Chapter Eleven

66 4 2
                                        

Sejun's POV

Today is the day! I can't wait for her to say yes. Kumpleto na kaming lahat dito sa rooftop ng bahay ni Josh. As planned magkakaroon ng catching up, samgyupsal mukbang at karaoke. Kinakabahan ako kapag nakakapa ko yung box ng singsing sa bulsa ko.

"Hubby! Tara na dito ang dami ng na-grill ni Grace", pagtawag nya sakin kaya lumapit na ako. Nakangiti sakin sila Stell, kumindat naman si Justin. Mga gagong to lalo akong kinakabahan.

"Kuya Sejun! Ang sarap pala gumawa ng kimchi ni Ate EJ", pagpuri ni Jahsmine habang kumakain na ng wrap na ginawa ni Ken.

"Pwedeng pwede na mag-asawa!", sigaw ni Stell. Lintek lakas ng kabog ng dibdib ko dun ah? "Kabolero mo Stell, kumain ka na lang dyan buset ka" sagot sa kanya ni EJ.

As usual nagsimula na yung plano, an hour passed and Josh started singing. Kaloko loko talagang Marry Me pa talaga yung kinanta.

"105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do"

Nakaramdam ako ng pag-tapik sa balikat ko kaya lumingon ako, its Ken, giving me the go signal. This is it Sejun, breathe...

" And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life"

Lumapit na ako kay EJ at niyakap sya mula sa likod.
"Hubby? Okay ka lang? Inaantok ka na?", pagtatanong nya sakin. Hindi ako sumagot at hinawakan ko yung kamay nya. "Wifey... I love you so much", I said and went in front of her. "Simula pa nung una EJ, nakikita ko na yung sarili ko na kasama ka hanggang sa pagtanda", nararamdaman kong nagpipigil ng kilig yung mga kasama ko.

"Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough"

"Ej, Wifey, now I am asking you loud enough", I knelt with one knee.

"I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me"

The music went off...

"Will you be my Mrs. EJ Nase?", I asked her and opened the small box I am holding which showed a ring. I can see her smiling and crying at the same time. "Yes Paulo, I'll be your Mrs. Nase", she answered. Ang saya ko! Sa wakas! I inserted the ring on her finger and stood up.

Naririnig kong nagsisigawan na yung mga kasama namin. Niyakap ko sya agad at bumulong "I love you wifey, to infinity and beyond".

"I love you too hubby", she answered. Lumingon na kami sa mga kaibigan namin. Lintek natawa kami ni EJ sa makita namin. Si Ken yakap yakap si Jahsmine, si Justin naman sunud-sunod yung lagok nung hawak nyang iced tea, si Stell teary-eyed? Tapos itong si Josh niyakap bigla si Grace.

"Sana All!", sabay sabay nilang sigaw at nagtawanan kami. Sa wakas talaga, kasal na lang, pamilya na susunod. "Congratulations Dre", pagbati sakin ni Ken.

"Salamat sa tulong nyo mga kasabwat ko", sambit ko at nagsimula na naman ng tawanan. "Ay wow, kaya pala, John Paulo Nase", kinurot ako sa tagiliran ni EJ. "Aray! Ito naman, sabi ko nga sayo diba, may surprise ako. Aren't you surprised soon to be Misis ko?", I said to her and pecked her lips.

"Respeto saming mga Single dito, diba Justin?", sabat ni Stell habang sinasalinan nya yung baso ni Jah ng iced tea. "Putcha, mga torpe kasi kayo", sumabat na rin si Josh. Mga walangya talaga tong mga kaibigan ko.

After few songs we have decided to call it a day. Naunang umalis si Justin at Stell, flight nga pala ni Justin mamaya papuntang Korea. Tapos magkasabay kaming umalis nila Ken dahil nagligpit pa kami.

"Salamat ulit Josh, Grace", sabi ko bago ko paandarin yung sasakyan, nakatulog na si EJ, napagod siguro. "Congratulations sa inyo Pau! Ingat sa pagddrive", sabi ni Grace at nag-wave na sila. Nag drive na ako pauwi. Salamat Lord, she said yes.

Jahsmine's POV

Uwian time na, pero kinikilig pa rin ako sa mga nangyari kanina. Everything went well as planned. "Jah, ingat kayo ni Ken hah? I hope we can hang out some time", sabi sakin ni Grace at nagbeso kami. "I would love too, thank you hah? Oy Kuya Josh, uuwi na kami", pagpapaalam ko kay Kuya Josh at pumunta na sa kotse.

"Ingat sa pagmamaneho Ken", pagpapaalala ni Kuya Josh kay langga. "Oo naman dre! Ako pa ba?" binuksan nya na yung pinto nung kotse at sumakay na ako. He started the engine at nagdrive na sya. I can see Grace and Josh waving.

"Ga, ang successful ng proposal ni Kuya Sejun", I opened the topic and Ken looked at me with a smile. "Oo nga 'ga, sakto pa yung pagkanta ni Josh", he answered me. Napahikab ako at tumingin sa orasan ko. "Hala? 11:30 na?", inayos ko yung upo ko at kinuha yung stuffed toy sa gilid.

"Tulog ka muna, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo", sabi sakin ni Ken at tumango na lang ako. "I love you Langga ko", he said and held my hand. "I love you too Langga" I said and closed my eyes.

Malapit ng lumalim yung pagtulog ko ng bigla kong naramdamang nagpapanic si Ken. "Ga? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinasagot. "Ga. Anong nangyayari?", tanong ko sa kanya ulit at putcha hindi sumasagot si Ken.

"Langga pumikit ka!" Yun yung huling narinig kong sinabi nya bago kami sumalpok sa isang poste. Namamanhid yung buong katawan ko pero gising ako.

⚠️⚠️⚠️⚠️
Lumingon ako sa driver's seat at nakita kong duguan yung parteng ulo ni Ken. "K-Ken?!" I screamed and tears started falling from my eyes. "Ken! Gising! Langga ko!", I tried wiping the blood off his face.

"Ken! Gumising ka! Ken", tinatapik ko pa rin sya para gisingin, may pulso pa sya, humihinga pa siya e. Nakaaninag na lang ako ng pula at asul na ilaw bago ako mawalan ng malay.

Yung panaginip ko. Yung kinatatakutan kong mangayari. Nangyari na. Jusko, gabayan mo po kami ni Ken, mahal na mahal ko po sya. Wag nyo po syang kukuhanin sakin. Hindi ko po kaya.

Ken's POV

Hinayaan ko munang makapagpahinga si Jah, halatang napagod din sya sa ganap kanina e. Hindi naman ganun ka-busy yung daan, halos iilan lang yung mga sasakyang kasabayan namin.

Dahan dahan lang yung pagmamaneho ko para di maistorbo yung tulog ni Jah ng biglang may tumawid na pusa. Sa gulat ko inapakan ko yung brake at inikot yung manubela.

"Ga? Anong nangyayari?", nagising na si Jah pero di ko sya pinansin. Lintek! Yung brakes ayaw kumapit, nakikita kong tatama na kami sa poste.

"Langga pumikit ka!", yun na lang yung naisigaw ko bago kami sumalpok at nagdilim na yung paligid. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa...

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon