...Trip niya lang yata akong asarin..Alam niyo naman yan..Kung hindi ko lang alam na chikboy yan baka matagal nakong nahulog sa nakaka diabetes nitong mga salita...

So yun nga nakahawak at nakaalalay lang si Ivan sa bewang ko dahil masyadong maraming tao ngayon sa loob ng Bar lalo pat Friday, kadalasan ay mga estudyante I think? May nakita pakong nagma-make out sa isang tabi, Kawawa naman ang mga magulang nila, walang ka ide-ideya na ito ang ginagawa ng mga anak nila..

Ilang sandali pa......

"Preeessss" kailangan ko pa bang sabihin sa inyo kung sino ang malakas na tumawag sakin ng ganyan? Nakita ko sila Miya at ang barkada na nakaupo sa parang isang pabilog na couch..May table sa gitna na may mga alak? pati din chichirya..Hala, umiinom sila?
(Bar nga diba? What else would you expect them to do in here?)


"Pres mabuti naman at nakarating ka, pero teka, akala ko ba ayaw mo?" Ang sabi ni Miya pagkatapos niya kong yakapin

"Hi Pres"

"Wassup Pres?"

"Heyow Pres, good thing at andito ka"

"May himala ba?"

"Naks mabuti naman at naisipan mo ding sumama sa barkada paminsan minsan Pres"

Ang iba't-ibang pagbati ng barkada..Tanging ngiti at kaway lang ang sinagot ko sa mga ito

"Mabuti pa paupuin na muna natin ang babylabs ko, baka pagod na to eh, ayaw ko pa namang napapagod ang reyna ko" ang sabi ni Ivan, naghiyawan naman ang barkada..Mga gatong din eh


"C-che, kayo talaga" ang sabi ko sabay upo, sana hindi nila napansin ang pamumula ko, ang bilis ko pa namang pamulahan..Bakit ba kasi ang putla putla ko?

Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon