Chapter 14

3.9K 116 16
                                    

Sorry for the typos and errors, this is unedited pa po..

Happy reading♥️

------------------------

Rin's Pov

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama at iniisip ang mga nangyari kanina...

Pagkatapos akong halikan ng gunggong na Ivan nayun ay bumalik na ito sa dati, yung masigla at masayahin,
Wala na siyang sinabi pa pagkatapos niya akong halikan na talaga namang ikinainis ko! Ano ganun ganun nalang yun? Hindi naman sa nag-eexpect ako ng ano sa kanya, nakakainis lang kasi eh, andami tuloy tanong sa isip ko, kesyo bakit niya ko hinalikan, ano yung isang kasalanan ko sa kanya na di raw niya malimot-limutan...
Arghhh nakakabanas!!

Natigil ako sa pag-iisip ng magvibrate ang cellphone ko


Fr: 0955*******

Hi babylabs

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng mabasa ang nilalaman nito..Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino to dahil isa lang ang tumatawag sakin ng ganyan


To: 0955*******

San mo nakuha no. ko?!!!!"

Reply ko dito, nilagyan ko talaga ng madaming exclamation point para mas intense...

Nilagyan ko muna ng Name ang number tsaka inadd sa contacts ko

Fr: Mr. Class Prince

Secret, sabay tayo papuntang school, sunduin kita bukas!!!!"

Napakunot ang noo ko sa reply niya, ayaw din niya magpadaig sa exclamation point a?



To: Mr. Class Prince

Hindi ko alam, ihahatid ako ni Kuya Den bukas

Reply ko at wala pang ten seconds ay nagreply ulit ito

Fr: Mr Class Prince

Ako nalang maghahatid sayo labs, total isa lang naman ang destinasyon natin

To: Mr. Class Prince

Ihahatid nga ako ni Kuya Den bukas, kulit neto

Fr: Mr. Class Prince

Edi sabihin mo na sasabay ka sakin bukas, sige na pleaseee


Naparolyo ako ng mata dahil sa kakulitan nito,

To: Mr. Class Prince

Bahala ka, basta sinabihan na kita na hindi ako makakasabay sayo bukas

Ang sagot ko dito, at wala pang ten seconds ulit ng magreply sya, sana all mabilis mag reply

Fr: Mr. Class Prince

Yes! Ok babylabs, see you bukas, halabyuuu😍

Nangunot ang noo ko sa reply nito, Aylabyu mo mukha mo! Arggg Ivan ano ba! Hindi na kita magets, ano ba tong pinaggagagawa mo, masyado mo nang pinapagulo ang utak ko lintek ka

Hindi ko nalang ito nireplyan at sinilent nalang ang phone ko, napatingin naman ako sa kalendaryong nakasabit sa gilid ng pintuan ng kwarto ko, August 28, malapit lapit nadin pala ang birthday ni Kuya Den, actually 4 days from now ay birthday na niya pero hanggang ngayon wala padin akong maisip na pwedeng iregalo sa kanya, kahit lagi niyang sinasabi sakin na hindi ko na kailangang bigyan siya ng regalo dahil enough naraw yung presence ko para makumpleto ang birthday niya, diba ang sweet? Kayo kaya pagsabihan nun tingnan natin kung kahit katiting na porsyente di kayo umasa, marupok ako at alam ko yun...Naalala ko pa nung mga bata kami na ayaw na ayaw niya talagang umaalis ako sa tabi niya pag birthday niya, andaming bata na gustong makipaglaro sa kanya pero ewan ko ba at hindi niya pinapaunlakan ang mga alok nito, he's just clinging with me majority of the time during his party..He always told me that he don't like party stuffs or any big celebrations that are related to him, he just want a simple and happy celebration where he can get to bond with us, his family...Lagi niyang ini-open sakin noon na sa birthday niya lang nakakasama ng buong araw ang parents niya which is sila tita at tito pero hindi niya naman masyado itong naeenjoy dahil busy raw ito sa pag-eentertain ng ibang bisita, mostly mga kasama nito sa business field industry, Kaya kahit birthday niya alam kong malungkot padin siya, yung tipong birthday niya nga, madaming handa, regalo at pagkain pero useless dahil yung isang kagustuhan niya hindi naman niya nakuha, kaya ayun, everytime birthday niya nasa tabi niya lang ako lagi, naiintindihan ko naman siya kaya kahit papano pinaparamdam ko nalang sa kanya na di parin siya
nag-iisa dahil andito ako...


Dangerous Liaisons series #1 PINSAN (r-18) (yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon