Jah's POV
8 am na, tulog pa rin tong boyfriend kong buang na adik sa anime.
"'Ga. Gising na" sambit ko habang tinatapik ng mahina ang balikat nya."5 minutes pa 'ga please" sabi ni Ken. Ay lintek kanina pa yang five minutes na yan. Tumayo muna ako at nagpunta sa kusina, magluluto muna ako ng kakainin namin.
Hello sayo! I'm Jahsmine Tan De Dios, but you can call me Jah. I'm just a simple girl na nagmamahal sa lalaking pangit na adik sa anime. I'm 22, 5'5, a home based entrepreneur and from Makati City. Nagkataon lang talagang dayoff ni 'ga ngayon kaya dito natulog. Tapos ako pa yung gagawin nyang tigaluto ng pagkain.
Matapos akong puyatin kasi daw gusto nyang makasama akong manood nung Kimetsu no Yaiba. Maganda naman, di lang talaga ako mahilig sa ganung genre. Tapos malaman laman kong type nya si Nezuko. Hay nako Suson! Well~ Ako naman yung jowa so, who you Nezuko?
So ang menu natin today ay, pancakes, sausages, eggs, bacons and coffee hindi pwedeng mawala yung kape kasi baka si Ken ang magwala. It took me 30 minutes to cook this because I'm so bright. And sana naman gising na ang mahal na prinsipe.
Pumunta ulit ako sa room kung saan sya natutulog. I and Ken were in a relationship for six years, ilang buwan na lang magseseven na. I'm excited and a bit nervous. Di ko rin alam kung bakit.
" 'Ga, gising na magna-nine na oh. Bangon na. Luto na yung pagkain", sambit ko habang tinatapik yung balikat nya. At nako po, parang tulog na mantika sya ayaw kumilos.
"Ken naman.. Kahirap bang gisingin. Hoy! Bumangon ka na kasi! Lalamig yung pagkain e!", and I lost it, pinalo ko sya ng unan sa likod, nakadapa kung matulog e.
"Aray naman 'ga. Nagpapalambing lang e", at sa wakas! Bumangon na rin po sya. "Nasan ang good morning kiss ko' ga?", tanong nya habang inaayos nya yung bed hair nya.
Ay bakit ang gwapo. Dapat inis ako e. Kanina ko pa pinapabangon tapos puro 5 minutes. Hay nako Ken! Bahala ka dyan. Di na ako sumagot at dumeretso na lang palabas ng kwarto.
"Jah wag kang marupok", bulong ko sa sarili ko. Piste ka Ken Suson! Mahal kita pero naiinis ako kahirap mong gisingin.
BINABASA MO ANG
Wake Up
Fanfiction˜"*°•.˜"*°• Wake Up •°*"˜.•°*"˜ Isang KenTin AU story, kung saan si Jah at Ken ay malapit na sa kanilang ikapitong taon bilang magkasintahan. Then suddenly, something happened. "... 𝔀𝓮 𝓾𝓼𝓮𝓭 𝓽𝓸 𝔀𝓪𝓴𝓮 𝓾𝓹 𝓸𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝓼𝓪𝓶𝓮 𝓫𝓮𝓭... 𝓨�...