Chapter Four

90 5 0
                                    


Ken's POV

Ako nga lang pala yung may day off ngayon kasi si Jah, home based yung business nya. Dakilang raketera tong girlfriend ko na to, kahit na sabihin mong di na nya kailangan magtrabaho e. Anak ka ba naman ng isang business tycoon sa America, mamomoroblema ka pa ba sa usaping pera?

Pero parang pabebe girls tong si Jah, walang makakapigil, gusto nya raw maging independent and work hard for her own money since she's on the legal age na. Kaya ayun nandun sya sa mini office nya doing her thing.

Medyo nabobore na ako kaya nanood na lang ulit ako ng Kimetsu No Yaiba, ang ganda nitong anime na to. Napangiti ako nung naalala ko yung reaction ni langga nung nakita nyang titig na titig ako kay Nezuko.

"Matunaw sana yang cellphone mo", sabi nya at naghalukipkip.

"Ano na namang kasalanan ng cellphone ko ga?" tanong ko sa kanya at tinuon ulit yung mata ko sa pinapanood namin.

"Ano ba kasing meron dyan sa Demon Slayer na yan at di mo maipagpabukas?" tanong nya ulit.

Tumingin lang ako sa screen kasi ayan na, magiging Demon na si Nezuko. Ito namang katabi ko nahiga na sa balikat ko.

"Hala ang daming dugo--- oh! Hala bakit naman ganun? Bakit buong pamilya pa ni Tanjiro?", nagreact na sya at medyo natawa ako.

"Kalma lang 'ga--- ay sabi na e. Magiging demon sya. Kawawang Nezuko", sambit ko habang umiiling.

"Teka nga Ken, sino favourite mong character dyan so far?", she asked and looked at me as she waits for my response.

"Si Nezuko 'ga", sagot ko at tumingin sa kanya.

"Ahh Nezuko, sige sige ako naman girlfriend mo", sagot nya.

Nakakaamoy ako ng batang nagseselos. "Oo naman ga, at mas mahal kita kesa kay Nezuko", I said and peck her temple.

Natahimik naman sya at nanood na lang kami.

I was smiling the whole time and di ko napansing nagpplay na yung next episode. Hala. Parang di ko pa napapanood yung isa ah? Pagsilip ko sa orasan hala? 3pm na pala, miryenda time na kaya naman may naisip ako.

Nagtimpla ako ng chocomilk na gusto nya and a cup of coffee para sakin tsaka nagpalaman ng peanut butter and jelly sa loaf bread slice. Matapos kong iprepare yung kakainin namin nilagay ko na ito sa tray at nagpunta na sa office nya.

"Ga... busy kang masyado, kain muna tayo", I said as soon as I entered the room.

"Aww... Kasweet naman ng langga ko", she smiled and stretched her arms.

Nilagay ko na yung tray sa ibabaw nung mini table and waited for her to come over.

"How's the shipment going?" I asked her and she gave me a sweet smile. "May shipment kami ng makeup products from Korea papasok dito sa PH and yung sa DIY Milktea naman, we just received a hundred and fifty orders around NCR".

"That's so nice to hear. Pero 'ga...", I said as I was lending her the cup of chocomilk, "Pwede bang... mag bonding naman tayo? I mean kahit isang araw lang", I looked at her and waited for her response.

"Sige, 'ga kakausapin ko muna Gia na sya muna ang magtake over then we can have our bebe time tomorrow", she stood up and sat beside me.

"I love you 'ga", she said and hugged me. Oh, that's unusual, ako laging nauunang mag-I love you saming dalawa but... I guess this is my lucky day.

"I love you too", nakangiti kong sagot at hinalikan ko sya sa pisngi. "Kain muna", I said and she nodded.

"Oh! Naalala kong bigla si Sejun at EJ, diba nasa Japan yun ngayon?", she asked me and I nodded "Oo, yun yung anniversary gift sa kanya ni Sejun" sagot ko naman and she smiled.

"Biruin mo 'ga tumagal sila ng 5 years eh parang yelong matalino yang kaibigan mo", natawa naman ako. "Feeling ko ikakasal na yung dalawang yun, malapit na", she sipped on her chocomilk.

"Darating din tayo dyan 'ga", I smiled and sipped my coffee, I saw her smile after hearing what I said.

"The best talaga ang peanut butter with jelly plus chocomilk", sambit nya and that made me blush.

"Hala sya... May kinikilig na bata", panunukso nya sakin. "Wala namang masamang kiligin ah? Lalo na kung sayo ako kikiligin.

Oops! Reverse card, sya naman ang namula. Di namin napansin yung oras until my phone rang.

"Teka 'ga tumatawag si Justin", tumango lang sya at sinagot ko na yung call.

"Bakit?... Oh? Talaga ba?... Alam na ba yan ni Josh at Stell?... Sige sige call ako dyan... Syempre isasama ko si Jah...Oo na... Sige na... Istorbo ka, buset!" then the call ended.

Paglingon ko sa tabi ko, ay hala. Nakatulog na nga, napagod to sigurado. Kaya naman binuhat ko sya at dinala sa room namin and tucked her on the bed. Ako naman ang magluluto ng pang-dinner namin.

--------------
A/N:
Enjoying?

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon