Jah's POV
⚠️Habang nanonood ako dito ngayon di mawala sa isip ko yung napanaginipan ko. May mga taong pilit na pinag lalayo kami ni Ken, umabot na sa puntong binaril nila si Ken sa harap ko.
Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko nung makita ko ulit sa isip ko yung hitsura ni Ken, puro sya dugo and he kept on saying "Mahal na mahal kita Langga, Gising na" hanggang sa malagutan sya ng hininga. ⚠️
Bumalik ako sa wisyo nung narinig ko siyang nagsalita. Tapos na pala sya maligo. "Kuha pa akong chips?", tanong nya so I looked at him and responded "Oo ga, tsaka drinks na rin. Thank you~" and then he went to the kitchen.
"Jah, umayos ka, panaginip lang yon. Hindi yon magkakatotoo", I said to myself and waited for Ken to come and sit here with me.
"Here's the bowl of chips and bottle of drinks for you m'lady", he said and acted like a butler. Cute. Kaya mahal ko to e.
We chuckled and then tumabi na sya sakin, sumandal naman ako sa kanya and he hugged me. "Namiss ko yung ganito tayo 'ga", he said and I snuggled on his chest. "Me too. Namiss kita. Isang buwan rin tayong di nagkita ng personal", I felt him chuckled.
"Tapos puro video call lang tayo", I smiled. "Nga pala ga, tumawag sakin si Justin kanina", he opened up the topic so I grabbed the bowl of chips and placed it on my lap then started eating "Hmm? Ansabi ni Diko?", I asked him.
"Ga si Sejun kasi nangangailangan ng tulong", sagot nya sakin. Hala? Tulong? "Tulong saan Ga? Wag kang pabitin", I looked at him, impossible na malugi si kuya Sejun kaya no, not that.
"Magpo-propose na sya kay EJ sa makalawa", he and that shocked me. "Wait what? Talaga?", I was really amazed and Ken nodded at me while smiling. "Parang kakagaling lang nila sa Japan for their anniv, tapos proposal na?", Ken chuckled.
"Ewan ko ba dyan kay Sejun, pero planado na, Samgyup and Noraebang daw tayo", I giggled. "Yey! Namiss ko na mag-samgyup ga. And naeexcite na ako sa proposal ni Kuya Sejun kay Ate Ej", I squealed like a kid and took a gulp sa picpoc na iniinom namin.
"Baka magsuntukan yung dalawang yun", natawa kami kasi totoo naman, madalas silang nagkakaroon ng cat fights and kawawa si Kuya Sejun, laging lamog ang katawan kakapalo ni Ate Ej. Who would have thought na yung dating magkaaway, magpapakasal na. Love is indeed magical.
Ken's POV
At halata ngang excited sya na mawitness ang proposal kasi hanggang ngayon nakangiti pa rin sya.
"Ga, huy", I was waving in front of her.
"Ay! Jusko naman bakit ba ako nakatulala?", she asked herself and that made me laugh hard. As in."HAHAHAHAHAHAHA Aba ewan ko", I answered her as I try to calm myself. "Ay kasaya nya oh? Happy pill mo ko?" she asked me and did a make face after.
"Oo naman", I leaned forward to her. "Ikaw ang", I kissed her forehead "pill na", I kissed her cheek "hindi ko pagsasawaang i-take", then placed a soft kiss on her lips.
She was blushing and then opened her arms, "cuddle time", I chuckled and hugged her. Mahal na mahal ko talaga to, I can't wait to na maging Suson na rin ang last name mo. Malapit na ga. Ngayon, si Sejun at EJ muna.
"Ga, alam mo, parang ikaw si Finn", she said as she looks on the screen, nanonood pa rin kami ng adventure time, namiss ko rin manood ng cartoons kasama sya. "Hmm? Si Finn? Bakit naman?" I asked her and then I saw her smile, "Kasi willing sya gawin ang lahat para maging masaya ang lahat, tapos willing syang tumulong lagi, parang ikaw", and then she looked at me.
"Aww ang sweet naman 'ga", nararamdaman kong nagiinit yung mukha ko, normal na yan, sa kanya lang ako nagkakaganito. "Ikaw naman ang Fiona ko", I said to her and then she smiled. "Why Fiona and not princess bubblegum?", she asked me and looked at me as she waits for an answer.
"Dahil si Fiona, handang i-risk ang lahat para sa ikakabuti ng lahat, she makes her decisions not looking for what she may gain instead she puts her view sa mga nasa paligid", I answered and then she hugged me tight, cupped my cheeks and showered me with kisses on my face.
"Ga! I love you, I love you, I love love youuuu", she giggled and sat beside me again. At ayan na nga. Naghikab na ang bata.
"Tara na sa room, tulog na tayo", pag-aaya ko sa kanya. "Wait lang 'ga, yung mga pinagkainan huhugasan ko muna", she said and stood up holding the bowls stacked together na pinaglagyan ng chips kanina.
"Ayusin ko lang yung bed hah?", I told her and she nodded "Yes~ Para matutulog na lang agad", she answered and that made me chuckle. Baliw talaga.
Naalala ko kanina yung pagyakap nya sakin, tapos yung sinabi nyang wag ko syang iiwan, maybe because of her dream na hindi nya pa sakin nakkwento, itanong ko kaya mamaya? Hm, wag na pala baka mapanaginipan nya ulit.
Pumunta na ako sa kwarto at inayos yung higaan namin, habang hihinihintay ko sya kinuha ko muna yung gitara at naupo sa bed tsaka ako tumugog. Tinipa ko na yung Runaway ng The Corrs.
🎶Say it's true, there's nothing like me and you
Not alone, tell me you feel it too
And I would runaway
I would runaway, yeah
I would runaway
I would runaway with you🎶Habang kinakanta ko to, nagrereplay sa utak ko yung mga pinagdaanan namin simula nung bago pa lang kami, hanggang ngayon na malapit na kaming mag seven years.
🎶'Cause I have fallen in love
With you, no never have🎶Pagtutuloy ko sa kanta at di ko namalayan na nakabalik na pala dito si Jah sa room. Dahil sya yung tumapos ng chorus.
🎶I'm never gonna stop falling in love, with you🎶
She sang and sat on the bed. "Ikaw talaga ga, kung kelang gabi tsaka ka ganyan", she chuckled and leaned her back on the headboard."May nanghaharana ba ng tanghaling tapat ga?", I asked her habang sinosoli yung gitara sa stand nito. "Hmm, may point ka pero kailangan na nating matulog. Kasi darating bukas sila mama at kailangan, maaga, as in maaga tayong magising", she said and nahiga na sya kaya naman tinabihan ko na sya.
"Oo nga pala, pray muna tayo 'ga, bigla kang humiga dyan", pagyayaya ko sakanya. "Parang sya hindi nakahiga", nagtawanan kami tsaka naupo sa bed, we held hands and prayed. After that we fell asleep.
See you next morning.
----------------------------------------
A/N: Sorry ngayon lang.

BINABASA MO ANG
Wake Up
Fanfiction˜"*°•.˜"*°• Wake Up •°*"˜.•°*"˜ Isang KenTin AU story, kung saan si Jah at Ken ay malapit na sa kanilang ikapitong taon bilang magkasintahan. Then suddenly, something happened. "... 𝔀𝓮 𝓾𝓼𝓮𝓭 𝓽𝓸 𝔀𝓪𝓴𝓮 𝓾𝓹 𝓸𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝓼𝓪𝓶𝓮 𝓫𝓮𝓭... 𝓨�...